WINTER POV:
"Asan ka na?" Tanong sakin ni dad sa kabilang line.
"Im on my way dad" sagot ko sakanya habang nakatulala dito sa kotse ko
"Pwede ba tayong mag usap muna saglet pag dating ko?" Dugtong ko"Winter, Kung about ito sa palagi mong pinipilit saakin, im sorry pero nakapag desisyon na kami ng mommy mo. Matutuloy ang wedding party na ito." Agad na tumulo ang luha ko pag karinig ko sa sinabi ni dad saakin. Alam ko naman na kahit anong gawin kong pakikipag usap sakanila hindi ko parin mababago ang isip nila. Pero hindi naman masamang umasa anak pa rin naman nila ako.
Binaba ko na ang tawag at tahimik na umiyak sa backseat. Napapansin ko ang pag sulyap sulyap saakin ni kuya arnold at ate chona, ang driver ko at make up artist ko. Hindi ko nalang sila pinansin.
Natatakot ako na baka madagdagan ang galet saakin ni miss selveria. Ang dami dami ko ng natatanggap na masasakit na salita mula sakanya, dahil sa pangyayaring ito na pinag kakasundo kami ng mga magulang namin.
Hindi ko naman ginusto ito. Ayaw ko naman na mangyari ito. pero anong magagawa ko? Magulang na namin ang nag desisyon para saaming dalawa.
Hindi lang naman sya ang nasasaktan dito, Ako rin naman. May boyfriend sya na isa ring teacher sa DVU at vice president ng sport club.
at ganon din ako sadyang ayaw lang ng mga magulang namin sa mga karelasyon namin, kaya ang ginawa nila kaming dalawa nalang ang pinag match nila. Sabi sakin ni dad, noon pa naman daw pinag match na nila kaming dalawa.Nagagalet ako sa magulang ko. Bakit nila ito ginagawa saakin? Anak nila ako pero ganito nalang nila ako ipag kasundo sa taong hindi ko naman gusto.
Pag dating namin sa venue. Inayos ulit ni ate chona ang make up ko dito sa car, dahil nasira ito sa pag iyak ko kanina sa sasakyan.
After nya yung maayos bumaba na ako ng sasakyan at pinuntahan sila dad nakatayo sa may kalayuan."Buti dumating ka na." Agad na tanong nila saakin after nila akong halikan sa pisngi. hindi ko sila inimik
"Tara na nandyan na si summer... ang mapapangasawa mo" bago kami pumasok nilingon ko ang sasakyan ni miss selveria. Kakababa lang nito sa sasakyan suot suot ang puting gown may dala rin itong bulaklak. Agad akong umiwas ng makita ko kung gano kalungkot ang mga mata nito.Huminga ako ng malalim bago nag lakad sa red aisle. Mga kamag anak rin namin ang nandito, Walang ibang visitors. yun kasi ang request ni maam selveria dahil ayaw nyang ipaalam sa mga tao ang tungkol sa kasal na ito. Yun rin naman ang gusto ko kaya nag papasalamat ako sakanya kahit papano.
Pag dating namin sa harap ng pare iniwanan na ako nila mom and dad. Ilang minuto pa ang lumipas si maam selveria naman ang nag lalakad sa aisle papalapit saakin. Hindi ko ito matignan ng deretso dahil naguguilty ako.
Hanggang sa makalapit na nga ito saakin binilin pa ito saakin ng mga magulang nya. Walang nagawa na tumango nalang ako sa mga ito pag kaalis nila umupo na kami sa upuan na nasa harapan.
Hindi ko narin narinig pa ang mga sinabi ng pare dahil sobra sobra akong kinain ng pag iisip.
Nag palitan kami ng wedding vow na wala man lang ka feeling feelings at sinuot narin namin ang singsing sa isat-isa."Kiss the bride" agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi ng pare. Tumingi ako sa mga tao na nag papalakpakan habang hinihintay kami. Muli akong humarap kay miss selverio
Nanginginig ang kamay habang tinataas ko ang veil na suot niya. Kitang kita ko ang lungkot na dumadaloy sa mga mata nito.
Onte onte akong lumapit sakanya
Hinawakan ko sya sa mukha. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay nya.Mabilis ko itong hinalikan sa pisngi.
At mukhang hindi rin napansin yun ng mga tao dahil nakatakip ang kamay ko sa mukha nyaSunod kong narinig ang malakas na palakpakan ng mga tao. Sinundan ko ng tingin si maam selveria na nag mamadaling umalis sa tabi ko pumasok ito sa isang hallway. Gusto ko sana itong sundan pero baka gusto nyang mapag isa.