Part 85 - A Day to Remember

984 14 0
                                    

CHARLOTTE'S POV

This is it, ang araw na ikakasal na kami ni Engfa at naging busy naman kami ngayon sa pag peprepare para sa kasal namin habang hiwalay kami ni Engfa ng room ngayon dahil gusto namin wag muna kami magkita habang inaayosan kami at sa ceremony na kami magkikita talaga.

Kasama ko ngayon ang mga besties ko sa room habang si Nesa at Tina nasa kabilang room kung saan din si Engfa inaayosan. At hindi nga matigil ang luha ni Heidi dahil ikakasal na daw ako, tataliin na daw talaga ako ni Engfa kaya natawa naman ako at sabi ko sa kanya na wag siya mag drama kasi matagal na naman akong nakatali kay Engfa. haha

Pero bigla naman may inabot na papel si Chompu sakin na regalo galing daw nilang tatlo ni Heidi at Marima. At nagulat naman ako dahil binook nila kami ni Engfa ng flight papuntang Maldives para sa honeymoon namin.

Cha: Ayy taray ng besties ko ang yayaman.. haha
sabi ko habang laki ng ngiti ko at binabasa yung nasa papel

Heidi: Sorry yan lang talaga ma afford namin besties haha
biro nya naman

Chompu: haha Maldives lang talaga ma afford namin bestie ha..
nagtawanan naman kami

Cha: Mga gaga! ang humble naman ng mga mayayaman kung bestie, ayoko nalang mag talk haha..
nagtawanan padin kami

Marima: Ay bestie mag talk ka lang! kasi Maldives lang naman yan at wala na kayo gagastosin nyan ni piso kasi naka package nadin lahat yan.. hahaha
pinalo naman ni Heidi si Marima

Heidi: Nu kaba bes, hayaan mo si Cha magsalita nyan dapat lowkey friends lang tayo, gusto ko siya yung magyabang na swerte siya na may besties siya kagaya satin. hahahaha
biro ulit ni Heidi at walang tigil yung tawanan namin.

Cha: Hahaha ano ba kayo alam nyo naman na matagal ko na kayong na appreciate, were like sisters diba at ayoko na mag drama ayoko din ipagyabang sa lahat na meron akong mga tunay na kaibigan kagaya sainyo. Enough na yung alam ko sa sarili ko na sino ang mga tunay at solid kahit anong mangyari. Sobrang love ko kayo besties pero thank you talaga.. basta stay with us padin samin ni E kahit kasal na kami.. alam nyo naman kasal nga kami pero hindi padin mawawala yung mag aaway padin kami lalo na minsan ma attitude din minsan si E..
paiyak na sana sila sa sinasabi ko pero natawa naman sila sa last part na sinasabi ko

Marima: Talaga ba besties si E ba talaga ang may attitude? parang sa alam ko ikaw yung laging nang aaway sakanya hahaha
nagtawanan naman kami

Cha: Hayaan mo na.. Siya muna may attitude ngayon, hindi nya naman narinig hahaha

Chompu: hahaha at yung sinabi mo kanina bes, yes were like sisters and family na talaga.. don't worry were always here para sainyon ni E hanggang lumabas na si inaanak namin.. ayeee
tumili naman sila dahil na excited nadin kami lumabas si baby

Heidi: pero dali na kasi bes ipagyabang muna yung regalo namin kasi sayo hahaha
bigla bumalik nanaman sa topic si Heidi

Marima: Hay nako! Heids tigilan mo na yan hahaha gusto mo lang ipagmalaki yan ni Cha para makita ni Aoom na tayo padin ang best the best na friend ni Cha..
natawa naman ako dahil ayon pala ang purpose

Cha: hahaha mga baliw! so ito pala.. nakipag kompetensya din kayo.. haha tigilan nyo na yan! jusko! halos ma stress na nga ako kay E na pag magseselos gusto din lamangan yung pinagselosan nya tapos kayo din ganyan. haha
sermon ko sakanila kaya nagtawanan nalang kami ulit

Habang tinapos yung pag memake up sakin hindi ko talaga mapigilan ma excite sa kasal namin ni Engfa at yung iniisip ko na surprise nya kagabi na dahilan ng ka weirdohan ng ugali nya kasi kaninang umaga pagka gising namin nag goodmorning lang siya at lumipat na ng room at hanggang ngayon hindi padin siya nag message sakin o kumustahin ako kahit nasa kabilang room lang siya.

Ang Clingy Kung FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon