WINTER
"WHOOOAAAHHH." malakas na singhap ng mga kasama ko dito sa court.
"Gago ka, winter. Napuruhan mo ata." Kabadong sabi ni charlotte habang nakatingin kay sir alcantara na nakahawak sa may gilid ng tenga nya.
Tinamaan kasi ito ng bola na pinalo.Hindi ko naman kasalanan yun. Hindi ko sinasadya na mali yung tira ko at sakanya napunta yung bola.
Hindi kasi sya tumitingin kaya hindi sya nakaiwas agad.
"Estrella."
Tawag saakin ni coach. Umiling ako bago ako lumabas ng court.
Pinuntahan ko si coach katabi ni maam autumn at si sir alcantara na hanggang ngayon nakahawak pa rin sa tenga nya."Sorry sir alcantara hindi ko po sinasadya." Hingi ko ng paumanhin kay sir alcantara.
Tinignan ko si maam autumn na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.Ilang araw na nya akong hindi pinapansin.
"Just go to the clinic, andrew. Maybe something will happen to your ear if you keep it longer."
Sabi nya kay sir alcantara. Tumayo na si sir alcantara.
"Go with mr. Lagman." Tumingin sya kay coach."Okey miss del valle." Sumunod na si coach kay sir alcantara. Ako naman naiwang tahimik sa harapan ni maam autumn.
"Go back miss estrella." Seryosong sabi nito.
Ilang araw nya na akong hindi pinapansin. Simula nung araw hinatiran ko si maam summer ng pagkain hindi nya na ako pinansin at hindi ko alam kung bakit, Kasi okey naman kami bago kami nag hiwalay nung gabing yun.
Huminga ako ng malalim.
"May problema po ba tayo maam?" Tanong ko sakanya. Hindi sya lumingon saakin bagkos tumalikod lang sya para umupo sa bleachers.
"Maam-""Go, estrella." Mahinang bulong nito.
"Pero maa-"
"Lets talk later. But for now, go back to your practice, they are waiting for you." Ngumiti ako sakanya bago ako naglakad papasok sa court.
"Anong pinag usapan nyo?" Tanong ni charlotte saakin pag pasok ko.
"Wala." Nakangiting sagot ko sakanya. Muli akong lumingon kay maam autumn.
Ang ganda nya.
Nag focus na lang ako sa pag papractice kasama ang mga ka team ko from a different universities.
After practice patakbo akong lumapit kay maam autumn. Napansin ko na wala pa sila sir alcantara. Ganon na ba kalala ang nangyari sakanya?
Tatlong oras na ang nakakalipas hindi pa rin sila bumabalik."Maam mag uusap na po ba tayo?" Excited na tanong ko sakanya. Tinignan nya ako.
"Don't be too excited, take a shower first." Mabilis akong tumakbo papuntang shower room. Nakipag unahan pa ako sa cubicle para ako na ang mauna.
Ayaw ko kasing pag hintayin si maam autumn.
Nakakahiya.Pagkatapos ko mag patuyo ng buhok. Kinuha ko ang bag ko saka ako nag lakad palabas ng shower room.
Nadatnan ko si maam autumn na kausap ang ibang mga coaches.Umupo muna ako sa bench habang hinihintay sya.
Pinagmamasdan ko lang kung paano sya makipag usap sa mga coaches na kausap nya. Naririnig ko ang pinag uusapan nila at tungkol ito sa pag punta namin sa cebu para sa national game.
Bukas na ang alis namin kaya naman sobra sobra ang practice namin ngayon araw. Maayos ang naging practice namin. Sana naman ay kayanin naming maiuwi ang trophy.