ICE'S POV
This is our last day at the beach. Bitin! Kagabi lang naging kami ni Tori and di namin na enjoy yung leave as a boyfriend-girlfriend. Mahaba pa naman ang araw and hapon pa ang alis namin, then tomorrow, leave parin namin but we chose to rest na para hindi kami pagod sa trabaho.
Tori? Ahm, babe?
Coming from you, ang weird pakinggan! Or baka naninibago lang ako... Why babe?
Because you're my baby?
Tinatawanan lang nya ako. Grabe ang tawa nya, nababaduyan yata sakin.
Okay, babe. Hahaha! Sorry, Ice, I mean babe.
Masasanay din tayo. Tara breakfast?
As usual, our favorite time of the day, and as usual again, ang lakas nya kumain. That's what I like about her, no pretentions. Malakas nga sya kumain, pero mabilis naman ang metabolism nya, and nag eexercise din sya, so win-win parin.
Bumalik na kami sa mga room namin para ayusin na ang mga gamit, lalo na sa room ko, makalat. Baka bigla syang kumatok, makita pa nya ang balahura ko sa gamit. Kumatok nga sya at nag invite na mag swim muna, mamimiss daw nya ang beach.
Di natin alam kung kailan ang susunod.
Kung kailang kami na, doon pa ako nahihiya. Naglalakad kaming dalawa and I'm trying to hold her hand. Napatigil naman sya and she looked at me. She smiled and hold my hand... Help me, I'm melting!
Alam ko namang gusto mong hawakan ang kamay ko, ako na gumawa, kunwari ka pa!
Tori talaga, nasisingit padin mang-asar. Pero yung ngiti nya after magsalita, aabot na sa tenga. Umupo kami sa shore na hawak parin ang kamay nya, ang lambot pala ng kamay nya. Kahit marami kaming trabaho, she still manages to take care of herself. Well, after that baby incident, dumami na ang mga skincare ritual nya from head to toe. Gustong-gusto sya ng mother ni baby Victoria, na nagpapadala sya ng products quarterly. Kulang na lang, i-endorse na ni Tori yung products nya sa market; and buti na lang din na hiyang sya sa mga products ni Mrs. Medrano.
---
TORI'S POV
We're sitting along the shore, hanggang bewang ko ang tubig and magkahawak parin kami ng kamay. Tahimik lang kami, nagkakahiyaan pa. But whenever we look at each other, we're smiling like crazy.
He suddenly dipped himself and sumunod naman ako. I told him na mag swim kami pero nakaupo lang kami like, ano kaya yun diba? I feel sad na aalis na kami later pero this is just the start of our journey together. Magka-trabaho kami and isang floor lang ang pagitan namin so magkikita parin kami. Ang OA ko thinking na matagal uli kami magkikita, nakakatawa lang. I never feel this kay Dave. Iba parin siguro talaga na ma-inlove kung ready ka emotionally, mentally and financially, well, medyo on the money talk.
We ate lunch and nag banlaw na kami, paalis na kami sa beach; and of course hindi ko nakalimutan bumili ng ready-to-cook tocino kasi ang sarap talaga, wala syang after taste and malalaki ang portions nya. Bumili na din kami ng ibang silog pair like tapa and longganisa, at manggang hinog! Sarap nito gawing milkshake! Will do this tomorrow pag kakain na kami sa bahay ni Ice.
---
We left at the beach hours ago and naisipan naming mag coffee, ang lamig na kasi sa kotse nya. Sakto naman na nasa bus stop with pasalubong center kaya bumili na din kami para ipadala kila tita, nanay pati sa mga parents ko. We're actually planning of setting up lunch or dinner date para sabihin na kami na officially. Ang dami na din nyang plans para sa amin, to think na kahapon lang naging kami ang dami na nyang plano.
I was delusional to say na I planned this ever since. Kahit sagutin mo ako or hindi, at least I tried. But look at us, tayo na diba?
Ang ganda ng ngiti nya, all smiles. Completely different from his smiles noong magkaibigan pa lang kami. Not to brag kahit nung sila pa ng ex nya, incomparable ang ngiti nya ngayon. Kinurot ko nga ang mukha nya sa sobrang tuwa ko. He's trying to touch my face pero nahihiya pa sya, so ako na ang initiate.
Yung mga tingin nya sa akin, I feel so concious kasi this is the first time na titigan nya ako.
I love you!
I love you too!
Kinikilig kaming dalawa literal! Nakakahiya na nakakatawa. We're not use to it pa. Basta, nakakakilig talaga!
---
Gabi na kami nakauwi. We're tired and hungry kaya nagpa deliver na lang kami. Inalis ko muna yung ginamit ko sa bag at nasa room din nya sya para mag ayos din. Sabay kami pupunta ng laundry shop bukas.
Kinuha ko na yung food namin pero ang tagal nya dumating. I sliced some mango to mix it with milkshake 'cause I can't wait to taste it! A little more minutes, dumating na sya. I almost done with the drink and inayos na nya yung food sa maliit kong mesa.
We ordered burger na lang para hindi na mabigat sa tyan. He's just looking at me while eating.
Sorry babe, noon kasi, patago kita tinitingnan. Ngayon may right na ako para tignan ka... Thank you for giving love a chance again.
Grabe, di ko kinaya kabaduyan mo!
Ikaw naman, pagbigyan mo na ako, basta ikaw, kahit tawagin pa akong baduy, wala na akong paki... Mahal kita eh.
Tawa na lang ako ng tawa habang kumakain, mukhang nahihiya na rin sya kaya di na ako nag comment pa; at gutom na gutom na din ako!
---
ICE'S POV
What's next for both of you? Kailan kasal? Haha!
Si ate talaga, one week pa lang kami, kasal kaagad iniisip?
Hindi ko pa sinasabi kila mama ang nangyari, I will call them after kami mag videocall ni ate. Gusto na ako unahan, pauwi pa lang si Tori and gusto ko sabihin na magkasama kami.
--
Talaga anak? Naku! Pa, ang anak natin, girlfriend na si Victoria!
Rinig ko yung takbo ni Papa at Nanay Melda kay Mama. Ang ngiti ni Nanay abot langit. Si Papa naman binibilinan ako na wag mananakit ng babae at respetuhin si Tori.
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days
