Kenn's POV
Madaling araw na at hindi parin ako makatulog kaya nandito ako ngayon sa Astro.
"I can see no improvement on your assignment." sabi ni Mr. Baek
"I'm sorry. I'll do better next time."
"Isang babae Mr. Lee. Natalo ka ng isang babae!" tumataas na yung boses niya
"Kakaiba siya sa lahat sir." sabi ko
"Well.. Then get her out of the picture." sabi niya habang nakatingin sa isang picture frame
"Any other options?" hindi ko kayang pumatay ng buhay, lalo na pag babae pa!
"So.. Naaawa ka. Mr. Lee, sa mundo naten para maabot mo ang tagumpay, you have to think of yourself first."
"I want to know her background. Everything about her." ito ang tadhana ko. Wala na akong magagawa
"Very well. Mr lee. Ipa- pasend ko nalang kay Mr. Yun ang kanyang profile." nakangiti niyang sinabi
"I have to leave." lumabas na ako ng office niya.
***************
Sunday ngayon at maaga na ako nagising.
Hindi ako pinatulog ng kenn na yun.. Hay eyra! hindi pwede to >.<
Bumaba na ako para mag almusal, walang tao.. Sunday ngayon ah? May pinuntahan siguro.
Bumukas yung pinto at si kenn pala..
"Nag almusal ka na? May dala ako sabay na tayong kumain." meron siyang inuwi na mcdonald's ^.^
"Wooooow.. Libre mo??" sabi ko habang inaayos yung pagkain
"May bayad yan. Pagkatapos natin kumain lalabas tayo." sabi niya
"Huh? San naman tayo pupunta?"
"Sunday ngayon diba? Edi magsisimba."
"Hahaha! marunong ka pala nun?" tinignan niya lang ako ng masama, May mga mababait pa din pala na secret agents.
"Bilisan mo na lang." umakyat na ko sa taas at nag ayos.
******************
Sa kotse*
"Teka.. Late na tayo! Wala na tayong aabutan na mass.." traffic pa ngayon
"Oo nga no."
Medyo lumuwag na din yun traffic kaya mabilis kaming nakarating sa pupuntahan namin.
"Diba wala ng misa?" sabi ko, Wala na ding tao sa simbahan.
"Tara." nauna siyang pumasok sa loob
Sumunod na din ako, nakita ko siyang nakaluhod at mukhang nagdadasal. Pinanuod ko lang siya at.. umiiyak si kenn??? Bigla siyang tumayo at tumakbo na ko palabas,
Lumabas na din siya.
"Oh, ba't di ka pumasok?" sabi niya habang pasimpleng nagpupunas ng luha niya
"Umiyak ka ba?" tanong ko sa kanya
"Huh? Hinde ah. Tara, ilibre moko ng lunch." nauna na siyang maglakad
"Tss. Umiyak ka eh! May problema ka ba?" habol ko sa kanya
"Hindi nga. Ang kulit." kiniliti ko yung tagiliran niya at napatawa ko siya
"Haha! Ano ba?! Itigil mo nga yan."
"Sigeeee na. Sabihin mo na kung bakit." tuloy pa rin yung pag kiliti ko sa kanya
"Ilibre mo na lang ako. Para kang bata." nauna ulit siya maglakad, Kahit masungit yung pakikitungo niya saken nakita ko pa din na nakangiti siya, at napangiti na din ako dahil dun.
Papasok siya sa isang resto at hinila ko siya papunta dun sa mga turo-turo.
"Teka dito mo ko papakainin??" pagrereklamo niya
"Wag mong sabihin na di ka pa nakakakain dito??" ang choosy niya ha -__-
"Hindi ako kumakain sa ganitong lugar. Bilisan mo, gutom na ako." pabalik ulit siya sa resto
"Oy oy! San ka pupunta?" hinila ko siya pabalik dun sa turo-turo
"Dun sa resto. I-lilibre moko diba?" sabi niya
"Oonga ililibre kita, peroooo.. Dahil ako ang gagastos, ako din ang magde- decide kung saan ako manlilibre ^.^
"A-ano?!"
"Wag ka ng magreklamo. Manang isang order po ng isaw!" pagka-abot ni manang ng isaw samen.
"Oh aah na.." susubuan ko siya ng isaw, mukhang di marunong kumain nito eh
"T-teka! Baka may germs yan!" sabi niya habang nilalayo yung isaw
"Ano ka ba! Walang lason to no. Tska kung meron man matagal na kitang nilason. Bilis na!" kinain niya na din yung isaw
"Hmmmm. Masarap nga. Ate sampung order po ng isaw!"
"Oy! Seryoso ka?? Sampu??" grabe tong lalaki na to
"Ikaw naman ang magbabayad e ^_^" grabe siya kumain parang PG -__-
Pagkatapos niyang ubusin lahat ng isaw, hinila ko naman siya dun sa nagtitinda ng dirty ice cream
"Ah eyra may alam akong icecream parlour na malapit dito, dun na lang tayo mag dessert ^^"
"ah hindi na, mas masarap dito ^.^ Kuya dalawang sampu. Mixed flavors niyo na lang."
Inabot ko na sa kanya yung icecream.
"Eh.. Malinis ba to?" nakatingin siya sa icecream na parang nandidiri
"Bahala ka na nga jan. Ang arte." iniwan ko na siya dun at pumunta sa may riverside
"Wooooooooooow. Ang peaceful pala dito pag gabi" nakaupo kami ngayon sa may riverside at pinapanuod yung mga namamangka
Tahimik lang si kenn na parang malayo ang tingin.
"Uyyyy. Ba't ang tahimik mo?" tinusok tusok ko yung pisnge niya
"Ha? Ah wala." parang wala siya sa sarili
"Alam mo ba nung bata ako, lagi akong dinadala ni mama sa isang tahimik na lugar at may magandang view. Ang sabi niya kapag nalulungkot daw ako pumunta daw ako sa isang peaceful na lugar at iiyak ko
ang lahat ng sama ng loob ko. Para daw sa ganunmagkaroon ako ng peace of mind." sabi ko
"I'm not gay para umiyak." pagsusungit niya
"Hindi naman ibig sabihin kapag umiyak ang isang lalaki eh bakla na ha!"
"Hindi kase sa lahat ng oras sa iyak mo ibubuhos ang lahat ng problema mo."
"Ahh. Haha basta yun na lang sabi ng mama ko ^^ Ilabas mo lang ang lahat at gagaan din naman yung pakiramdam mo kahit konti."
Nakayuko siya at umiiyak????
"Ah eh.. Kenn.. Di naman kita pinipilit na umiyak eh, Payo ko lang naman yun." sabi ko habang tinatapik yung likod niya.
"Ano ka ba! Hindi ako umiiyak! Napuwing lang ako."
"Tss. Kunyare kapa. Wag ka ng mahiya, ilabas mo lang ^.^"
"Hindi nga sabi eh!"
Buong gabi lang kami sa may riverside at nagkwentuhan ng kung ano- ano.
********************
Read and Comment pleaaaaaaaaase :D
BINABASA MO ANG
Guns & Roses >COMPLETED<
RomanceLibre daw ang magmahal. Pero sa mundo ni Eyra kim, yun ang pinagbabawal. Paghihiganti lang ang tanging nasa isip niya, pero dumating ang isang Kenn Lee na babago sa buhay niya at ang magiging dahilan para kaalimutan niya ang paghihiganti. Ayaw niyan...