Chapter 28-Weird kenn

113 2 2
                                    

Kenn's POV (continuation)

Nang makita ko si eyra pupuntahan ko na dapat siya kaso nawala siya sa paningin ko.

"Eyra?? Eyra!" luminga-linga ako pero hindi ko na siya nakita, natuon nalang ang atensyon ko sa lalaking nagsasalita sa stage. 

Dylan?!! Pero panong?

"Goodevening ladies & gentlemen. Thankyou for coming here tonight, it's an honor that all of you are able to come here in launching my new album." hmp. isa na pala siyang sikat na vocalist.

"Ah.. sir nabanggit niyo na din ang bago niyong album. Kayo ba ang writer ng mga sarili niyong albums?" tanong nung isang reporter ata.

"Yes. I made it on my own." sagot niya

"So bawat writer kailangan ng inspirasyon. Meron ka rin ba Mr. Cruz?" Hmp. Ginagamit niya parin pala ang apelyidong yun.

"Well.. It's my personal life.. Pero sasabihin ko na din. Introducing, Ms. Eyra kim. Ang babaeng nagpapasaya sakin sa likod ng mga kantang sinusulat ko." tumapat ang spotlight kay eyra....

Anong?? Ano to...

****

Parang nakita ko kanina si kenn.. Pero imposible naman ata yun. May tiwala naman ako kay bee na hindi niya sasabihin kay kenn kung nasaan ako.

Nag-start naman na ang program kaya naupo na ako.

"Goodevening ladies & gentlemen. Thankyou for coming here tonight, it's an honor that all of you are able to come here in launching my new album." 

"Ah.. sir nabanggit niyo na din ang bago niyong album. Kayo ba ang writer ng mga sarili niyong albums?" may mga reporter na nagtatanong sa kanya sa isang table

"Yes. I made it on my own." sagot niya

"So bawat writer kailangan ng inspirasyon. Meron ka rin ba Mr. Cruz?" Ang tsismoso naman ng mga to. -________-"

"Well.. It's my personal life.. Pero sasabihin ko na din. Introducing, Ms. Eyra kim. Ang babaeng nagpapasaya sakin sa likod ng mga kantang sinusulat ko." Whatda!

Tumapat sakin yung spotlight kaya napatayo ako. Lalabas na sana ako ng hotel kaso naisip ko na baka mapahiya si dylan pag ginawa ko yun, kabayaran ko pa man din na maging date niya ngayong gabi.

Kaso wala namang ganitong usapan! >________< Wala na akong nagawa kundi ang umakyat sa stage dahil sinenyasan ako ni dylan na lumapit sa kanya.

"Hehe.. Hello po.." kabi-kabila ang kumukuha ng picture saming dalawa >________<

"Ms. Kim, gaano na kayo matagal na magkakilala ng sikat na vocalist na si Mr. Dylan Cruz?" 

"Wag na wag mong sasabihin na kahapon lang tayo nagkita kundi ipagkakalat ko na inihian mo ang likod ko.. AS IN NOW." bumulong sakin si dylan. Walangya! Bina-blackmail niya ba ako?! >_<

"Umm.. Hindi ko na matandaan eh.. Pero matagal-tagal na din ^___^" 

"May relasyon ba kayong dalawa ni Mr. Cruz??" usisa ng isang reporter. HALA. Anong isasagot ko???

"Umm.. I think hindi pa ito ang oras to spill some revelations to the public. I'm sorry." sumabat si dylan

"So meron nga sir??" sagot ulit ng reporter

"I'm saying it twice para mas maliwanag. It's not time to spill some revelations to the public." pagkatapos nun lumabas na kami ng hotel

"What did you just said?!?!" hinila ko yung kamay ko na hawak niya

"I'm just stating the fact." Pa-cool niyang sinabi

"What?! Wa-" 

"Dylan Cruz." napalingon kami sa nagsalita

K-kenn? anong ginagawa niya dito?

"Ken Lee. Long time no see." Kilala siya ni dylan??

"So kelan kapa umuwi galing sa US?" Wow ah. I'm visible here. -__-

"A year ago." sagot ni dylan

"Ang tagal na nun ah. Ba't di ka nagpasabi?" sabi ni kenn

"Oo. At sinadya ko talaga na hindi na ipaalam sayo. As if you care." may away ba sila? o.O

"Oo nga naman. So, Who's this girl?" sa wakas tumingin na din si kenn sakin. At anong?? Sino daw ako?!

"Ahh. This girl is Eyra kim. My Girlfriend." Ano daw???? O________________O

"You really made a good catch." sabi ni kenn

"Uhuh. She's a beautiful fish." A-ako? Isda??

"I can see that. Pero sa dami ng isang lumalangoy be careful at baka malansa ang mabingwit mo." ano bang pinagsasasabi ni kenn?!

"Dylan.. I'm tired, I wanna go home." andami kong gustong malaman tungkol sa nanagyayari ngayon pero gusto ko munang magpahinga -__-

"I uhh-" hindi natuloy ni dylan dahil sumabat si kenn

"I'll take her home. Baka masayang ang launching mo ng album ngayong gabi. Sayang naman." Ano? Nasisiraan naba siya??

"Uhh. Sure. My eyes are on you kenn." ngumisi si dylan

"Don't worry marunong akong mamili ng isda" kumindat siya kay dylan

So sinasabi niyang hindi ako magandang isda?!!! Baka nakakalimutan niya! Baliw na baliw kaya siya saken!

Nagda-drive na ngayon si kenn pauwi sa rest house.

"Ba't nandito ka?" binasag ko ang katahimikan. Simula kasi nung sumakay kami walang imikan sa loob ng sasakyan.

"Masama bang dalawin yung kaibigan kong galing sa US?"

"Hindi yon ang tinutukoy ko." 

"Hmm.. May iba paba tayong dapat pag-usapan?" 

"Si bee ba ang nagsabi sayo na nandito ako?"

"Matagal ko ng alam ang lugar na to." 

"Ihinto mo ang sasakyan."

"Malayo pa ang resthouse."

"Magalakad nalang ako."

"Gabi na, madaming gumagala diyan." binubuksan ko yung lock at pinipindot naman niya yung auto-lock.

"Nag-aral ako ng martial arts." nabuksan ko din yung pinto palabas na ako ng hawakan niya ang kamay ko

"Wag kang bumaba." nakahawak siya sa kamay ko pero deretso padin ang tingin niya.

"Ano bang pakialam mo?! Umuwi kana."

"Responsibilidad kita."

"Dati yon at hindi na ngayon."

"Kapag nalaman ni dylan na may masamang nangyare sayo ako ang malalagot. Kaya responsibilidad kita NGAYON." pinagdiinan niya yung pinakahuling salita. Isinara ko na ang pinto ng sasakyan at hindi na rin ako pumalag kaya hinatid niya ako hanggang sa tapat ng resthouse.

"Salamat sa paghatid. Umuwi kana." bumaba na ako at naramdaman ko ring bumaba siya

"Ba't kaba sumusunod?!" lumingon ako sa kanya

"Ba't nga ba? Edi uuwi." painosente niyang sabi

"WHAT?!" 

"Pumayag si dylan na mag-share kami sa iisang kwarto dahil fully-booked na ang lahat ng hotels."

"A-ano?? Hindi pwede!"

"You had nothing to do with it." he smirked

*****

Halaaaaaaa. Ano na kaya mangyayare sa ating loveteam??

At sino si Dylan Cruz sa story na to?

And anong balak ni fafa kenn kay eyra? :D

Enjoy reading :*

Guns & Roses &gt;COMPLETED&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon