Part 35 - Sana All

4.5K 29 4
                                    

Continuation of Chapter 1- Ang Selosa Kung Jowa

4 weeks later... 🗓️

CHARLOTTE'S POV

4 weeks na kaming engaged ni Engfa, at wala namang nagbago... hhmm ay meron pala! mas lalo naging possessive si E sakin. At ako din naman mas lalo akong naging clingy sakanya.

Yung tipong kakaalis pa nga lang niya para pumunta sa mga negosyo niya gusto ko ng umuwi siya agad, pero mahilig talaga siyang mang asar sakin. Sasabihin na hindi daw muna siya uuwi kasi busy siya pero maya maya bigla nalang dumating sa condo. Naadik na siguro ako sa amoy ni E parang lagi ko na itong hinahanap talaga.

About sa kasal namin, napag usapan namin na sa 6 Years Anniversary namin ito gawin, gusto lang namin na intimate wedding lang.

Dati kasi usapan talaga namin ni E na uunahin namin magka baby bago kami magpakasal, Tinanong ko siya nung umuwi kami nang gabing yun kung bakit biglaan siya nag propose. Eh usapan naman namin priority talaga namin unahin ang magka baby kami, pero sabi lang nya she can't afford to lose me lalo na andami daw naghahanap ng plot twist sa buhay namin. May Pich may Mew, haha! At ayaw daw niya yung sinabihan daw ako ni Pich na wala daw kaming papel pa at nasaktan daw siya na sinabihan ako ni Pich nun, which is masakit naman talaga pero hindi naman big deal sakin talaga na hindi pa kami kasal ni E kasi una't una pa lang napag usapan namin dati na mag baby muna talaga kami. Alam namin sa isa't isa ang priority namin.

Sa ngayon talaga mas naging priority muna namin ang kasal. Sabi nga ni E hindi na daw siya makahintay sa Anniversary namin gusto na daw nya ako pakasalan agad pero sabi ko ayoko gusto ko sa Anniversary namin. Gusto ko kasi same date yung araw na sinagot ko siya at ang date ng magiging wedding anniversary namin.

ENGFA'S POV

Kasalukayan kaming nag babakasyon ni Cha kasama ang mga friends namin dito sa Cebu, Hindi sana kami sasama kasi busy nga ako sa mga negosyo ko at may trabaho din si Cha pero mabuti nga na pinayagan siya mag leave. So hindi nadin kami naka tanggi dahil si Heidi na mismo nag book para saming dalawa ni Charlotte ng ticket pero binayaran din naman ni Cha si Heidi, wala ng libre ngayon. Lahat ambagan kahit sa hotel.

Si Marima lang sana ang may business trip daw dito dahil sa work nya pero si Heidi napagtripan sumama at hanggang damay damay nadin lahat. Kasama din namin sila Tina at Nesa dahil si Chompu kasama din naman.

Andito kami sa BAI Hotel dito sa Cebu naka check in at bukas daw ng maaga kami babyahe nanaman papunta daw sa Southern Cebu dahil dun daw yung magagandang beach at andun din daw yung may sikat na Whale Shark daw.

Habang nakahiga kami ni Charlotte dito, hindi kami nagpapansinan. Paano kasi ang sexy ng suot kanina sa airport, yung FA na lalaki na sinasakyan namin sa eroplano panay tingin sa kanya. Bago kami umalis ng condo sinabihan ko na siya mag palit eh ayaw nya dahil airport ootd daw.

Andito naglalambing nanaman para pansinin ko siya, tapos nakikita ko sa maleta namin puro 2 piece ang dala.

C: love.. pansinin mo na ako.. para sa suot ko lang kanina magaganyan ka.
niyayakap nya ako habang ako busy lang kakabasa ng mga AU sa tiktok

E: Yung FA kasi panay tingin sayo kanina, naiinis ako!

C: hay nako mahal.. hanggang tingin lang naman yan sila sakin. Ikaw lang naman makakahawak sakin nito lahat.
at pumatong naman siya sakin

E: what are doing?

C: mahal.. gusto ko po..

E: nang ano?
kunwari hindi ko alam

Ang Clingy Kung FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon