ENGFA'S POV
Mag 1am na at ito sobrang lasing na lasing na talaga kaming tatlo pero pinipilit parin namin ubusin ang mga natitirang inumin para hindi sayang naman.
Bigla nalang may naitanong si Nesa sakin..
Nesa: Hindi yata lumabas labas si madam sa kwarto nyo ah? Lq kayo nu? haha
asar ni Nesa sakinE: sus.. hayaan mo matulog yon
tumawa naman silang dalawa ni TinaTina: Puntahan mo kaya dun.. haha
at bigla naman akong napasip kay ChaDiretso ako tumayo at naglalakad patungo ng kwarto namin at nakita ko naman siya na hindi pa talaga siya tulog kaya napaisip ako na baka hinintay ako nito.
Pagka bukas ko talaga ng pintoan dumiretso akong umupo sa tabi niya habang nakahiga siya at busy sa pinapanuod nya sa phone. Hindi nya ako pinapansin kaya tinititigan ko muna siya.
Alam ko na lasing na lasing na ako pero klarong klaro parin sa aking mga mata ang kagandahan ng asawa ko. Kaya inilapit ko ang mukha ko sakanya habang nakaupo ako sa tabi nya at nakahiga siya.
Hinahalik halikan ko siya, inamoy amoy ko siya, nilambing lambing pero para itong statwa na hindi gumagalaw dahil focus lang sa pinapanuod nya. Hindi nya ako tinitignan kahit saglit at sobrang seryoso ang mukha niya.
Pilit kung tinatakpan ang phone niya sa likuran ko dahil busy siya sa pinanuod nya at para pansinin nya ako kaya patuloy ko padin siya hinahalik halikan at inaamoy amoy.
Kahit tinatakpan ko na yung phone nya, hindi nya parin ako pinapansin kahit anong papansin ko sakanya. Kahit kinikiss ko na siya sa lips ay hindi nya parin ako pinapansin.
Hindi ko na napansin na nakahiga na ako ng tulayan sa tabi nya habang siya umusog naman para makahiga ako ng tuluyan habang nilalambing ko siya and after nag blur nalang lahat ng pananaw ko.
CHARLOTTE'S POV
Yung lasing ko na asawa, andito lagi nagpapansin sakin pero wala akong gana pumansin sakanya dahil nainis ako sakanya nung hindi nya ako pinapansin after nung nakita niya si Mew sa convenience store.
Hindi man lang niya ako pinatapos kung bakit hindi ako pumayag na magpakita kami dun kay Mew, syempre iniiwas ko lang siya sa gulo at lalo na mabilis mang init ulo nito.
At nakita ko naman yung sinend ni Marima na may naghahanap kay E sa twitter na ekainis ko lalo, bakit ba kasi ang pogi ng asawa ko. Naiiyak ako sa kapogian ng asawa ko kaya andami naghahabol nito. At nagseselos ako lalo dahil dun sa caption nun kung sino man yon.
Pilit siyang nagpapansin sakin pero hindi ko pinapansin kahit sobrang lasing na lasing na ito, akala ko ba galit to sakin kaya hindi ako pinapansin kanina tapos ngayon panay halik halik sakin. Kung hindi pa nalasing hindi pa pumasok dito sa kwarto para halikan ako.
Hindi ako makatulog pag wala talaga siya sa tabi ko kaya hinintay ko talaga siya na pumasok dito sa kwarto, at iniisip ko pag nauuna ako matulog paano nalang to pag nagsusuka o kaya ano gagawin sa kalasingan.
Alam ko na silang lahat sobrang lasing na dahil naririnig ko kanina ang iingay na nila kaya hinahayaan ko nalang, importante dito lang sila sa loob ng condo at hindi na lalabas para mag bar pa.
Sa tagal na pagpapansin ni E sakin na hindi ko siya pinapansin. Ayon nakatulog sa tabi ko kakahalik sakin at hindi na nga niya kinaya ang kalasingan nya kaya inayos ko ang pagkahiga nya.
Hinubaran ko si E para punasan ko ang katawan nya, pinalitan ng bagong damit habang tulog pa ito. Kahit galit ako dito pero syempre ayoko padin na pabayaan ko itong pasaway na asawa ko na to.
Lumabas ako ng kwarto para icheck kung may nag iinom paba sa labas at nakita ko nga na nagiinom pa si Nesa at Tina pero pansin ko na wala na si Ate Plai kaya tinanong ko sila.
C: Umuwi ba si Ate Plai? hindi nyo sana pinauwi yun dahil nag dadrive yun eh paano nalang pag may mangyari.
napatingin naman sila sakinNesa: oy madzam! lumabas kana din.. Haha
Tina: haha hindi Cha! andun siya sa kabilang kwarto natutulog na.
tumango naman akoNesa: saan si bff?
tanong ni NesaC: Ayon nakatulog na.. kayo hindi paba kayo lasing? Wag na kayo umuwi ha.. jan na kayo matulog bigyan ko lang kayo kumot at unan.
ngumiti naman silang dalawa sakin habang ako pumunta sa kabilang kwarto dahil dun nilalagay namin yung mga extra kumot at unan at nakita ko naman si Ate Plai na mahimbing na ang tulog.After ko binigay sakanila ang unan at kumot iniwan ko na sila sa living room at bumalik na sa kwarto namin ni E. At pagpasok ko naman ay nakita ko nagsuka siya sa lapag sa tabi ng kama namin kaya nainis ako lalo, ang sarap bugbogan talaga nitong asawa ko.
Wala naman akong magawa kundi linisin ko yung dumi niya kaya madaling araw na naiinis ako dito sakanya lalo. At pinunasan ko naman yung bibig nya dahil amoy suka at pinalitan ko nanaman ang pantaas na damit nya dahil ginawang pamunas yung damit nya after nag suka.
Makakatikim talaga to sakin pag gising nito bukas, sobrang nainis ako. Inom ng inom hindi naman pala kaya. Sarap gisingin tapos awayin ng malala talaga nito.
Tumabi na ako sakanya sa kama after kung linisin lahat ng kalat niya. At parang naramdaman nya yata na tumabi ako sakanya, bigla nalang niya ako hinila papalapit sakanya at niyakap ng mahigpit habang tinalikuran ko siya, ewan ko ba kung tulog ba talaga to, basta alam ko sobrang lasing nito.
Panay i love you siya sakin sa likod ko na nakayakap. Pero hindi ko na pinansin dahil lasing to at para makatulog na siya ng diretso. Pinipilit nya naman ipasok yung kamay niya sa ilalim ng damit ko para mahawakan nya ang b**bs ko pero hinayaan ko na siya.
Nakaidlip ako ng napansin ko na nawala yung kamay nya na nasa dibdib ko at nakita ko nag susuka nanaman siya sa tabi ng kama namin. At pinalo ko talaga siya pero parang hindi nya naramandaman siguro dahil hindi siya nag react.
Pinunasan ko nanaman ulit ito, kaya nagkuha na din talaga ako ng maliit na balde para kung susuka siya dun niya mismo isuka hindi sa lapag. Pagbabawalan ko na talaga to mag inom.
Wag lang talaga siya mag iinom pag lalabas na ang anak namin. Hindi ko kaya silang dalawa alagaan ko, lalo na hindi nya kaya ma cocontrol ang sarili niya pag lasing na.
Sobrang aalalagain talaga nito pag lasing kaya minsan pag nag iinom kami, gusto ko ako na mauna malasing dahil hindi ako kagaya nito sakanya malasing na parang bata kung alagaan pag lasing.
Bigla naman siya nagsalita habang nakapikit..
E: Mahal.. San ka? Wala ka dito sa tabi ko..
habang kinakapa nya yung lugar ko sa tabi nyaC: Andito! Naglilinis ng suka mo!
pabagsak ko na salita sakanya at tumahimik naman siya.Tumabi ako ulit sa tabi niya at dumikit naman siya sakin ulit. at nakita ko na may dumi pa ang bibig nya kaya tumayo nanaman ako para kumuha ng wipes para punasan yung bibig nya na may suka.
Humiga ulit ako at bigla nalang siya nagsalita nanaman sa tabi ko habang yakap yakap nya ulit ako at nakapikit parin ito.
E: Sorry mahal.. i love you mahal.. i love you sobra sobra sobra mahal..
tumahimik nalang talaga ako dahil gusto ko ng matulog.Bukas ko na to awayin, hayaan ko muna siya mag lambing lambing sakin ngayon dahil bukas pag gising nito malalagot talaga to sakin, dahil sakanya matagal kami nakatulog ng anak niya.
BINABASA MO ANG
Ang Clingy Kung Fiancée
FanfictionCHAPTER 2 Continuation of CHAPTER 1 - Ang Selosa Kung Jowa [EngLot] Engfa Waraha and Charlotte Austin Inspired 🤍 HAPPY LOVELIFE NG ENGLOT... ** From Tiktok to Wattpad story ⚠️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events...