Chapter 22

94 3 2
                                    

*****

"Ms. Kim! Tell me the truth once again! Anong namamagitan sa inyo ni Mr. Lee?!" binagsak niya ang kamao niya sa lamesang nasa harap

"There's nothing in between us." sabi ko

"Then explain what I saw earlier!" hindi ba siya pwedeng kumalma? -_-

"Ikaw ang nagsabi sakin, making him fall for me is one of your plans to revenge." 

"I said kill him." 

"No, I have my own plans."

"Eyra. Ako ang masusunod dito."

"Kung gusto mong mangyari yung plano mo edi ipagawa mo sa iba." 

"Pero. Hinding-hindi ka magtatagumpay sa balak mo." dagdag ko pa

"Well let's see Anak, kung anong kaya kong gawin."

"I'll be waiting for it, Dad." lumabas na ako ng office niya

I warned him before. Hinding-hindi ako magdadalawang isip na kalabanin siya once na saktan niya ang mga natitirang mahal ko sa buhay. Kaya lang naman ako kumakapit sa kanya dahil alam kong matutulungan niya akong hanapin yung taong pumatay sa mga magulang ko.

Bubuksan ko na yung pinto ng sasakyan ko ng may naramdaman akong aatake sa likod ko..

Bogsh! 

3 sila at isa-isa ko silang pinabagsak, mga tauhan sila ni daddy. Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number niya.

"Hey, Old man. You're so fast huh?" pang-iinsulto ko

"Watch you words young lady!" sabi sa kabilang linya

"What for?"

"I'm still your dad."

"And i'm still your daughter right? But what kind of dad whose trying to kill her own daughter?"

"It's my way of protecting you."

"Next time, tell your faithful servants to watch their moves while protecting me. Baka imbes na protektahan nila ako iba pa ang mangyari." then i ended the call

******

Someone's POV

I'm sorry eyra kung hindi kita maprotektahan.. Buti nalang nandiyan si kenn para sayo.. Hindi pa ito ang oras para malaman mo ang lahat ng totoong nangyare sa mga magulang mo, at kung sino

ang totoong may sala sa kanila..

****

Kenn's POV

I invited spade & dave dito sa mansion at nagkwentuhan kami tungkol sa ginawa ko kanina.

"Hahahaha! Grabe pare! Ginawa mo talaga yun??" nakahawak si spade sa tyan niya habang tumatawa

"Hahaha! Spade! kilala mo ba siya??" sabay turo sakin ni dave

"Pare hinde eh! Hindi kasi ako mahilig sa mga korning banat." mga kaibigan ba talaga to?? -_____-

Hinintay ko lang sila matapos sa pagtawa, napatigil lang sila nung may nagsalita sa likod ko. "Hello? Pwede pakihina yung mga tawa niyo? Abot kaya hanggang sa library." naka-cross arms na sabi ni eyra. Napatayo naman kami bigla.

"Ayy! Umuwi na nga kayo!" pinagtulakan ko sila palabas ng living room

"Sorry..." sabi ko

"Sorry saan? Sa pag-iingay niyo or sa paghalik mo sakin ng dalawang beses??" seryosong tanong niya

"Yung sa ngayon. Tska nag-sorry na ako sayo kanina diba?" nginisian ko siya

"Remember the rules?" Onga pala! May rules kami at nakalimutan ko na yun -__-

"Ok ok, handa akong tanggapin ang consequence sa ginawa kong paghalik sayo sa pool, pero yung nangyare sa school out na yun wala naman tayo sa bahay nung ginawa natin yun eh." nginitian ko siya ng nakaka-loko, namula naman yung mukha n iya. Haha cute.

"A-ano? Kasama yun no! Tska anong ginawa naten?! Ikaw lang may gusto nun!" kumunot yung noo niya

"Hahaha osige.. Para makabawi ako you can add one more sa rules naten. Tutal wala naman ng silbi yung rule no.3 mo." sabi ko

"Abaaaaaaaaa. Porket natuto ka lang magluto ah." kahit puro insulto abot ko sa babaeng to mahal ko pa din siya. -________-

Inirapan ko lang siya, "Tss. Ewan. Tungkol dun sa rules next time ko nalang papalitan." lumabas na siya ng living room

Pumunta naman ako sa kusina.

*****

Kainis siya. Parang wala lang yung nangyare samin kanina sa school ah? Kung makabanat kanina wagas, ngayon naman kung makapang-asar hayy ewan >.< Pumunta na lang ako sa terrace para makapagelax, tinamad na din akong magbasa. Sa sobrang katahimikan ng gabi naalala ko nanaman yung mga memories sa bahay na to... Dito kami palaging nakatambay ni daddy, kapag gabi dinadalhan niya ako ng sugared donuts at isang baso ng gatas kapag naubos na yun kakantahan niya ako hanggang sa makatulog ako at bubuhatin naman ako papunta sa kwarto ko. Hay... I really miss my life back then..

"Oh, kain ka muna." nanlaki ang mga mata ko ng makita ang laman ng tray na nilapag ni kenn sa lamesitang nasa harap ko

"Paano mo nalaman?" umupo siya sa tabi ko

"Ang alin?" 

"Ah wala.." sugared donuts at glass of milk kasi ang nasa tray

"Pansin ko lang, simula kase ng lumipat tayo dito lagi ka nalang pumupunta sa terrace na to. Something special about this place?"

"Ahh yun ba.. special place namen ni daddy to.." kumain na ako ng donut

"Close din pala kayo ng daddy mo."

"Not him. Hindi naman siya yung totoong papa ko eh."

"What do you mean?" bigla naman nag-ring yung phone ko

"Hello bee?" inirapan nanaman ako ni kenn nung sinagot ko ung tawag. Ano problema nito? -___-

"Sige. sige papunta na ako jan. Bye. ingat ka. Loveyou." then i ended the call

"Kenn?" hindi niya ko pinansin

"Uy kenn." hindi niya parin ako pinansin

"Huuuuuuuuuuuuuuy." inalog-alog ko siya

"What?" iritado niyang sagot

"Pwede mo akong samahan sa airport?"

*****

Tahimik lang sa sasakyan habang buma-biyahe kami papunang airport.

"NANDITO NA TAYO." Nagising ako ng magsalita siya, hindi naman pasigaw pero malakas at may halong inis yung pagkakasabi niya

"Ahh.. Ok ka lang ba?" hindi niya ako pinansin at nauna ng bumaba ng sasakyan.

Bumaba na din ako, "Bee!" tumakbo ako palapit at niyakap ko siya, oh I missed him so much

"Sisterrrrrrrrr!!! Na-miss kita!" bineso-beso niya ako

"Bee?" nakatitig si kenn kay bee

"Kyaaaaaaaaaaah! Sino siya sister?" siniko-siko ako ni bee ng mahina

"Si k-"

"Tara na! Sigurado pagod ka sa byahe ^__^" kinuha ni kenn yung maleta ni bee at inilagay sa sasakyan

"Sister? Driver ba naten siya??"tanong ni bee

"Ha? Ah- oo. Hehe." sumakay na kami sa sasakyan.

Buong byahe tahimik lang sa loob ng sasakyan, pero nakakapagtaka lang talaga si kenn, kanina pa siya nakangiti at tingin ng tingin kay bee sa may salamin.

Hmmm... Hindi kaya type ni Kenn si bee?!?! O________O

*******

Si BEE. HAHAHA Sayang no? XD-------->

Talo-talo?! Wahaha! Sorry na late yung update, sabi ko hapon eh kaso masyadong busy. :)

Enjoy reading. :) Goodnight :*

Guns & Roses &gt;COMPLETED&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon