Madaling araw na akong nakauwi dahil pinanood ko pa ang pagbagsak ni Ronald woo. Pagkapasok ko ng bahay nakita ko si Kenn na nakatayo at seryosong nakatingin sakin.
"Ba't di ka pa tulog?" tanong ko
"Saan ka pumunta?" seryosong tanong niya
"H-huh? Sa kaibigan ko bakit?" ang weird niya
"Importante ba yun?" nakatitig lang siya saken
"Uh.. Ano bang problema dun??"
"Wala naman. Late na kase nasa labas ka pa." pagka sabi niya nun umiwas siya ng tingin at umakyat na sa kwarto niya
Ano kaya problema nun? Parang may gustong sabihin.. Ay Ewan! Makatulog na nga.
Kinaumagahan sa school*
Kenn's POV
Siya ba talaga yun?? Bakit siya pa?? Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala.. Pero hindi to pwede! Pero...
"Dudeee!" sabay hampas saken ni spade
"Ano?!" manggulat daw ba -_-
"Owwwwwww. Chill lang."
Tumango lang ako.
"Ang lalim ng iniisip mo ha." sabi ni spade
"Siguro nga.." iniwan ko si spade nang makita ko si eyra na nagmamadaling umalis
******************
"Papunta na ako." tumawag saken si papa at pinagmamadali akong pumunta sa headquarters ng S.I.N
Habang nagda-drive ako may napansin akong sasakyan na sumusunod sa akin kaya nagpasikot sikot ako, nung wala na kong mapuntahan bumaba ako agad at tumakbo nalang. Baka
yung sumusunod saken ay galing sa astro.
Naglakad lakad ako at nagmasid.... Nang biglang may humatak saken..
"K-Kenn?? Anong-?"
"San ka pupunta?" tinulak niya ko sa pader at ihinarang niya yung dalawang kamay niya
"S-sa.." nabablangko ako >.<
"Diba oras pa ng klase??" nakatitig parin siya sakin
"May importante kase akong gagawin.."
"Anong importanteng bagay yun?" bakit ba siya tanong ng tanong??
"W-Wala ka na dun! Kailangan ko bang sabihin lahat sayo?" ang weird na talaga ng mga tanong niya
"Hindi naman." he chuckled
"Eh bakit moko sinusundan?" siya pala ung sasakyan kanina na sumusunod
"Dahil gusto kong kumain ng lunch."
"Yun lang??????" hinabol niya ko para lang dun?! -_-"
"OO. Tara kain tayo." hinila niya na ako pasakay sa sasakyan niya, hindi na din ako kumibo para hindi na siya magtaka
"San mo gustong kumain?" sabi niya habang nagda-drive
"Kila aling bebang's ^___^"
"Huh? Saan mo nanaman ako papakainin???" tanong niya
Nakarating kami agad sa tinuro kong lugar at nung bumaba na ko halos ayaw bumaba nung maarteng lalaki -_- sa carinderia ko kase siya dinala ^_^
"Ate dalawang order po ng dinuguan! Salamat!" umupo na kami
"Saang lugar nanaman to??" sabi niya habang tinitignan ung buong carinderia, tss arte -___________________-"
"Sa earth malamang. Oh kain na." inabot ko sa kanya yung dinuguan with rice, Yummy! ^.^
"Ah manang! Anong sahog nito?" tanong niya kay manang
"Ah iho! Karne yan at dugo ng baboy!" sagot ni manang
Siya naman parang natatakot habang isusubo ung pagkain -_-
Nang makain niya biglang nagbago ung mukha niya.
"Ano? Masarap no?" pang aasar ko sa kanya
"Hinde ah! Kumain ka na nga lang jan!"
Tsss. Di daw pero naka limang order siya -_________-"
Pagkatapos namin kumain nagbayad na kami at naglakad lakad muna.
"Eyra.."
"Hm?"
"Ano ba mararamdaman mo kung mahal mo na ang isang tao?" huh? ba't niya naman kaya natanong yun?
"Hmm.. Ibang saya mararamdaman mo kapag kasama mo siya, tapos po-protektahan mo siya lagi at hindi hahayaan na masaktan."
"Bakit kase pinanganak pa tayo na ganito."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" ang weird niya talaga simula pa kagabi
"Wala. Mauna na ko, puntahan mo nalang ung sasakyan mo sa may parking dun." sumakay na siya ng sasakyan at umalis
Halaaaa. Late na pala ako. Pumunta na ako agad sa headquarters namin at pag karating ko dun sermon nanaman ang nadatnan ko. >.<
"Ms Kim. Kelan ka pa naging busy?!" sigaw ni papa
"May inasikaso lang akong importante." pagpapalusot ko
"So. Mas importante pa pala si Mr. Lee?" huh? pano niya nalaman na magkasama kami?
"I didn't expect na sinusundan niya ako."
"Mukhang nakakahalata na siya Ms Kim. Kailangan mo ng kumilos ngayon."
"Pero.." hindi ko kaya..
"Gawin mo ang inuutos ko!"
"What do you mean?"
"Kill him." what?!
"Iba ang sinabi mo saken dati! Kapag napa ibig ko lang siya! Yun ang sinabi mong gagawin ko." tinaasan ko na siya ng boses
"In that way mas mapapabilis ang plano naten."
"Plano mo! Isa lang ang taong gusto kong paghigantihan, at hindi ako mandadamay ng iba para makapaghiganti lang."
"Kung hindi mo kayang gawin. Ako ang gagawa." seryoso niyang sabi
"Don't! G-Gagawin ko na.."
"Good. I'm going to give you some time. At kung hindi mo nagawa yun. Ako mismo ang papatay sa kanya."
I left the quarters without saying any word. Anong gagawin ko?? Hindi ko kaya... Bakit si kenn pa??
*************************
Short update :)
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomansaLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...