Part 82 - Tequila

1.5K 19 2
                                    

ENGFA'S POV

Dahil sa inis ko lumabas ako ng apartment ni Marima para magpalamig ng ulo ko dahil kung sasagutin ko pa si Charlotte dun baka ano pa masabi ko at mag cause pa sa paglala ng sitwasyon. At hindi ko naman namalayan na sinundan pala ako ni Tina sa labas at kinausap ako.

Tina: Bakit ka lumabas men? Bumalik kana dun.. Umiyak na asawa mo eh
pagkombinsi nya saakin pero hindi ko pinansin ang sinabi nya

E: May yosi kaba jan or vape? pahingi nga o pahiram..
inakbayan naman ako ni Tina

Tina: Gago! kelan kapa bumalik sa bisyo mo na yan? diba huminto kana nyan simula nung naging kayo Charlotte?
nainis naman ako sa daming tanong nya

E: Pwede naman ibalik diba..
kinapa naman ni Tina ang bulsa nya para kunin ang tinatago nyang yosi

Tina: Taena! ito oh.. hindi din alam ni heidi nag yoyosi din ako paminsan minsan..
kumuha naman ako ng isang stick sabay lagay sa bibig ko at pinagbuksan naman ako ni Tina ng lighter nya sa yosi na nasa bibig ko

Habang nakatalikod kami nag yoyosi ni Tina at nagkwentohan ng kung ano ano, hindi namin namalayan na nasa likod pala namin si Charlotte dahil bigla nalang siyang nagsalita na ikinakaba ko.

Cha: Gusto mo ba ipakain ko yan sayo?!
nung narinig ko ang boses ni Charlotte hindi na muna ako tumingin sa likod, si Tina na yung tumingin sabay iniwan ako mag isa. At agad ko naman tinapon yung nakaisang smoke ko palang ng yosi.

Cha: Kelan kapa bumalik jan ha?!
dahan dahan na nga ako humarap sakanya, imbis ako yung galit sakanya kanina nabalik nanaman sakin ngayon yung manuyo

E: Mahal...
kinabahan naman ako dahil galit na galit yung mukha nya with her arm crossed

Cha: Oh nagulat ka nu? nahuli kita nu?!
lumapit naman ako sa kanya

E: Mahal.. Ngayon lang yun promise.. nanghingi lang ako kay tina ng isa dahil gusto ko lang pa kalmahin yung sarili ko sa inis ko kanina sa Marco mo.. Mahal naman eh.. imbis ako yung galit ikaw naman yung galit na galit jan.. Mahal sorry na sorry na.. Ngayon lang talaga yun mahal..
hinawakan ko naman ang kamay nya

Cha: Sabihin mo nga sakin! Tuwing nag aaway ba tayo o pag stress ka nag yoyosi ka ulit?!
kunot na noo nya

E: No mahal.. Hindi po.. promise ngayon lang talaga to mahal..
niyakap ko siya para mawala din ang galit nya, wala akong choice kundi isangtabi ko yung galit at selos ko kanina dahil nahuli nya ako ngayon eh

Cha: Alam mo yan na ayokong nag yoyosi ka dahil nakakasama yan sayo!
hinalikan ko naman siya sa pisngi

E: hindi nga po mahal.. ngayon lang talaga ulit po promise.. hindi pa nga yun naubos oh natapon ko na..sorry na po pls..
paglalambing ko sakanya

Cha: So jojowain mo nga pala talaga si Pich kung wala pala talaga ako sa buhay mo ngayon ha?
pagpapalit nya ng topic

E: Mahal.. hindi po.. sinunod lang naman kita eh dahil dun sa sinasabi nyo na Marco eh hindi ko nga yun kilala kasi hindi mo yan sinabi sakin..
ngumiti naman siya at pinagtaka ko

Cha: Ano kaba mahal.. yan si Marco bakla yan na classmate namin dati nung college, bago kasi nagsimula yung game na yun kanina sinabihan na nila ako nun kasi alam nila na pag totohanan talaga magwawala talaga ako sayo aawayin kita ng malala, tapos ma stress ako sayo eh buntis ako diba.. Kaya alam ko na yun.. scripted na yun lahat dahil ikaw talaga ang gusto nilang pag tripan kanina paseselosin, pa iinisin pero akala ko nga nung una hindi ako maiinis eh pero yung nag yes ka nung kay Pich ay nagselos naman ako tapos nilakihan mo pa ako ng boses mo kaya sa inis ko sayo naiyak ako..
kumunot naman noo ko

Ang Clingy Kung FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon