Lahat po ng pangyayari dito sa mga special chapters ay puro tungkol kay eyra & kenn. Kasali na din dito yung mga sweet scenes nila na lalabas na din sa book two.
>SPECIAL CHAPTER 01<
Kenn's POV
Ang laki naman ng school na nilipatan namin. Hindi ko na tuloy alam kung saan pabalik ng room..
Ay di bale na! Maglilibot nalang ako tutal late na ako sa susunod na subject..
Mag-isa lang akong naglalakad sa tahimik na hallway ng school, sumilip ako sa mga rooms pero walang mga tao. Eto yata yung building para sa mga clubs and organization.. Nakahiwalay pala to sa mga classroom.
May narinig akong tumutugtog.. Sinundan ko yon and I end up in front of the music room. Pinihit ko yung doorknob pero naka lock -.- kaya sumilip nalang ako sa bintana na katabi nung pinto.
May babaeng nakaupo sa tapat ng piano at tumutugtog, sinasabayan niya rin ng kanta. Hindi ko masyado makita yung mukha niya kase nakatalikod ito kaya hindi nalang ako nag abalang alamin kung sino yon kaya umupo nalang ako sa sahig at pinapakinggan siya tumugtog at kumanta.
Ang ganda ng boses niya.. Angelic voice.. Pero bakit ang lungkot ng kinakanta niya? Ngayon ko lang narinig yung tugtog na yon.. May lungkot sa boses niya pero napapaganda neto lalo yung kanta. Pakiramdam ko tuloy pinapatulog ako nung pagkanta niya..
Eyra's POV
Math yung next subject namin pero ayoko munang ma torture yung utak ko kaya nagtanong ako kay ella kung san yung music room. Bukod kasi sa shooting at taekwondo hobby ko din ang pag- piano.
Buti nalang walang tao dito.. Umupo na ako sa tapat ng piano at nagsimulang tumugtog.. Isa lang naman ang favorite kong tugtugin sa piano eh. Tska si mama din ang nagturo sakin nv piyesa na to.. Habang tumutugtog ako sinabayan ko ng pagkanta. Tuloy tuloy lang ang pagtugtog ko at tumutulo nanaman ang mga luha ko.. Naaalala ko kasi si mama eh..
Di ko namalayan na madilim na pala... Hala hindi na ako naka attend sa mga panghapon na subject ko
Pinatay ko na yung ilaw at pagbukas ko ng pinto..
Bogsh!
Paglabas ko ng pinto natisod ako sa hindi ko alam kung ano dahil madilim na din yung hallway pero bumagsak ako sa isang malambot na bagay..
"Hmm.. Aray.." may naramdaman akong hininga sa mukha ko
"Waaaaah! Hyaaaah!" tumayo ako at ni-wrestling yung kung sino man yon
"Aaaaaaahhh!! Sht. Tama na!" huh? Familliar yung boses niya.
Binitiwan ko siya at kinuha ko yung cellphone ko at pinailawan ko then tinapat ko sa kanya.
"Kenn?!"
"Nakakarami ka na ah! Dinaganan mo na nga ako binugbog pa!" it means siya yung nasa ilalim ko kanina?? >////<
"Ehh ano ba naman kasing ginagawa mo diyan sa sahig??"
"Nakatulog ako eh..."
"Eh bat kaba kase jan pa natulog?!"
"Eh kasalanan to nung babae jan sa loob ng music room!"
"Ano??" eh ako lang naman yung tao sa loob kanina eh
"Tumutugtog siua kaya nakatulog ako!"
"So kasalanan ko pa?!"
"Ikaw yung tumutugtog?" so nakikinig siya kanina??
"Sino pa ba? May narinig ka pa bang iba na tumutugtog sa loob?" -_____-
Ding..'ting.. Neng.. Ding ding.
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomansaLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...