Chapter 40- End of suffering?

78 2 0
                                    

***** 

"Eyra... I'm sorry..."

BANG! nakarinig ako ng putok ng baril

"Dad!!" natulala ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko... Binaril niya ang sarili niya sa sentido..

"Dad..." nakita ko siyang bumagsak sa lupa kaya tumakbo ako palapit sa kanya.

"Dad..." nakita ko ang mga bakas ng luha sa kanyang pisngi at pinunasan ko ito gamit ang kamay.

"Dad naman eh.. hik* Ma-matagal naman na kitang napatawad eh.. Hik*" di ko namalayan pero tuloy tuloy lang ang daloy ng mga luha mula sa mata ko...

Hindi ko akalain na ginawa niya yon... Bakit kailangan pang may mawalan ng buhay?? Kahit ganun siya kahit kaunti minahal ko rin siya bilang ama, hindi niya naman kailangang magbayad ng buhay para makahingi ng kapatawaran sa mga ginawa niya dati eh!

*********************************************

Nandito ako sa ospital at naisaayos ko na rin ang cremation ni papa... Magaling na rin si bee at nalaman kong kagagawan din ni papa ang nangyari sa kanya. Pero si kenn... ngayong araw nalang ang natitira para magising siya sa coma.. at kung hindi siya magigising tatanggalin na ang life support na bumubuhay sa kanya.. Muli nanamang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan si kenn sa labas ng bintana ng kwarto niya..

"Hija.." nag offer si tito james ng panyo kaya kinuha ko rin yon

"Salamat po tito..."

"No problem hija. Sabi ko naman sayo diba? Responsibilidad na kita ngayon.." isang matamlay na ngiti lang ang ipinakita ko. Masaya ako dahil may bago akong pamilya pero at the same time malungkot.. dahil hindi ko kayang mawala si kenn..

Napatingin naman ako sa panyo at may nakasulat na initials ng KC&DC. Sigurado akong kay kenn ito dahil nakay dylan naman ang isa. Nagpasya naman akong lumabas ng ospital para magpahangin, malungkot kasi ang atmosphere sa bawat sulok ng building na ito.. Puro iyak at lungkot ng mga may sakit at mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.. Naniniwala ako na hindi ako iiwan ni kenn.

Dumiretso ako sa isang park na malapit doon at naupo sa swing. Tumingala naman ako sa kalangitan at nakita ang mga bituin.. May naalala naman ako dahil dun

FLASHBACK***********

"Eyra.. bilangin mo nga yung mga stars." 

"Ehh di ko mabilang eh.. Andami kaya niyan!" yung iba magkakadikit pa

"Haha, ganyan kadami ang gusto kong anak." napabangon ako sa sinabi niya

"H-HA? Andami mo naman mangarap!"

"Madami? Isa ka lang naman ah." napahawak ako sa mukha ko >///<

"You're so cute when you blush." niyakap niya ulit ako

"Blush ka diyan!" 

"Hahaha, dito lang muna tayo ha? Gusto ko sabay nating papanuorin yung sunrise."

>END<

Naiyak nanaman ako dahil dun.. Gusto ko ulit siyang makasama na mag star gazing.. At gusto ko din siyang makasama sa mga susunod na sunrise.. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at umiyak ng umiyak.. 

"Need this?" napa angat ako ng tingin dun sa taong naglahad ng panyo sakin

"Dy-dylan?"

"Ano ba yan. Madami lang na problema ang dumating sayo nakalimutan mo na agad ako." umupo siya sa katabi kong swing 

"Anong ginagawa mo dito?" 

"Bakit masama bang makita ang fiance ko?"

"Dylan naman..." hanggang ngayon ba umaasa pa rin siya sakin?

"Don't worry. I'm letting you go now." may lungkot sa mga boses niya kahit nakangiti siyang sinabi yon..

"I'm sorry.."

"Don't be. Sige na, bumalik ka na sa loob ng ospital. Hinihintay ka na ni kenn dun." oo nga no? Tumayo na ako at nagpasalamat ulit sa kanya. Pero nung nagsimula na akong maglakad may narinig akong sinabi niya, pero hindi ako sigurado kung sinabi niya nga yon..

I'm letting you go.. For now. Pero babawiin din kita mula sa kanya. Eyra.

Gawa-gawa lang siguro yon ng utak ko dahil na din sa dami ng problema. -______-

Pumasok na ako sa ospital at tumakbo papunta sa room ni kenn. 5 minutes nalang bago mag 12! Pumunta ako sa elevaor pero puno na kaya ginamit ko nalang yung hagdan. Nasa 4th floor pa yung room niya pero kaya yan..

Pagbukas ko ng pinto nakita ko sila bee, shane,ella at tito james na nakatayo sa paanan ng kama ni kenn.. At pagtingin ko sa kinalalagyan ni kenn.. Hindi ko na siya makita dahil nakataklob na ito ng puting kumot.... Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tuloy lang ang agos ng mga luha ko, nakarating din ako sa tabi niya.. Ayokong maniwala pero nung tumingin ako kay tito james isang malungkot na tugon lang ang nakita ko sa mukha niya..

"K-kenn... Bakit hindi mo ako hinintay! Ang sabi mo walang iwanan pero bakit moko iniwan!!" tanging sigaw ko lang at hagulgol ang naririnig sa buong kwarto habang nakayakap ako sa katawan niya.

"Ang ingay mo naman. Natutulog yung tao eh." 

O_O

O_O

Napaupo ako sa sahig at nakita ang bangkay na gumalaw at tinanggal ang kumot na nakapatong dito.

"Bu-buhay ka?!" out of nowhere kong tanong

"Bakit? Sino ba nagsabing patay na ako???"

"You perverttttttttt!!!!!!" kinuha ko yung unan at hinampas hampas sa kanya. Siyempre pahiya ako dun no!

Pinigilan naman ako nila bee at in-explain na kaya daw nakataklob si kenn dahil nakatulog daw to kaka antay sakin. Isang oras na daw ang lumipas nung nagising siya sa pagka coma at ako daw ang unang hinanap :"> Letche talaga tong lalaki na to. Kundi ko lang to mahal eh.. -___________-

Last na ba to? Sana dito na nagtatapos lahat ng sufferings ko... Sana maging officially together na kami ni kenn at wala ng makakapaghiwalay pa samin.

**************************

I-imagine niyo nalang na ganyan sila mag-away ^_^ ------->

Maybe 3 more chapters? :D Inuulit ko po! May book 2 ang G&R! :) 

Sorry napagabi na ang UD. Family outing kasi kanina eh ^_^

At dahil masakit ang muscles ko :3 at puro sunburn ang natamo ko dahil sa swimming pinilit ko pa rin makapag UD ^_^ Kaya naman si author ay manghihingi ng feedback! :D

Enjoy Reading :*** 

Guns & Roses &gt;COMPLETED&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon