Chapter 39

83 3 2
                                    

******

"Sister! San kaba kasi pumunta?! May sakit ka pa oh!"

"Wag ka ng magalit bee.. Kung hindi ako umalis hindi ko malalaman ang totoo.."

"Eh diba sis alam mo na ang totoo? Kung sino ang mga pumatay sa mga magulang mo??" kakauwi ko lang ng condo galing sa office ni papa

"Bee.. Nagsinungaling siya sakin.." tumulo nanaman ang mga luha ko.. 

"Ha? Hindi kita maintindihan..."

"Si-si.. Si papa... Siya ang pumatay sa mga magulang naten..." hindi nagsalita si bee pero alam kong sobrang galit ang nararamdaman niya dahil si papa nga din ang pumatay sa stepfather ko na papa ni bee..

"Eyra magpahinga ka na muna. Bibili lang ako ng makakain mo." ihiniga niya na ako at kinumutan

"Bee san ka ba kasi pupunta?"

"Ah... E diba nga sis.. Bibili ako ng pagkain! ^__^"

"Ah sige..." umalis na siya at naiwan akong mag-isa sa condo.

KNOCK* KNOCK* KNOCK*

Sino kaya yun?? Tumayo ako sa kama at binuksan yung pinto.

"GoodAfternoon mam. May nagpapa-deliver po nito sa inyo." isang bouquet ng carnations?

"Sino namang nagpabigay neto?"

"Ahh.. mam hindi ko din po alam.. May card naman po na iniwan eh." 

"Ah sige. salamat." 

Sino kayang nagbigay? Binuksan ko yung card at binasa.

Ang alam ko fave mo daw ang carnations.. Hope you like it. Meet me at the gazeebo near your condo at 6 pm.

-Z

Z? Sino naman yun?? Ay.. baka si dylan to. At sa gazeebo nanaman niyang napili makipagkita -__- 5 pm na pala O.O Kailangan ko na ding mag-ayos, 1 hour nalang pala.

Pumunta na ako sa gazeebo at madilim ang paligid. Nasan na kaya yun? May narinig naman akong kaluskos sa may likuran ko.

"Sino yan?" pilit kong inaaninag kung sino yung nakatayo dun. Palapit na rin siya ng palapit sakin.

"Eyra..." 

"Kenn???" bumagsak ang katawan niya pero nasalo ko siya.

"D-dumating ka..." Dugo... 

"Bakit may sugat ka?! Dadalhin kita sa ospital." Itatayo ko na siya pero niyakap niya lang ako.

"Dito ka lang sa tabi ko..." then nawalan na siya ng malay. Itinayo ko siya at dinala na sa ospital. 

*****

3rd person's POV

Mula sa condo unit nagtungo si Aries/Bee papunta sa opisina ni Mr. Kim.

Binuksan niya ng marahas ang pinto ng office ni Mr. Kim. Nakita niya yung matanda na nagbabasa ng libro.

"Himala at natungtong ang palamunin ng anak ko dito."

"Anak? Hindi masamang tao si eyra kaya hindi mo siya anak." matapang na sagot ni aries sa matanda

"Whatever you say. Anong kailangan mo? Pera ba?"

"Dideretsuhin na kita. Alam kong ikaw ang pumatay sa mga magulang namin ni eyra." nagulat ang reaksyon ng matanda.

"I'm warning you Aries." 

"Natatakot kang malaman niya ang totoo dahil baka masira ang mga plano mo?" napagtanto ni aries na hindi pa alam ng matanda na nalaman na ni eyra ang totoo kaya naisip niyang gamitin ito laban sa matanda.

Guns & Roses >COMPLETED<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon