Part 87 - 1 Slap

1.2K 15 0
                                    

ENGFA'S POV

Nagising ako dahil parang may umiiyak sa room namin dito sa Hotel kaya agad ako nagtago sa ilalim ng kumot dahil baka may kasama kami ni Charlotte na hindi namin nakikita dito. Pero nung ilang minuto kung pinakinggan parang boses naman ng asawa ko yun ang umiiyak kaya napa harap ako sa kanya agad at tinignan siya. Nakita ko nga na parang umiiyak at nanaginip ng masama kasi nakapikit habang umiiyak siya.

Inalog ko siya agad para magising siya pero nung nagising na siya at nakita nya ang mukha ko ay sinampal nya naman ako ng diretso na ikinagulat ko, yung biglang nawala yung antok ko sa ginawa nya.

E: Mahal! bakit mo naman ako sinampal?!
gulat na tanong ko sakanya habang hinawakan ko yung pisnge ko na sinampal nya

C: Gising na ba ako? Totoo ba yung mga nangyari?
bigla naman akong nagtaka sa sinasabi nya

E: Ano ba sinasabi mo mahal?! Mag sorry ka naman sa sampal mo sakin.. grabe..
tinititigan ako ni Cha na parang ewan dahil ako din nagugulohan ako sa iniisip nya

C: Diba nag s*x kayo ni Pich sa condo natin tapos sa kama pa natin?! tapos ano..
bigla nalang siyang umiyak

C: Nakunan ako.. nawala ang baby natin.. dahil sayo dahil sa pang cheat mo sakin! At bakit ka andito diba ayoko lumalapit ka sakin dahil nandidiri ako sayo!
kunot na noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nanaman ng asawa ko.. natulog na nga lang, tinotoyo padin

E: Ano bang pinagsasabi mo mahal? Nanaginip ka lang jan.. kaya kita ginising dahil umiiyak ka.. tignan mo yang mata mo oh sobrang maga.. Hay nako! ano bayan pati sa panaginip inaaway padin ako..
pabalik ko sa paghiga ko habang siya natahimik na parang nag iisip pa

Maya maya niyakap nya ako habang nag scroll scroll nalang ako sa Tiktok para mabalik yung antok ko pero niyakap nya lang ako kaya inoff ko diretso yung phone ko dahil ramdam ko na bumalik na ang mood nya ngayon.

C: Mahal.. nanaginip ako, sobrang sama ng panaginip ko mahal yung galit na galit ako sayo talaga.. Sorry nasampal kita..
hinalikan ko ang noo nya

E: Ano ba kasi yang panaginip mo at nasampal mo talaga ako mahal?

Habang kinwento naman ni Charlotte sakin ang panaginip nya, naka ngisi lang ako sa buong pakikinig ko sakanya dahil ang layo naman mangyari yung panaginip nya pero it looks like real nga dahil yung sa birthday ni Pich nga ang 2nd time na nagkita kami ni Pich na hindi ko kasama si Charlotte pero.. No.. walang ganung pangyayari, as I explained kay Heidi before nung nakita niya ang picture namin na magkatabi kami ni Pich nun is very galawang Pich lang yun at naniningil lang ako sakanya ng bayad nya sa pagpaparty nya sa restaurant ko at after nun ay umuwi ako at nag iinom lang sa condo namin kakaisip kung saan naglayas ang asawa ko nun hanggang sa makatulog lang. Never ko magagawa mang cheat kay Charlotte, kahit sobrang maldita ng asawa ko.. sa sobrang inlove ko ba naman sa kanya.. kung inlove siya sakin, mas inlove ako sakanya. Tapos napaka gago ko naman kung sa condo pa talaga namin babastosin ko at mas malala sa kama pa namin.

C: Bakit ba kasi naka ngisi ka lang lagi? Totoo ba yon baka totoo yung panaginip ko mahal..
paiyak na tanong nya sakin habang nakayakap

E: Natawa lang naman ako mahal sa buong pangyayari dahil ang layo naman kasi mangyari yan..

C: Kasalanan mo to! dahil hindi mo ako niyakap kanina hanggang makatulog ako tapos inaasar mo pa ako lagi at hindi pinapansin, puro laro ka lang..
ngumiti lang ako sa kanya

C: Or baka may sakit ka mahal na hindi mo sinabi sakin kagaya nung unang unang naisip ko dun sa panaginip ko kaya ang weird mo kanina.. hay! Kakaisip ko kasi kanina bago matulog na baka may surprise ka sakin kaya nagiging weird nanaman ugali mo kagaya nung inaway mo lang ako nung bago ka nag proposed sakin, yun pala drama mo lang pala yun.. pero mahal yung totoo bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin kanina tapos hinahayaan mo lang ako matulog na hindi mo ako niyakap tapos nag overthink talaga ako nung nahuli kita na seryosong may iniisip eh.. mahal pls sabihin mo na sakin ang lahat ayoko na mag overthink..
umiiyak nanaman ang asawa ko habang ako naka ngisi padin kasi ang cute nya eh, kinilig ako kasi inlove na inlove talaga siya sakin kaya sigurado talaga ako na mag I do siya bukas sa kasal namin.

Ang Clingy Kung FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon