Chapter 38- Another story.

94 3 0
                                    

*****

Bee's POV

Nowhere to be found si sister! San ko kaya mahahanap yun?? 

Lakad*

Lakad*

Lakad*

Bingo! Pumunta ako agad sa lugar na sigurado akong nandun siya.

Since may spare card ako sa condo unit ni eyra ginamit ko na lang ito at pumasok na sa loob. 

"Sister!!!!" nakita ko si sister na nakahandusay sa sahig. Bago ako makalapit sa kanya tinawid ko muna ang mga basag na bote ng alak at kalat-kalat na bala ng baril.

"Aries..." tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.. tinatawag niya lang ako ng ganito kapag hirap na hirap na siya..

"Eyra naman.. Ano ba nangyayari sayo?" itinayo ko siya at pinahiga sa sofa

"Si mama..." umiiyak na siya, mugto na ang mata niya at mukhang matagal na siyang umiiyak

"Sister ang taas ng lagnat mo! Lika. Dadalhin kita sa ospital!" bubuhatin ko na siya kaso pinigilan niya ako

"Aries.. Wag na..."pinilit niyang tumayo kaya inalalayan ko siya, nahiga siya sa kama at kinumutan ko naman siya

"Eyra dito ka lang ha? Wait mo ako. kukuha lang ako ng gamot. 

Tumungo lang siya at pumunta naman ako sa kusina para i-check yung lalagyanan ng mga gamot. Wala namang nakalagay na stock ng gamot dun >_<

"Sister! Bibili lang ako ng gamot ha?" bago ako umalis nilagyan ko muna siya ng basang tuwalya sa noo.

*****

Hindi pwedeng nandito lang ako.. Kailangan kong malinaw ang lahat... 

Pinilit kong tumayo kahit masama ang pakiramdam ko. Nagdrive ako papunta sa office ni papa dala-dala yung itim na box.

Pagdating ko dun walang tao, naalala ko nasa singapore siya ngayon for business trip pero ngayon din ang uwi niya. Naupo muna ako sa sofa a binuksan ulit yung box.. Yung code.. bakit birthday ko pa ang nilagay niyang code?? Nakita ko ulit yung mga pictures at hindi ko napigilang maiyak muli.. Pictures ito ni mama nung namatay siya, at yung video naman at yung actual na pananamantala kay mama ni James. Muli namang namuo ang galit sa puso ko. Binaboy niya ang nanay ko at sinira niya ang una at pangalawa kong pamilya.. Gagantihan ko siya.. kahit si kenn pa ang makakalaban ko. 

Hinalungkat ko pa yung box at meron pa akong nakitang nakatuping papel.. Binuklat ko yon, sulat ni papa to ah?

Eyra anak.. By the time na binabasa mo ito alam kong dumadaan ka ngayon sa napakahirap na sitwasyon. Patawarin mo ako anak kung iniwan ka ni papa ha? Kahit ako hindi ko rin ginustong mawalay sa inyong mag-ina ko..Patawarin mo ako anak kung hindi ko na kayo magagawang ipagtanggol kay alfred.. Inihabilin na kita ngayon sa bestfriend kong si james, kamusta na kayo ng mama mo anak? Maayos lang ba kayo? Siguro napakaganda mo ng babae ngayon.. Kasalanan ng Alfred Leandro kim na yon kaya hindi ko na nasubaybayan ang paglaki mo.. Anak.. pakisabi naman kay james, maraming salamat dahil tinanggap niya ang responsibilidad ko sayo.. Sana masaya kayo ngayon ng mama mo anak. Naniniwala naman akong lumaki kang isang mabuting bata . Mahal na mahal ko kayo ng mama mo.. I miss you baby..

"Hin-hindi si..." pumunta ako sa table niya at hinalungkat ang profile nito.. Alfred Leandro Kim.. Si-siya?? Siya ang pumatay sa mga magulang ko... Siya din ang gumahasa kay mama.. Siya ng may kagagawan ng lahat! Na-nagka-mali ako.. Si james ang bestfriend ni papa.. Binaliktad niya ang storya. Hayup siya.

Narinig kong may mga yabag na papalapit sa pinto kaya dali-dali kong iniligpit ang mga laman ng itim na box.

Bumukas ang pinto at pumasok siya.

"E-eyra?" nagulat siya ng makita ako

"Dad!" tumakbo ako palapit sa kanya at yumakap.

"Anak.. Ba't nandito ka sa office ko?" nilunok ko ang pride ko at humarap sa kanya ng nakangiti

"Masama bang ma-miss ko ang tatay ko?" I gave him a smile. A fake one.

"Himala. Ang sweet ata sakin ng anak kong rebelde." lumakad siya papunta sa swivel chair niya at naupo

"Dad.. Alam ko na ang lahat ng totoo.. And I realized na magkakampi tayo and we shoot the same bird right?" I need to get his trust

"At last. Sabi ko naman sayo anak.. Hindi ako masamang tao.. At nangako din ako sayo dati na tutulungan kitang paghigantihan ang taong pumatay sa mga magulang mo." 

Napayukom nalang ako ng mga kamay ko. "Yes. I do remember that. At gusto kong matapos agad-agad si Alfred." nakita ko namang kumunot yung noo niya. nagi-guilty siguro siya. Parehas sila ng pangalan eh.

"You look pale anak. Go home, you should rest. I'll inform you kapag kikilos na tayo." I left with a plan in my mind. 

Sa totoo lang sukang-suka na ako nung kaharap ko siya at any chance kayang- kaya ko siyang patayin kanina. Pero I want to make his death unforgettable.

*****

Short update! :D Yay! 1000 plus na yun reads ng G&R! :D Napansin kong marami namang nagbabsa nito pero bakit walang nagko-comment? :( 

Alam niyo ba may nakasalubong ako at tinawag akong ate eya? Yun kase ung nickname ko. Tapos sabi niya fan daw siya ng story ko at tuwang tuwa pang pinupuri yung story ko. Niyakap niya ako at nag-kiss pa sa cheeks ko habang kinekwento yung favorite chapters niya eh. Tapos... dumilat ako at nakita ko yung bunso kong kapatid na kni-kiss ako at yakap yakap ako. Panaginip lang pala T___T 

Hindi na nga ako nanghihingi ng votes sa inyo eh. Kahit comment lang? Para naman lalo akong sipagin sa pagsusulat ng story na to. Actually patapos na yung story na to pero may book two pa. Comment diyang kung sino gusto ng book 2 ^_^ para malaman ko naman kung may magbabasa pa nga ng book two. PLEASE COMMENT lalo na sa mga silent readers. Suportahan niyo naman si author :( 

Guns & Roses &gt;COMPLETED&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon