written at the back of my math notebook

34 2 1
                                        

1

Pamilya mo ba ako? Kasi pamilya kita. Ikaw lang ang taong tinatawag kong "pamilya."

Sa kahit anong pelikula o palabas, basta't may ugnayan ito sa pamilya, naiiyak ako. Nagiging sensitive ako— soft, fragile, glass-like.

Pamilya mo ba ako? Kasi ikaw ang pamilya ko. Natatakot ako sa tuwing nagkakaroon ka ng minamahal na lalaki, dahil baka iwan mo akong mag-isa at hindi na muli bumalik. Eh, kaka-ligtas mo nga lang sa akin, eh. Natatakot ako. Na baka hindi mo na ako ligtasin muli, katulad ng ginawa mo tatlong taon ang nakalipas.

Huy, kaano-ano mo ba ako? Bakit parang, kung hindi tayo nakatira sa iisang bahay, wala lang din tayo sa isa't isa? Kung iyon ang dahilan kung bakit tayo naging pamilya— then it's fragile. Soft and glass-like.

Natatakot ako. Kaano-ano mo nga ba ang "pamilya"? Bakit ba tayo... naging pamilya? Bakit ba kita tinatawag na... pamilya?

Gusto kong magkaroon ng "pamilya." Ayaw ko nang mag-isa. Mas gugustuhin ko na lang mamatay. Gusto ko nang mamatay. Wala na ang nag-iisa kong pamilya. Wala na akong babalikan pa... at wala na rin akong dapat pang ipagpatuloy.

Sawang-sawa na ako. Please lang, mawala na 'tong rational self ko, itong "humanity"— the instinct of not wanting pain.

Nagmamakaawa ako. Hindi ko na kailangan pang maligtas, dahil ako na mismo ang lalapit sa panganib.

2

Hindi katulad nang dati, ayaw mo na itong ayusin. Nagiging katulad ka na ni Mama.

Pagpapanggap na walang nangyari, hahayaan na lamang na ang tumatakbong oras ang magpalipas ng kumukulong mga emosyon na naiwan sa hangin.

Kapagkuwan ay magtatanong kung ayos lang ba ako— may kasamang parang tutang mga mata, maamo at nag-aalala. Pagpapanggap na parang hindi tumahol, hindi nangagat.

Hindi ko na mapigilan. Para bang nagkaroon ng sariling buhay ang aking mga kamay, para lang itigil ang sarili na magtiis tumira sa ganitong klaseng bahay— kumuha ng kutsilyo at maiging pinagmasdan kung gaano kaganda ang kinang ng matulis nitong tingin.

Agad na pinigilan. Hindi niya. Hindi nila. Kundi ng sariling boses sa isip: "Akala ko ba sabi mo tama na?

 Bakit kung kailan ngayon ay tinatama ko na, 

ginagawa ang matagal ko na dapat ginawa,

ngayon ay sasabihin mo ulit na 

'tama na'?"

Dazed OffStories to obsess over. Discover now