***********
Pagkarating ko ng bahay sobrang tahimik wala pa ata si kenn. Kaya dumiretso muna ako sa kwarto para kuhanin yung mga gamit na ilalagay ko sa kwarto ni kenn para sa assignment na binigay ni papa.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto buti nalang wala pa si kenn, kinabit ko yung spycam sa may doorknob ng cabinet niya.
"Ayan tamang-tama yung angle para makita lahat ng ginagawa niya."
"Ba't nandito ka?" Si kenn!
"Omigasssh! K-kanina ka pa anjan??" sana naman hindi niya nakita yung ginagawa ko kanina
"Kakarating ko lang." nagpabagsak agad siya sa kama.
"Ahh, kumain kana? Magluluto ako ngayon" siyempre kelangan pa sweet para di halata
"Magluto ka na, Isara mo nalang yung pinto pag labas mo." seryoso niyang sabi
Tss. Ang yabang. Inuutusan niya ba ako?? >.<
Bumaba na ako at nagluto ng fish fillet ^^ After ilang minutes nakatapos na ako magluto at maghain. Kelangan kong magpaka good girl ngayon, mahirap na baka makahalata yung mayabang na yun -_-
"Handa na pala di mo lang man ako tinawag" umupo na siya sa mesa
"Kase diba paakyat palang >.<" naupo na din ako, sarap upakan talaga to.
"Ikaw nagluto nito?" tanong niya habang tumitikim
"Hinde, si bogart yung aso naten." sabi ko
"Oh talaga? Daig ka pa pala magluto nung aso. Ang sarap kase eh." sabi niya habang kumakain
Inagaw ko yung mangkok at inilayo sa kanya.
"Anooo ba?!" reklamo niya
"Kasingsarap pala ng luto ng aso yung luto ko ha??"
"Diba sabi mo luto ng aso yan! Akin na nga." tumayo siya at aagawin na yung mangkok saken
"Akin na yan!" naagaw niya saken >.< at yung pwesto namen.. magkadikit na kami
Nagkatitigan kami.. Biglang nag init yung mukha ko.. Eyra ba't ganito nararamdaman mo???
"Hmm, tinamad na kong kumain, sige matutulog na ako." umiwas siya ng tingin tapos umakyat na sa kwarto niya
Naiwan lang ako dun sa kinatatayuan ko. Bakit ba kase ganito?? >.<
************************
Kenn's POV
Aish! Ba't ba ko nagkakaganito??? Parang mas gusto kong paulit ulit sana na mangyari yung kanina.. Andami ko ng matang natitigan pero bakit.. ibang iba yung sa kanya? Hindi pwede to.. First time kong mai- inlove sa babaeng yun pa??
Hinde. Hinde ako pwedeng magkagusto sa babaeng yun. May taste ako no! -_- Kakaiba talaga siya >.<
***********************
Nawalan na din ako ng ganang kumain kaya umakyat na din ako sa kwarto ko..
Hmmm, may tumatawag..
Papa: "Ms. Kim, any improvements??"
"Paaaaa. Can I please rest for a while?" pagrereklamo ko
Papa: "What?! At kelan ka pa napagod?? Work on it as soon as possible!"
Inend ko na yung tawag then pinatay yung phone ko. Nagpabagsak na lang ako sa kama.
Bakit naaalala ko pa rin yung nangyari kanina?? Eyra! pigilan mo yung sarili mo! Kundi... Papalpak ang plano mo.. Bawal to. Tama. Focus muna ako sa mission ko ngayon.
********************
Read & comment peeps! :)
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomanceLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...