****
"Bee eto oh. Kain ka madami ha ^__^" nag-aalmusal kami ngayon
"Thankyouuuuu. ^//^" sabi ni bee
"No problem, kain pa ha? Ako nagluto niyan."
"Talaga?? Ang sarap mo naman. ^___^" O.O
"Ha?" napatigil sa pagkain si kenn
"Ah I mean ang sarap mo naman magluto ^___^" dagdag ni bee. -_____________________-
"Tapos na akong kumain." kahit gsto ko pang kumain ng sobrang dami di ko na kinaya ang mga eksena sa kainan T_____T Kailangan ba kaseng magsubuan pa?!
****
Umakyat nalang ako dito sa kwarto at nahiga. Kung matulog nalang kaya ulit ako?? Tutal wala namang pasok at trabaho ngayon.
ZZZZZZzzzzzzzZZZZZZZzzzzzzz
"Eyra!! Bangon na diyan dali!!" hinahampas ako ni bee ng unan
"Ehh?" ba't parang madilim na?
"Ang sabi ko bumangon ka na diyan, 6 na kaya ng gabi."naupo siya sa tabi ko
"What?! Ba't hindi mo ako ginising??" buong araw pala akong natulog :O
"Sabi kase ni papa kenn wag daw kitang istorbohin ^__^" malamang, baka kasi pag ginising niyo ako makaistorbo pa ko sa inyong dalawa -___________-"
Bumaba na kami at nakapatay lahat ng ilaw except sa tv na nakabukas sa may sala.
"Anong meron??" may tatlong bucket kasi ng popcorn at may movie na nakaplay sa tv.
"Movie marathon tayo ngayon." sabi ni kenn habang inaayos yung dvd
Naupo na ako at nagsimula na yung palabas.
Bee--> ^_____^ Ako--> O.O Kenn--> 0.0
"Wahhhhhhhh!" napakapit ako kay bee dahil nagulat ako sa pinapanood namin, magsalang daw ba naman ng horror? Sinister kase yung pinapanood namin.
Pagkakapit ko kay bee itinulak naman niya ako palayo sa kanya kaya nabangga ako kay kenn.. ok. Awkward >//<
"Huwaaaaaaah. Inaantok na ako. Sige guys, tapusin niyo yan ha? Kwento niyo nalang sakin bukas." pumanhik agad si bee sa taas kaya di ko na siya napigilan.
Pumwesto ako sa kabilang dulo ng sofa at nasa kabilang dulo din si kenn.
"Waahhhh!" napahiga nalang ako sa sofa dahil may batang nakatayo sa likod nung lalaki sa movie na pinapanood namin. Ayoko talaga ng mga ganitong movie, kung manonood man ako ng ganito mas gusto ko kasama ko boyfriend ko para may kakapitan ako no. T______T
Tumingin ako sa direksyon ni kenn at tahimik lang siyang nanonood. Ano ba naman to parang hindi natatakot.
"Kenn?"
"What?" sinagot niya ako pero nakatingin pa din siya sa movie
"Pwede bang patayin nalang natin yung movie? Natatakot na ako eh." pakiusap ko sa kanya
"Ok." kinuha niya yung remote at bigla nalang namatay yung tv kaya madilim na ngayon
"K-kenn??" gulp* may naramdaman akong nakatayo sa harap ko at naglean sa akin, malay ko ba kung si kenn o baka mamaya yung bata sa sinister yun T________T
"Matulog na tayo." nagsalita si kenn at hinawakan ako sa wrist paakyat. Siya naman pala yung nakatayo sa harap ko, akala ko naman kung sino.
Pagkapanik namin sa 1st floor binitawan niya na ako sa wrist at naramdaman ko yung mga yabag niya palayo, kinuha ko naman yung cellphone ko para gawing ilaw pabalik sa kwarto ko
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomanceLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...