Part 49 - MIA

1K 20 0
                                    

ENGFA'S POV

Mga 45mins ko hindi natignan ang phone ko kaya nung napatingin ako may nakita ako sa notification ko na sobrang haba ng message ng asawa ko at 30mins ago na itong message na nya ito.

Agad ko naman binuksan yung message niya at nagulat ako sa dami ng sinasabi, pero ayoko lang mag panic dahil alam ko nag mood swings nanaman tung asawa ko, nireplyan ko lang ng palambing siya para kumalma.

Agad ko naman binuksan yung message niya at nagulat ako sa dami ng sinasabi, pero ayoko lang mag panic dahil alam ko nag mood swings nanaman tung asawa ko, nireplyan ko lang ng palambing siya para kumalma

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Ang tagal naman kasi nito ni Pich matapos, Oo si Pich yung customer na ipapa exclusive niya daw ang restaurant ko dahil dito siya mag birthday sa Sabado. Pero syempre gets ko bakit dito siya kasi nagpapansin siya sakin at kung malaman nanaman ito ng asawa ko magagalit at magseselos nanaman yon kaya tsaka ko na sabihin sakanya pag uwi ko. Ayoko ma stress siya dahil dito kay Pich lalo na buntis siya.. bawal pa naman yun ma stress.

Madaming demand si Pich kung ano ano kaya napatagal kami sa usapan namin about sa birthday niya, syempre kahit ayoko man kaharap si Pich. Pero business is business eh, im still acting as a professional owner sa harap niya so need ko siya harapin at kung kelan matapos ang mga demands niya.

Gets ko naman bakit pinatagal itong usapan namin ni Pich dahil syempre gusto makuha ang oras ko ng matagal. Kainis! Landi talaga nito. Kahit kailan hindi nya ako mauuto at iiwan si Charlotte. Lalo na magkaka pamilya na kami ni Charlotte hindi ko hahayaan masira kami kahit sino man. Handa ko tiisin lahat nang mood swings ni Charlotte ngayon na nagbubuntis siya, dahil hindi biro naman ang pagbubuntis kaya aalagaan ko siya kahit aawayin nya pa ako palagi, para din sa anak namin.


TIME SKIP...


Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa flower shop para bilhan si Charlotte ng Sunflower bouquet at J.Co para lumamig agad yung ulo pagdating ko ng condo namin.

5pm na ako dumating dito sa building ng condo namin, at naglalakad na ako papunta sa unit namin bitbit ko ang bouquet at ang J.Co.

Pagpasok ko sa loob ng unit namin dumiretso ako sa living area namin umupo at nagtanggal ng sapatos.

E: Mahal... andito na po ako.
walang sumasagot na Charlotte, kaya tinawag ko siya ulit kasi baka andun lang siya sa kwarto namin natutulog.

E: Mahal... Mahal.... Mahal...
pero wala parin sumagot, kaya baka tulog nga.

Kinuha ko muna yung bouquet at J.Co na nilagay ko sa Center Table namin sa Living Area bago ako papasok sa kwarto namin. Lambingin ko nalang habang tulog.

Pero pagpasok ko ng kwarto namin, wala akong nakitang nakahiga na Charlotte kaya pumunta ako agad sa kabilang kwarto baka andun nanaman siya dahil nagtampo sakin kasi matagal akong nakauwi.

Pagtingin ko sa kabilang kwarto, wala parin siya kaya kinabahan na ako. Baka tinutoo nga nya yung message nya sakin kanina.

Bumalik ako sa kwarto namin tinignan ko ang mga gamit niya at nakita ko nga na nabawasan ang mga damit nya at ibang gamit nya ay nawala.

Ang Clingy Kung FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon