******
"So eyra, where are you're parents?" hindi ko mai-alis ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko.. Sobrang daming naglalaro sa isipan ko ngayon.
"Eyra? Mom's asking you." natauhan naman ako nang hawakan ni dylan yung kamay ko
"I'm Sorry.." nakakahiya naman. Yumuko nalang ako.
"It's ok. Sige kumain na muna tayo." nagugutom na ako pero hindi pa din ako makakain ng maayos dahil sa nasaksihan ko.
"Mom. Since nagpakilala na si kuya ng girlfriend niya, may ipapakilala din ako ngayon." nagsalita yung lalaking nasa harapan ko.. Ibig sabihin mas matanda si dylan sa kanya?
"Ok then anak. Nandito naba siya ngayon?"
"Nasa entrance na siya susunduin ko muna." sabi niya habang nakatitig sakin.. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko..
Tumayo naman siya at pumunta na sa babaeng ipapakilala niya. Ilang sandali lang may nagsalita na sa may likuran ko.
"Mom. Meet Mia. My Girlfriend."
"Goodevening po tita ^_^ Long time no see." naupo na sila sa harapan ko..
"Kenn, anak. Di namin akalain na magkakabalikan pa pala kayo netong si mia." napatawa ng konti si tita.
Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko.. At sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Any time gustong tumulo ng mga luha ko..
"Tita ano kaba.. Di kaba naniniwala sa salitang destiny?" nagtawanan lang sila samantalang ako nakaupo lang at hindi kumikibo.
"Ohh, nice to see you again eyra ^_^" nalipat naman ang atensyon sakin ni mia kaya nginitian ko lang ulit siya
"Kilala mo siya mia?" tanong ni tita
"Ofcourse tita. Nung opening ng resto na to, hinarana siya ni dylan. How sweet diba? ^_^"
"Hay nako.. Eyra sinasabi ko sayo napaka swerte mo diyan kay dylan. Kapag mahal ka talaga niyan hinding-hindi kana pakakawalan niyan." sabi ni tita. Lahat naman sila sumang-ayos except kay kenn, nakita ko kasi siyang nag-smirk kay dylan.
"Iha ang tahimik mo ata? Ang boring naman ata ng tahimik na manugang." nabilaukan ako sa sinabi nung daddy nila. Inabutan naman ako ng tubig ni dylan.
"Ok kalang iha? Ohspeaking of manugang. Kelan ba ang kasal dylan?" si tita naman ang humirit. A-anong kasal????? O______O
"Mom, wala pa sa plano namin yun.." Oh thanks dylan..
"Kung ako sayo dylan itatali ko na ng maaga si eyra. Mahirap mawalan ng isang babaeng kagaya niya." hirit nanaman ng dad niya. Anobayaaaaaaan. Hindi nga sila yung mga magulang na tutol sa mahal ng mga anak nila kaso naman masyado silang excited -__-
"Hahaha. Baka ako pa nga ang itali niyan eh." Hwaw. Ang confident din ni dylan no? OO Itatali ko siya at itatapon sa ilog! >___<
Nagkainan lang kami, medyo awkward yung atmosphere dahil na rin sa kaharap ko si kenn at mia.. Natapos na din kami agad. Hindi ako maihahatid ni dylan sahil ihahatid niya pa daw ang parents niya kaya naman sumabay ako kila mia at kenn... Nasa backseat ako at si mia naman ay nasa shotgun seat nakaupo.
Tahimik lang sa loob ng sasakyan pero biglang nagsalita si mia.
"Hon. Naiingit ako kila eyra at dylan. >3< Pano ba naman kasi napag-usapan na nila yung sa kasal tapos tayo hindi pa? Kelan ba yung saten?" Nagulat ako sa sinabi niya at the same time nagulat din si kenn dahil napa-preno ito ng biglaan.
"Sht! Muntikan na tayong mabangga oh!" pasigaw niyang sabi kay mia.. Di niya parin talaga inaalis yung ugali niyang yan.
"Sorry.." tumahimik nalang si mia
Ilang sandali nakarating na kami sa condo ni mia. Bumaba si kenn at pinagbuksan siya ng pinto. Hinatid niya si mia hanggang sa entrance ng condo at natanaw ko pang binigyan ni kenn ng smack si mia sa lips... Nung pabalik na si kenn umiwas nalang ako ng tingin. Nakasakay na siya pero hindi padin nagda-drive.
"May hinihintay pa ba tayo?" sabi ko
"Lumipat ka dito sa harap. Ayokong magmukhang driver." Tss. Lumabas ako at lumipat na sa harap. Pinaandar naman niya na yung sasakyan.
"Nagulat ka siguro nung malaman mong kapatid ako ni dylan no?" binasag naman niya ang katahimikan
"Anong kagulat-gulat dun?" tama yan eyra.. Ipakita mong hindi ka affected >,<
Nakarating na din kami agad sa bahay at nauna na akong bumaba. Medyo naiilang na din kasi akong kasama siya. Bumaba na din naman siya.
"Ibang klase ka din eh." nagsalita siya kaya napahinto ako sa paglalakad
"Pumatol ka pa talaga sa kapatid ng ex-boyfriend mo." hinarap ko siya kaso muntikan na akong matumba nung pagharap ko kasi naman sobrang lapit na ng mukha niya sakin..
"W-Watch your words! Wala kang alam." tumalikod na ako
"I know everything. Ikaw na din ang nagsabi sakin nung nasa tagaytay pa tayo." Bakit mo ba pinapaalala yung mga yon??
Tumakbo ako paakyat sa balcony at umiyak nanaman. Andami kong nalaman ngayon.. Sobrang sakit na makitang may iba na siyang mahal.. Masakit na makita mo yung taong mahal mo na wala ng pakialam sayo..
Wala akong tigil sa pag-iyak nang may yumakap mula sa likuran ko.. Pinipilit kong humiwalay pero nanlambot ang katawan ko nung nagsalita siya..
"I'm sorry.. I'm sorry kung nasasaktan ka ngayon.." Lalo pa akong napaiyak dahil sa sinabi niya.. Kenn.. Bakit kaba ganito sakin? Naglalaban ang puso't isipan ko ngayon.. May side na sinasabing lumayo ako sa kanya dahil hindi kami pwede sa isa't isa.. Pero kusang bumigay ang sarili ko sa mga yakap niya.. How I missed this feeling.
*****
Nagising ako na nasa kama ko na ako. Wala si kenn? Panaginip lang ba yun?
Flashback*
"I'm sorry.. I'm sorry kung nasasaktan ka ngayon.." ihinarap niya ako at unti-unting naglapat ang mga labi namin.. We kissed passionately. A kiss full of love & longing for each other..
Between our kisses bumulong siya.. "I still love you.. At babawiin kita sa kanya, I promise.." Namula ako nang narinig ko yung sinabi niya..
"I'm sorry.. Sorry sa mga nasabi ko.. None of those are true.. Iloveyou." then we kissed again
>End of flashback<
Totoo ba talaga yun??? >////<
Bumaba na ako sa dining area at nakita ko naman na may nakahain ng pagkain. Hinanap ko si dylan dahil alam kong siya lang naman ang nagluluto tuwing umaga..
"Goodmorning ^_^" nagulat ako nang hindi si dylan ang nakita ko kundi si kenn, at naka apron pa siya.
"Goodmorning din ^_^" lumapit siya sakin at binigyan ako ng long smack sa lips. O////O
"You're blushing." niyakap niya ulit ako
"Kenn, ano kaba.. Hindi pwede to.." kumalas ako
"NO. Nagbitiw ka na ng salita kagabi kaya akin kana ulit ngayon." he smiled playfully at hinalikan ulit ako.
"Kenn.. Anong sasabihin natin sa kanila?" ang alam ng parents nila kaming dalawa na ni dylan.. Speaking of dylan.. Kailangan ko siyang makausap..
"Wala tayong sasabihin sa kanila." he kissed me again. Grabe ang adik neto sa kiss >__<
"Eeeeeh. Umayos ka nga." tinulak ko siya ng mahina
"We're leaving. Pupunta tayo somewhere na walang makakasunod satin.." niyakap naman niya ako..
Alam kong mali ito pero kusa talagang pumapayag ang utak ko kapag yakap niya na ako.. I don't care kung ano pang mangyari ngayon. Basta ang alam ko, hindi ko na ulit gagawin yung paglayo ko kay kenn.. Walang sinoman ang makakapaghiwalay ulit samin. Kahit si papa pa yun..
*****
Maya ulit ^_^
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomanceLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...