******
Kenn's POV
Badtrip! Kaya nga ako tumakas sa klase ay para makapag-relax sa garden pero iba naman ang nadatnan ko.
Hmp. Nagyakapan pa for sure nananantsing lang yung lalaking yun. Eto namang isa may flying kiss pang nalalaman. Corny. -____-
Makabalik na nga lang sa room. Mas pipiliin ko pang makinig sa boring na subject kesa manood ng mga kakornihan. -_-"
Pagtingin ko sa harap.. "Eyra.." napatigil din siya sa paglalakad at napatingin sakin pero umiwas din ng tingin at nilagpasan lang ako.
Haaaaayyyyyy!! Ano bang dapat kong gawin para bumalik yung dating samahan namin?
******
"Kyaaaaaaaahhhh! Eyra! Ba't ba ngayon ka lang bumalik? Tsaka sino ba yung nagpatawag sayo kanina?" sabi ni ella
"Ba't ka ba sumisigaw? May problema ba? Yung taong-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kase may biglang nagsuot ng blindfold sa akin
"T-teka anong meron?" di ako makapalag dahil andaming nakahawak sakin
"Wag ka ng magtanong! Magtiwala ka nalang samin ^___^" boses ni shane yun ah, ano nanamang binabalak nilang kalokohan sakin?
Inalalayan nila akong maglakad papunta sa hindi ko alam -__- pagkatapos ng mahabang paglalakad tumigil sila kaya tumigil na din ako. Naramdaman ko naman na umalis na yung mga nakahawak sakin
at tska ko tinanggal yung blindfold ko.
"Wooooooooooow! *.*" nasa isa akong kwarto na puno ng balloons, yung mga balloons nakaluang sa ceiling at sa tali na to may nakataling mga papel na may sulat. Binasa ko yun isa-isa.
Binasa ko yung pinakauna.
"Kung may karera at tayong dalawa nalang ang magkasama, pwede bang maglakad nalang tayo? Kasi.. Bakit pa tayo tatakbo kung kasama ko na ang premyo ko?" Corny -_-
"Horror movie kaba? Kasi.. pag nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko.." Tss. Sino bang may pakana neto? -________-"
"Sana hindi ka buwan, para hindi mo ako iwan balang araw.." Tao po akoooooo. -___-
May natanaw naman akong nakatayo sa harapan ko, hinawi ko yung mga papel para makita kung sino yun..
"Kenn??" O//O
"Manhole kaba?" tanong niya
"H-ha??"
"Kasi.. Ang bilis kong nahulog sayo eh." nginitian niya ako, kanina nung binabasa ko lang yung mga nakasulat sa papel wala naman akong naramdaman. Pero bakit nung siya na mismo ang nagsabi nakaramdam
ako ng init sa mukha ko? >//<
"E-Engot ka lang! At hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo kaya nahulog ka!" akala mo magpapadala ako huh. :P
"Sayo kasi ako nakatingin eh.." napakamot siya sa ulo niya. Eeeeeeeeeeeeehhhhh. Naramdaman ko namang nag-init nanaman yung mukha ko.
"Eh ba't ka kasi sakin nakatingin? Pwede namang sa iba." tignan natin kung makabanat kapa. --,
"Kasi....." napatigil siya. Hahaha! Naubusan na siya ng banat :P
...
...
...
...
...
...
"Na-love at first sight ako sayo eh..."
O///O Nakaisip pa siya?? Walangya. >////////////<
Napayuko nalang ako, sigurado ako sobrang pula na ng mukha ko. Pag-angat ko ng mukha ko..
"You're blushing."
"Ay ptcha!" nasa harapan ko na siya at sobrang lapit niya na sakin >//<
"Tsk, tsk, tsk. Sabi nila kapag nagsasabi ng bad words dumudumi ang bibig.. Teka.. lilinisin ko ha?"
"Anong lili-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil..
I suddenly feel his lips touching mine...
"I'm sorry sa ginawa ko nun sa pool... And.. Sorry din sa ginawa ko ngayon.."
"Ah-eh...... Ka-kalimutan mo na yun! Hehe.." tumawa nalang ako para mawala yung awkwardness sa atmosphere.
"Thanks..." sabi niya
"Ah.. Sige. Babalik na ako sa room." binuksan ko na yung pinto at nakita kong madaming estudyanteng nakatayo sa labas at nakatingin sakin habang nakangiti saakin.
"Hello guys! Eto nga pala si mcdo." umakbay siya sakin at nakangisi
"Mcdo??" naguluhan din yung mga ibang estudyante
"Masyado na kasing obvious kung tatawagin kong Love ko to'. Diba guys?"
Naghiyawan naman yung mga estudyante na parang inaasar kami.
>//////< Nakapuntos siya dun ah! >.<
kinikilig pa din ako ng may biglang nagsalita..
"Ms. Kim! Anong nangyayari dito?!" galit niyang tanong
Hindi pwede to! Ba't andito siya??
*********
Cut! Bukas ulit :))
Say something naman sa story ko guys para ma-inspire ako laloooooo~ Hehehe. Goodnight! :**
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
Storie d'amoreLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...