***********************
Kenn's POV
Pasakay na ako sa sasakyan ko ng may napansin akong may nag-aaway sa may banda dun. Lumapit ako para makita yun.
At.. O.O
Nakita ko si eyra na binubugbog ung lalaki na mukhang magnanakaw..
Tumakbo na palayo ung lalaki.
"Hoy! Duwag! Gagawa ka ng masama tapos tatakas ka! bumalik ka dito!" sigaw ni eyra dun sa lalaki
Hmmm, Ba't ganun suot niya? Parang pupunta sa party -_- Teka.. I have an idea.
"Hoy Babae." tawag ko sa kanya
"Ah, K-kenn??" halatang nagulat siya sa pagtawag ko
"May gagawin kaba?"
"Ha? Eh, may pupuntahan kasiakong party eh."
"Tutal pupunta naman din ako sa party at kailangan ko ng date, sasama ka sakin." hinawakan ko siya sa braso at hinila papunta sa sasakyan
"Uy teka lang! May pupuntahan din ako.."
"Saan ba punta mo?"
"Eh.. Uy may nagtext pala sakin.. Sabi dito hindi na daw tuloy ung party.. Uuwi nalang ako." sabi niya
"Hindi ka uuwi. You will be my date for tonight." at pinaandar ko na yung sasakyan
*************************
Eyra's POV
Kainis muntikan ng manakaw saken yung shades ko, eh may spy cam pa naman na nakakabit dun. Buti nalang at mas magaling akong sumapak dun sa magnanakaw.
Pagkatapos kong turuan ng leksyon si kuya tumakbo na ito palayo. At may biglang tumawag sa pangalan ko..
"Hoy Babae." Si dave.. Hala nakita niya ako.
"Ah, K-kenn??" hindi ako pwedeng magpahalata na sinusundan ko siya.
"May gagawin kaba?" oo. susundan sana kita -_-pero siyempre di ko sinabi yun ^^
"Ha? Eh, may pupuntahan kasi akong party eh." maniwala ka pleaaase
"Tutal pupunta naman din ako sa party at kailangan ko ng date, sasama ka sakin." halaaaa. Paano na ko makakapag- spy niyan???
"Uy teka lang! May pupuntahan din ako.." hindi pwedeng masira ung plano ko.
"Saan ba punta mo?" umisip ka ng palusot eyra..
"Eh.. Uy may nagtext pala sakin.. Sabi dito hindi na daw tuloy ung party.. Uuwi nalang ako." Lightbulb! :D
"Hindi ka uuwi. You will be my date for tonight." at pinaandar niya na yung sasakyan.
Tutal date niya na ko ngayon at hindi ko na kailangan magpakahirap na mag-spy ng patago. Thank you mamang magnanakaw ^.^ Dahil sa ginawa mo nakatulong na din kahit papano.
Nakarating na kami agad sa event, ang bilis naman kase niyang mag drive -_- Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto at inalok ung kamay niya.
Himala, naalog ata utak nito sa bilis ng pag-drive niya eh. Pumasok na kami sa loob ng hotel kung saan gaganapin ang event.
May lumapit samin na lalaki, nasa middle 50's na siguro siya
"It's a pleasure na dumating kayo sa party ko Mr. Lee" sabi nung matanda
"I'm always free, basta ikaw Mr. Ronald Woo." at nagshake hands sila.
Teka.. Ronald Woo.. Tama! Siya nga yung mastermind at ang nag utos kay shinjae na magpa- kalat ng drugs na ginagawa nila. Jackpot ka nga naman Eyra ^^
"Hahaha, You're flattering me Mr. Lee, Btw, Is she your girlfriend?" tanong ni tanda
"Ahh sir.." sabat ko. Mapagkamalan pa talaga akong girlfriend ng kumag na to
"Yes Sir. This is Eyra Kim. My girlfriend." habang sinasabi niya yun, nakatitig siya sakin ng malapitan >//<
"Hahaha. I see. Sige maiwan ko muna kayo. Para masolo mo Mr. Lee ang napakagandang girlfriend mo." at umalis na ung matanda
Umalis ako sa pagkaka-akbay sa kanya at tinapakan ko muna yung paa niya bago ako lumakad palayo.
"Araay! Eyra san ka pupunta?" sabi niya habang hinahabol ako ng paika-ika
Hmp! Bahala ka jan. Girlfriend pala huh? This time gagawin ko muna yung plano ko kay Mr. Woo. At alam ko kaya pumunta din si kenn dito para tapusin si Ronald Woo.
Well, paunahan nalang tayo Kenn Lee.
******************
Pumunta ako sa balcony at hinubad ko yung dress ko, may panloob nman ako na black suit. Pumasok ako sa library ni Mr ronald at nagsimula ng maghanap ng dapat hanapin.
Naghalungkat ako dun sa secret drawer niya at voila. Nahanap ko na yung papers na pinapahanap ni papa. Palabas na ako ng opisina ng may humarang nanaman sakin na lalake.
"Ikaw nanaman. Ibigay mo saken yan." hindi ako nagkakamali si kenn to.
Buti nalang at mejo madilim sa side ko kaya hindi niya nakikita yung mukha ko. Inilagay ko yung papers sa loob ng suit ko at sinaksak siya ng pampamanhid. Bumagsak siya sa sahig.
Pilit niyang inaaninag ung mukha ko, pero wala siyang magagawa dahil sa tinurok ko sa kanya, magiging blurred din ang paningin niya.
"Sorry Kenn. Finders keepers." at umalis na ako.
Pumunta nako sa sasakyan ko na nakahanda sa parking at nagpalit at dun iniwan lahat ng gamit ko.
"Bee, Ikaw na bahala dito. Ingatan mo tong papeles." sabi ko dun sa nakasakay sa sasakyan ko
"Sure. Mag ingat ka ha?"
"Oo naman." at umalis na yung sasakyan.
Bumalik ako kung saan ko iniwan si kenn, at nandun pa rin siya nakahiga pero medyo nakakagalaw na.
"Kenn! Anong nangyare sayo?" pagkukunwari ko
Tinulungan ko siyang makatayo hanggang sa makarating sa sasakyan. Wala pa din siya sa sarili niya kaya nag drive na ako pauwi.
Sorry Kenn.. I have to do this.
*******************
Enjoy reading! :D
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomanceLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...