******
Late akong nagising at masakit pa din ang ulo ko dahil wala akong ginawa kundi ang magpakalasing at umiyak dahil sa nangyari kagabi. Pumunta ako sa garden para hanapin si tatay eddie.
"Tatay Eddie balak ko na po palang bumalik sa manila maya-maya.." kailangan ko nang harapin ang mga problema ko
"Ganun ba iha.. Ba't di kapa sumabay kay kenn kaninang umaga?" nauna na pala siya
"Umm.. Na-late po kasi ako ng gising." sa totoo kahit maaga akong nagising hindi pa din ako sasabay sa kanya
"Ahh, sige ihahanda ko nalang ang mga pwede mong baunin pabalik sa maynila. Onga pala si dylan ang sabi niya pumunta ka daw sa beach pagkagising mo." pumasok na si tatay sa loob ng resthouse
Anong meron ba't niya ako pinapapunta dun?? Pumunta na ako sa beach at nandun nga si dylan pero may lamesitang maliit na may nakahandang mga pagkain.
"Goodmorning." bati niya at nginitian ko lang siya
Uupo na ako sa buhanginan ng pigilan niya ako at naglatag muna ng blanket para upuan ko. "Thanks."
"Laos na kasi ang breakfast in bed kaya eto mas magandang kumain ng breakfast habang view ang dagat." tama siya.. Maganda nga ang view at maaliwalas ang kalangitan.
Nagsimula na akong kumain at napansin kong pang isang tao lang ang nakahanda. "Hindi ka kakain?" tanong ko
"Magkasabay na kaming kumain ni kenn kanina." natahimik ako, ayoko na muna makaalala kahit isang bagay tungkol sa kanya..
"Uhh btw, I'm going back to manila later."
"Ihahatid na kita."
"No need, I have my car."
"Are you sure?"
"Yea. I'm full, mag-hahanda na ako pauwi." tumayo na ako at lumakad pero hinawakan niya yung kamay ko at pinigilan ako
"I have something for you.." tumayo siya at may nilabas na singsing mula sa bulsa niya.
"I-I can't take this.."binawi ko yung kamay ko sa kanya
"It's just a friendly gift. Please?" kinuha niya ulit yung kamay ko at isinuot yung singsing sakin.. Hindi naman masama diba? He's just a friend.
Nakapagayos na din ako ng gamit at nagpaalam na sa kanila at bumalik na sa manila.
*****
Bee's POV
Nakikipag-telebabad ako sa mga friends ko nang marinig kong may dumating na sasakyan. Ayy! Baka si fafa kenn na yun! Sumilip ako sa bintana at nakita kong may kasama siyang girl. Si sister ba yooon?? Ay hinde eh! Mukhang garapata yung pagmumukha at parang octopus kung makapulupot sa katawan ni fafa kenn!! naunang pumasok si fafa kenn. :Hi fafa kenn! How's your trip?? ^_^" Ay! Snob ang beauty ko?! Papasok na din yung pugita at humarang ako sa pinto. "Tabi dadaan ako." Wow!! Bahay niya to? At ano ako katulong?? Aabante ulit siya kaya bahagya ko siyang itinulak gamit ang isang daliri ko, baka mamaya may germs pa to no. Yuck! May humila naman saken papasok, si fafa kenn. "Ouch naman!" napasandal kase ako sa pinto at kinorner niya ako gamit ang dalawa niyang kamay at TSUP! Syempre joke lang, hanggang pagtulak lang no. HAHAHA. Hinila niya yung pugita papasok at umakyat sa kwarto niya. >_______<
Isasara ko na sana yung pinto nang may natanaw akong isa pang paparating na sasakyan.. Ay si sister!! Sinalubong ko siya pagkababa na pagkababa niya. "Sister!!"
"Oh bee ba't nandito ka sa labas?" sabi niya habang inilalabas yung bagahe niya
"Sister! Si fafa kenn kase eh.. May kasamang pugita sa kwarto niya..." tulala lang yung expression ng mukha ni sister.. Ano ba kasing nangyare sa tagaytay???? Hindi na siya sumagot at pumasok na ng bahay. Hayy ewan! Bast akailangan ko nang tumawag sa pest control!
******
May kasamang ibang babae si kenn? At dito pa sa pamamahay ko. Hindi ko to palalagpasin. |Umakyat agad ako at naglakad papunta sa kwarto ni kenn. Nakatayo lang ako sa pinto at nakinig ng mabuti sa mga ingay na meron sa loob.. "Kenn.. Ayy! Wag diyan ano ba nakikkiliti ako! Hihihi! Dahan-dahan masakit!" Ltche. Nakakadiri sila. Sumilip ako sa pintuan at nakita ko silang nagme-make out. Gusto ko sanang pumasok sa loob at kaladkarin palabas yung malanding babae pero nanigas ako sa kinatatayuan ko nang nagsalita si kenn dun sa babae..
"Iloveyou.." at hinalikan niya ulit ito. Hindi ko na kinaya kaya tumakbo na ako papasok sa kwarto ko, nagpabagsak ako sa kama at wala ng nagawa kundi ang umiyak nalang.. Mahal niya nga ba yung babaeng yon? Pero baka gumaganti lang siya sa ginawa ko pero bakit parang sincere yung pagkakasabi niya dun sa babae... Kung paano siya tumitig sakin kapag sinasabihan niya ako ng mga words na yun ganun din ang titig niya sa babaeng ka-make out niya.. May iba naba talaga siyang mahal??
****
Kenn's POV
"Fck!!" binato ko yung bote ng beer na hawak ko at sakto namang may padaan kaya muntikan ng matamaan yung lalaki.
"Pta! Ano bang problema mo ha?!?!?!" Sumugod sakin yung lalake kaya sinalubong ko ng suntok at sinapak ng sunod-sunod.
Bogsh!! Sinapak ko pa ulit at napahiga na to sa sahig. Susugurin ko pa sana kaso..
"Kenn tama na yan!!" Inawat ako nila spade at dave.
"Mapapatay mo na siya oh!!" nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila sakin at lumabas na ng bar.
Pasakay na ako sa sasakyan ko nang may humila saking babaeng hindi ko kilala. Di ko rin matandaan kung nakilala ko na siya dati dahil medyo lasing ako ngayon.
"Hi hon. Wanna play??" she said in a seductive voice.
May naisip ako kaya dinala ko siya sa bahay. Umakyat na kami sa kwarto ko. Pagkapasok namin sa kwarto ko itinulak niya agad ako sa kama and she's now on my top and started kissing me. "Eyra.." i uttered between our kisses. "ILoveyou.." iniisip ko nalang na si eyra ang babaeng to.. Sana nga siya nalang ang kasama ko sa mga oras na to.. Napatigil kami ng may narinig kaming mga yabag papalayo sa may pinto.
*****
Goodnight! Enjoy reading :)
Sorry medyo lame. Bawi nalang bukas :)
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomanceLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...