Touch

3 0 0
                                        

ICE'S POV

Sinilip ko yung mga schedule namin and there's a rest day na sabay kami. Inaya ko kaagad syang lumabas and she said yes. Sabi ko sa kanya na kunin na nya sana yung incentive na 2 days leave, okay lang din daw sa kanya. Plano ko kasi mag travel kami and doon kami sa La Union. Gusto ko sana sa Siargao pero gusto namin land travel naman at pwede rin namang mag surf doon. Don't worry, separate kami ng room... But you know, I really want to hug her.

But for now, heto, nasa bar na naman kami kasama nila Dave at Victor. Before that, kumain muna kami sa resto and ginigisa nila ako. Nalaman kasi nila na I'm courting Tori. I understand naman that they are concerned.

Ang hipocrite ko naman para sabihing huwag syang saktan when I did that in the first place.

Tawa ng tawa si Tori.

My gosh Franklin Dave, wala na yun that was like centuries ago! Tsaka kilabutan ka nga, hindi tayo talo!

At talagang kailangan full name, Anna Victoria? Hahaha!

Nag inom lang si Tori and himala, hindi sya uminom ng madami unlike before. Hindi rin sya nagsasayaw.

No, ayoko na maglasing. I'm getting older and sinisingil na ako ng katawan ko big time! Isa pa, baka pagalitan mo ako.

I invited them sa lakad namin. Check pa raw nila kung kaya pang mag leave. Okay na rin sana yung madami kami para hindi awkward.

Bakit naman iniinvite mo kami? Dapat nga kayo lang para sweet, yeee!

Gusto ko sana ngumiti ng malaki sa kilig pero pigil na pigil ako.

---

TORI'S POV

I'm so glad na hindi ako nakainom ng marami at napigilan ko ang sarili ko. Yes, I love to drink but I'm not getting younger. Isa pa, mas kailangan ko na siguro mag focus sa weight ko, I feel heavy and bloated pero hindi naman ako bumigat talaga, like dalawang guhit lang nag increase sa weighing scale. I signed up sa gym na buti na lang katabi ng apartment. I need to change my ways. Isa pa, hindi na rin ako nakakapag bike. Kailangan ko na ding bumili ng bago since pina garage sale ko na din noon kay nanay paglipat ko sa last apartment.

Alam mo ba, kinikilig ako? Hayyyy, para akong kinilig like kinilig ka sa 1st crush mo? Hahaha ewan basta ganun ang feeling! Excited na ako sa lakad namin ni Ice. Ininvite nga nya yung dalawa medyo na sad ako pero okay na rin para naman mas masaya and not awkward.

Akala ko, di ko na mafi-feel ang ganito. Ang tagal kong mag isa, nasanay mag isa. Pero hindi ko akalaing babalik yung dating saya ko everytime na nakikita ko sya, tulad nung college days, pero nadoble.

Sana nga, hindi nya ako saktan ano? Ayoko na maramdaman ulit yun. Sobra na yung past, baka naman po Lord God, tapos na yung sakit days ko, naging mabait naman ako sa inyo at sa parents ko. Sana this time hayaan nyo na akong sumaya.

---

Hindi ko pa ba nasasabing may kotseng hinuhulugan na si Ice? Yung motor nya, binenta na nya at ang bayad is sinama nya sa pang down payment.

On the way na pala kami pa La Union. 2am umalis na kami sa apartment. Did I also mention na may driver's license ako? Those days na nag hihintay na lang ako maka graduate, nag aral ako mag drive dahil gusto kong may ginagawa at buryong buryo na ako sa bahay. Dad actually wants to give me a car as a gift pero ako na ang tumanggi not because it's second hand pero gusto ko pag ako magka kotse, gusto ko sarili kong pera mangagaling ang pambili.

So anyway, salitan kami mag drive everytime na may madadaanan kaming stop-over. 7 am na din kami dumating kung saan kami mag stay. Ang ganda grabe! Na-miss ko ang dagat. Maganda tignan ang dagat sa itaas pero wala pading tatalo kung makikita mo sya malapitan. Nagugutom kami but we're more than sleepy kaya natulog muna kami then nag alarm na lang for lunch.

By afternoon dumating na ang dalawa. Sinagot na nila yung dinner namin and apologizing since late sila dumating. Wala namang kaso yun since diretso sila galing work and nag commute sila but they insisted kasi naging punong abala si Ice just to make this happen.

Magkakatabi lang kami ng room. Yung dalawa as usual nasa iisang room lang then kami ni Ice, of course nakabukod.

Nagyayang mag inom yung dalawa. Light lang daw so pumayag ako. Tsaka kung iniisip nyo na may masamang mangyayari sa akin, wala! Sa tinagal-tagal na naming nag iinom magkasama, they never take advantage of me, thus they make sure na nakakauwi ako ng ligtas. And syempre kung ginawa man nila yun, dapat hindi na kami magkakasama. Tsaka hello, baka sila pa unang masuka since babae ako haha! At this time and age, I'm still very much a virgin!

Tig isang bote lang kami, nag aya din agad matulog. Gusto nilang bumawi at maaga magising para naman daw masulit ang beach. I-try daw namin bukas yung mga water activities dito.

---

Ang aga ko nagising. Ito na ata ang pinaka maagang gising ko pag may leave or rest day ako. Of course nasa beach kami and I'm so excited for breakfast buffet! I prepped and nagpalit na ng swimwear para after breakfast, deretso na agad sa activities. Pag bukas ko ng pinto, si Ice agad ang nakita ko, kakatok na sana.

---

ICE'S POV

This is the first time na mahahawakan ko si Tori, sa likod pa...

Oh, I mean, nag favor kasi sya na lagyan ng sunblock ang likod nya. Hindi nga naman nya maabot, but I feel so stiff outside but shaking inside. This is not what I'm wishing for, I promise.

I never thought of touching her, well, nung college kami I tried to lift her hanggang room nya dahil nakatulog na sya sa sala and kapag uuwi na kami galing bar inaalalayan ko sya dahil sa sobrang kalasingan and that was not intentional.

Huy Pablo, okay ka lang? Bakit parang naninigas ka? May masakit na sayo? May lagnat ka ba? Ano?

Ikaw ba namang nagpalagay ng lotion sa likod aba sinong hindi titigasan nyan? Este matitigilan? Hahaha!

Feeling ko ang pula ko na dahil parang umakyat yung init ng ulo at lahat ng dugo ko sa mukha. Pasmado talaga bibig ng mga ito, nakakahiya tuloy kay Tori.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon