[LAST CHAPTER]
*****
Nakauwi na din ako agad at may naabutan akong brown envelope na nakalapag sa harap ng malaki naming pintuan. Binuksan ko yon...
Nagulat ako ng mabasa ko yung nilalaman ng mga papeles..
Isa itong abortion paper...
Hinanap ko sa papel kung kanino nanggaling at may nakapirma na sa bandang ibaba..
Si kenn...
Hindi ako makapaniwala na papadalhan niya ako ng ganito.. Kung ayaw niya sa bata edi wag niyang kilalanin! Anak ko to kaya ako lang ang may karapatang magdesisyon para sa kanya. Mukhang pirma ko nalang ang hinihintay ng papeles na to.. Hindi ako makakapayag na saktan nila ang anak ko.
"Eyra may problema ba?" si dylan
"Kanina ka pa ba jan?"
"Medyo.. Ano ba yang hawak mo?" kinuha niya yung papeles na hawak ko at napayukom siya ng kamao
"Hindi na tama tong ginagawa ni kenn!" unti unting nalukot sa mga kamay niya yung abortion papers
"Dylan.."
Humarap siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Eyra... Marry me eyra."
O.O
O.O
"Dylan.."
"Eyra handa akong akuhin ang responsibilidad sa batang dinadala mo."
"Pero dylan.." sobra sobra na ang tulong na ginagawa niya para sakin
"Eyra, gusto ko din tong ginagawa ko. Please pumayag kana.. Para din to sa bata.."
Kahit naguguluhan pa ako tumango nalang ako. Mas makakabuti siguro itong desisyon na to.. Ang anak ko ang importante sa ngayon..
Bee's POV
"What?! Ate bakit ka naman pumayag?!"
"Ikaw pa rin ba si bee??" sagot ko
"Ate! Ito naman na talaga ako kahit dati pa diba??"
"Nami-miss ko lang kasi yung pagpapanggap mo eh." bakit kaya naisipan netong si bee na bumalik sa dating siya?
"Tss. Ako pa rin to.. Wag mo nga ibahin yung usapan! Bakit kaba kasi pumayag?!"
"Aries... Para din naman sa bata to.."
"Pero kaya mo naman siyang buhayin eh, mayaman tayo at nandito naman ako. Ate kaya nating buhayin yan kahit tayong dalawa nalang.."
"aries.. Diba mas okay kung may kakagisnang ama ang anak ko?"
"Eh ate pwede din namang ako nalang?"
"Hayy.. Aries may sarili ka ding buhay. Hindi mo naman pwedeng isuko ang oras mo para samin."
"Hay... Sigurado kanaba diyan?"
Tumango lang ako.
*****
Ilang linggo na din ang nakalipas..
"Eyra naipadala ko na yung mga invitations, tapos ready na din yung lahat ng gagamitin sa kasal. Mamaya nga pala yung check up natin sa Ob/gyn." paalala ni dylan
"Dylan hindi naman kailangan ng magarbong kasal eh.."
"Kagustuhan koto eyra... Gusto ko lang naman na maging masaya kayo ng magiging anak natin eh.."
Nginitian ko nalang siya. Napakabuti niya samin.. Dylan i'm sorry kung hindi ko masusuklian yung pagmamahal na binibigay mo..
Pumunta na kami sa Ob/gyn at ngayon lang namin napag-alaman na kambal pala ang dinadala ko... Pinakita samin yung ultra sound.. Mga anak.. Kung yung totoo niyo kayang papa ang kasama ko ngayon.. Matutuwa din kaya siya pag nakita niya kayo??
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomanceLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...