ENGFA'S POV
Nagising naman ako habang nakayakap ako kay Charlotte, pero pilit ko muna inalala kung anong nangyari kagabi. Dahil ang naalala ko lang ay nag inom kaming apat ni Ate, Nesa, at Tina habang nagtampo naman ako dito kay Charlotte dahil dun kay Mew.
Tinignan ko naman ang suot ko at nakita ko na nakapalit pa pala ako ng pangtulog kagabi. Alam ko na sobrang lasing na lasing ako kagabi kaya hindi ko alam if nagbati ba kami ni Charlotte kagabi.
Tinignan ko ang oras at nakita ko na 9am na pala kaya tatayo na ako sa kama at hayaan ko muna si Charlotte matulog dahil need to mag pahinga lang lagi. Hinalikan ko naman ang cheeks niya, kahit nagtampo ako dito. Syempre mahal ko to eh, hahalikan ko padin palagi kada gising ko.
Pagtayo ko nagtaka naman ako bakit may balde sa tabi ng kama namin, nag iisip talaga ako kung ano ang nangyari. Pero kinuha ko nalang at ilagay sa may cr namin.
Pagkalabas ko ng kwarto namin wala na si Nesa at Tina kaya napaisip ulit ako na baka umuwi lang to kagabi, tinignan ko naman yung kabilang kwarto pero wala nadin si Ate Plai kaya hindi ko nalang iniisip sila lahat baka umuwi na sila ng kusa at hindi na nagpaalam dahil tulog naman kami ni Charlotte sa loob ng kwarto namin.
Mabuti nga dahil wala akong hangover ngayon kaya napaisip ako na maglinis ng condo at maglaba pero bago ang lahat magluluto muna ako ng pagkain namin ni Charlotte para pagka gising nya kakain nalang sila ni baby.
TIME SKIP... ⏰
Tapos na ako magluto, kumain at maglinis ng condo habang si Charlotte ay tulog pa kaya napaisip naman ako kung bakit ang tagal nito nagising ngayon kasi mag 12noon na eh.
Habang nag aayos ako ng lalabhan ko, naamoy ko naman ang amoy suka na ginamit pamunas na nilagay sa labahan. Inisip ko baka sila Nesa nagsuka kagabi pero ang galing naman ng pamunas nila dahil damit ko pa talaga.
While naghihintay ako matapos ang paglalaba ko sa Automatic Washing namin. Pumunta naman ako ng kwarto namin para titignan ko lang if gising naba si Charlotte dahil papakainin ko na.
Pagpasok ko ay nakita ko na gising na nga ito pero nakahiga padin at nanuod nanaman ng videos sa phone nya at nainis ako dahil inuna pa talaga ang phone bago kumain.
E: Uunahin mo pa yan kesa kumain!
pagalit na boses ko dahil syempre nagtampo ako sakanya kahapon. pero hindi nya naman ako pinansin sa sinabi ko sa kanya.E: Kumain kana dun dahil nagluto na ako, wag mo pagutomin ang anak natin!
pagalit na boses ko dahil hindi siya nakikinig sakin dahil naka focus lang siya sa phone nya.At lumabas naman ako ulit para icheck lang yung nilabhan pero hindi pa pala tapos kaya hinanda ko nalang yung pagkain nya para paglabas nya diretso kain nalang siya.
Pumasok ulit ako sa kwarto namin dahil hanggang ngayon hindi parin siya lumabas at tinawag ko ulit siya.
E: pwede mamaya na po yang pinapanuod mo po? at kumain kana po dito?
maya maya tumayo naman siya at bitbit padin ang phone nya habang nanuod padin ng video. kaya hinayaan ko nalang siya basta kumain na siya.Habang umupo ako dito sa couch sa living area namin inopen ko naman ang tv para manuod ako at bigla ko naman naisip na, grabe talaga dapat suyoin nya ako dahil nagtatampo ako kahapon sa pagpigil nya sakin kay Mew eh. Pero bakit siya pa maygana magalit sakin ngayon at ayaw mamansin. Minsan ang unfair talaga nitong asawa ko pag magtampo ako dapat magtampo din siya, pag galit ako dapat galit din siya. hays
Nakita ko naman na tapos na siya kumain at tumayo siya papunta ng cr kaya agad din ako pumunta sa pinagkainan nya para ligpitin ito at hugasan ito.
Habang nag huhugas ako tumunog naman ang phone ko na nasa tabi ko lang at tinignan ko naman ang notification ko at nakita ko naman na si Nesa ito.
BINABASA MO ANG
Ang Clingy Kung Fiancée
FanfictionCHAPTER 2 Continuation of CHAPTER 1 - Ang Selosa Kung Jowa [EngLot] Engfa Waraha and Charlotte Austin Inspired 🤍 HAPPY LOVELIFE NG ENGLOT... ** From Tiktok to Wattpad story ⚠️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events...