*****
Kenn's POV
Dalawang taon na din ang nakalipas...
Pero kahit umuwi ako alam kong huli na ako dahil nakatali na siya sa iba.. At sigurado nakalimutan niya na din ang isang kenn na nang iwan sa kanya..
Kalalabas ko lang ng airport dahil umuwi agad ako dito sa pilipinas.. Nakita ko si papa na naghihintay outside his car.
"Hi dad." masaya kong bati sa kanya
"Kamusta ang amerika?" sumakay na kami sa loob
"Ayos lang.. Pero hindi pa sapat ang dalawang taon para makalimutan siya.. Kamusta na kaya siya ngayon? Sigurado ako natutunan niya na ding mahalin si dylan.. Kung hihingi ako ng tawad sa kanya ngayon sa tingin mo dad papatawarin niya ako?"
"Kilala ko si eyra anak.. Matagal ka ng pinatawad nun.." may lungkot sa boses niya...
"Dad? I want to talk to her.. Pupuntahan ko siya ngayon.. Pero hindi ko alam kung nasaan siya ngayon eh.."
"Sige anak.. Sasamahan kita sa kanya.."
Isang oras din ang byahe papunta kung saan nakatira daw ngayon si eyra.. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako? Baka nga may anak na siya ngayon.. Kamusta kaya pagsasama nila?? Marami na sigurong nagbago sa loob ng 2 years.. Pero yung nararamdaman ko para sa kanya.. Hindi parin nagbabago...
Huminto na yung sasakyan sa isang malawak na damuhan.. Pero wala naman akong nakikitang bahay.
"Mukhang nasiraan yata tayo dad?"
"No son.. We're here..." bumaba na siya kaya bumaba na din ako
Sinundan ko lang siya, mukhang malawak ang lupain na tinitirhan nila ah.. Tumigil si dad sa paglalakad.. Umalis siya sa harapan ko at... Nasa harapan ko siya.. Ang babaeng mahal ko...
Napaluhod ako at naramdaman kong tuluyang pagtulo ng luha ko..
"Dad! Are you kidding me?!?!"
"Kenn.. Matagal na naming gustong sabihin sayo ang totoo pero baka makasama sayo kaya isinikreto nalang namin.."
"sht!!!! 2 years!!! Dalawang taon akong nangulila!! Dalawang taon akong nagtiis na maghintay para lang makabalik ulit ako sa kanya!!" napasabunot ako sa mga damong niluluhuran ko
"Kenn im sorry.." halos mabaliw ako sa nakikita ko ngayon.. Ayokong maniwala pero nasa harapan ko na ang patunay... She's gone... Tanging picture niya nalang na nakadikit sa lapida ang nakikita ko...
Napatingin ako sa date ng kamatayan niya... Same date nung araw ng kasal niya.. Same date kung kelan ako umalis papuntang amerika..
"Hindi siya sumipot sa kasal niya at hinabol ka niya papuntang airport pero hindi na namin alam ang nangyare sa kanya.. Basta may tumawag nalang samin at ibinalita na naaksidente siya sa pagmamaneho.."
"Sht. sht!!! Hindi ko siya nagawang protektahan.. Wala akong kwenta.. Iniwan ko na nga siya pinabayaan ko pa siyang maghirap.."
"Anak wag mong sisihin ang sarili mo.."
Nagsinungaling sila sakin.. Kasalanan ko to!!! Eyra patawarin mo ako.. Kung hindi sana kita iniwan hindi ka mawawala...
******
Kenn's POV
Tatlong taon na ang nakalipas pero sariwa pa din sa alaala ko ang mga nangyare 3 years ago..
Dito narin ako nakatira sa mansion ni eyra... Pakiramdam ko kasi kasama ko pa rin siya.. Wala na din pala si bee sa mansion dahil balita ko nasa ibang bansa na daw. kahit mag isa ako sa mansyon na to pakiramdam ko hindi ako nag iisa.. Iniisip ko katabi ko lang siya lagi.. Hindi ko rin alam kung paano ko pa nakayanang mabuhay kahit wala na siya..
Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako sa harap ng kwarto ni eyra... Simula ng bumalik ako sa bahay na to hindi ko pa nabubuksan ang pintuan na to...
Pakiramdam ko may narinig akong nagsalita sa loob ng kwarto. Yung boses na yon... Madali kong binuksan yung pintuan sa harap ko at pumasok sa kwarto pero isang tahimik at malungkot na kwarto ang sumalubong sakin...
Walang nagbago sa mga gamit... At naiwan pang nakabukas yung pintuan papunta sa balcony.. Nagtungo ako sa balcony at nandoon parin yung paboritong pwesto ni eyra... Lumapit ako sa lamesa dun at naupo sa isa sa mga upuan doon.. May napansin namang akong kumikinang na kulay pula sa likod ng vase na nakapatong sa lamesa.. Kinuha ko yon,
Eto yung kwintas.. Yung regalo ko sa kanya.. Pero bakit nandito ito? 5 years na din ang nakalipas.. Maraming nagbago sa paligid ko pero hindi pa rin ako nagbabago.. Siya pa rin ang nasa isip ko, minsan nga natatawa ako sa sarili ko dahil lagi nalang ako nakaupo sa tabi ng puntod niya.. Baka sakaling bumalik siya.. Imposible nga tong naiisip ko pero hindi parin ako nawawalan ng pag asa. Minsan nga gusto kong ipahukay to para malaman kung siya nga tong nakalibing.. Sunog na bangkay daw ang narecover nila nung mga araw na yon..
Eyra.. Bakit pakiramdam ko buhay ka pa rin? Ipinapanalangin ko na sana bumalik ka na sakin.. Pero pano ka pa makakabalik? Eh wala ka na nga daw.. Hindi ko alam kung pano ko pa nakakayanang mabuhay.. Minsan nga naisipan ko ng tapusin ang sarili kong buhay, para san pa? Kung dati nabubuhay ako para sayo.. Kaso ngayon para saan pa na nabubuhay ako? Kung wala ka na..
Click!
O_O
"Sino yan?!" bastusan ba?! Bigla nalang ako nasilaw sa isang flash ng camera
"Hoy bumalik ka!" hinabol ko yung babaeng may hawak na pulang camera pero hindi ko na naabutan dahil sumakay agad to sa bike niya na may design na puso.
Sino kaya yon? Bakit parang natuwa ako nang makita ko yung babae? Pakiramdam ko gusto ko siyang hanapin.. Aish! Ang gulo.
Sana makita ko ulit yung babaeng yon..
May nagtutulak sakin na kilalanin ang babaeng yon..
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>END<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
AUTHOR'S NOTE: PLEASE READ
Sa wakas tapos na din ang book one! For the last time guys. Sana naman may mag comment na kahit isang reader ko lang bukod sa pala comment na si joyce na siyang nagbibigay ng inspiration sakin Salamat sa mga nagbasa neto sana basahin niyo din yung gagawin kong book two! Baka 3 days ko pa ma post ung book two nag iisip pa kasi ako ng title eh inuulit ko! Salamat sa mga nagbasa. Sa mga silent reader jan eto message ko sa inyo: ......................... Nabasa niyo ba? Dejoke! Hahaha iloveyou guys kahit silent reader kayo. Atleast nag effort kayong magbasa nitong story ko muah! :***
Yung next book po ay yung pinaka main story.. Pansin niyo ba medyo mabilis ung flow ng story nung book 1? Parang flashback lang kasi sa nakaraan to. Bale yung book 2 ung pinakastory. Ang habang flashback ba?? Hahahha! Madrama si otor eh ;)) Thankyou ulit! :**
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomanceLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...