WINTER POV:
"Now how can you explain that to me?" Nakarinig ako ng nalaglag na kung anong bagay sa loob
I frowned because of what they were talking about. There was a trace of anger in maam autumn's voice. I let go of the doorknob.
"I let go, summer. I put my feelings aside, just for you. Then that's what you're going to do?" What are they talking about? What for?"Why don't you want to listen to my explanation? How many times do I have to tell you that you..."
Tumayo ako ng maayos dahil may nakita akong professor na papasok sa hallway.
Naglakad na ako para umalis, mamaya na lang ako pupunta kay summer. Tyaka mukhang may pinag uusapan sila ni maam autumn.
"Good afternoon maam, castro." Bati ko kay maam castro. Ngumiti sya saakin bago ako binati pabalik.
"Good afternoon, Estrella." Bati nya saakin bago ako nilampasan.
Dumeretso ako sa SSC office.
Muli na namang sumagi sa isip ko yung sinabi ni maam autumn kay summer.Para saan yun?
Bakit parang may hindi ako magandang nararamdaman sa pag uusap nila?
Umiling ako para iwaglit sa utak ko ang naiisip ko.
Kumatok muna ako sa office ni callione bago ako pumasok.Nadatnan ko sya na tulala at parang may malalim na iniisip. Nagtatakang tinignan ko sya.
"Hey." Tawag ko sa attention nya pero wala talaga.
"Callione?" Tawag ko ulit pero parang wala talaga syang naririnig. Ganoon ba kalalim ang iniisip nya?
Lumapit ako sakanya at pinalo ng medyo may kalakasan ang table nya para maagaw ang attention nya."Alam mo na?" Gulat na sabi nya. Napakunot noo ako at tinignan sya ng may pag tatanong. Maya maya ay para itong natauhan sa sinabi nya. Umiwas ito ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa sa laptop. Pero halata naman na wala doon ang attention nya.
"Anong alam ko na?" Tanong ko sakanya. Tumingin ito saakin at ngumiti.
"W-wala." Utal na sagot nya kaya mas lalo akong nagtaka. "Kakain na ba tayo?" Pagiiba nya sa usapan. Mabilis syang tumayo at naglakad palabas ng opisina. Nagtatakang sinundan ko sya ng tingin.
Ang wiwierd ng mga tao ngayon.
Feeling ko may nililihim sila saakin.
Umiling na lang ako bago sumunod kay callione palabas. Habang naglalakad kami papuntang canteen hindi ko maiwasang sulyap sulyapan sya.
Tulala kasi sya habang naglalakad. Halatang may iniisip."Okey ka lang ba?" Tanong ko sakanya.
Tumingin sya saakin at parang may gustong sabihin.
Umiling ito saka nagpatuloy sa paglalakad.Walang nagawang sinundan ko na lang sya. Kung ayaw nyang sabihin ay rerespetohin ko ang desisyon nya. Baka tungkol sakanila ito ni sunny hindi rin kasi pumasok si sunny ngayon.
Pag dating namin sa canteen ay nag order na kami. bakas pa rin ang pagkatahimik ni callione.
Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain."Nagkausap na kayo ni ate summer?" Napatingin ako sakanya. Napakunot noo rin ako. Buti naman at nag salita na sya.
"Simula kaninang umaga hindi pa kami nag uusap." Sagot ko sakanya.
"Bakit mo natanong?" Tumingin sya saakin."Wala naman. Tinatanong ko lang."
"May tinatago ba kayo saakin?" Agad syang napatingin saakin at tarantang umiling.
Malakas ang kutob ko na may hindi sila sinasabi saakin. Kung pagtatagpi tagpiin ang mga narinig ko mula kay maam autumn kanina at itong inaakto ni callione ay masasabi ko na meron talaga silang hindi sinasabi saakin."Kausapin mo na lang sya. Wala akong karapatan mag salita tungkol sainyong dalawa. And I don't even know the whole story." Sabi nya saakin.
Agad akong nakaramdam ng kaba. So meron nga? Tama nga ang kutob ko. Yun ba ang pinag uusapan nila ni maam autumn kanina?
Naagaw ang attention ko ng cellphone ko na tumunog.
"We need to talk."
Text ni summer saakin.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko."I have to go." Mabilis akong tumakbo palabas ng canteen. Napatigil ako sa pagtakbo dahil muling tumunog ang cellphone ko.
Unknown number.
Halos matuod ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang senend saakin ng unknown number.
Picture ni summer at sir alcantara.
Nasa parking sila. magkadikit ang mga labi habang nakahawak si sir alcantara sa pisngi ni summer, habang si summer naman ay nakahawak sa balikat ni sir alcantara.Kahit nanlalabo ang mga mata ko gawa ng luha ay nagawa ko pa ring mag lakad papunta sa opisina ni summer.
Pag pasok ko agad syang napatayo sa pagkakaupo sa sofa at lumapit saakin pero hindi pa man sya ganoon nakakalapit ay natigil na sya ng mapansin nya ang luha sa pisngi ko.
Mula sa mata ko onte onteng bumaba ang tingin nya sa cellphone ko na mahigpit kong hawak.
"I think you already know." Naiiyak na sabi nya.
Maya maya lumapit sya saakin pero muli syang natigil dahil umatras ako.Pinunas nya ang luha nya.
"Let me explain w-winter." Muli syang lumapit saakin at hinawakan ako sa kamay pero muli kong binawi ang kamay ko.
"T-that's not what you think, winter. He kissed me but I pushed him away. Please believe me, winter." Umiling ako sakanya kaya muli syang naiyak.
"Why is it so hard for you to believe me, winter?""Dahil ang hirap intintidihin summer."
Umiiyak na sabi ko sakanya. Dahil hindi naman sya malalapitan ng lalakeng iyon kung lumayo sya. Ang ibig sabihin lang nun kinausap nya ang lalakeng iyon. Ilang beses ko ng sinabi sakanya na layuan nya ang alcantara na yun dahil natatakot ako sa mga pwede nyang gawin kay summer pero hindi sya nakikinig.
Hindi lang naman ito ang unang beses na kinausap nya ang lalakeng iyon. Nung una ako ang nakakita sakanila pero konteng paliwanag nya lang inintindi ko sya dahil mahal ko sya. Pero ito hindi ko na alam kung paano ko pa sya iintindihin. Nakakapagod na.
"That's why I want to talk to you because I want you to understand everything, winter."
"To make me understand?"
Pagak na tanong ko sakanya.
"Pangalawang beses na to, summer."
Pinunas ko ang luha ko.
"Noong una inintindi kita, mahal kita e."
Tinignan ko sya.
"Pero ito? Hindi ko na alam, kung dapat pa ba akong maniwala sayo.""Winte-"
"Summer, kung mahal mo pa ang lalakeng yun, sabihin mo lang. H-handa akong pakawalan ka." Garalgal na sabi ko sakanya. Umiling sya.
"H-hindi mo ako kailangang paglaruan summer, dahil hindi ako laruan." Umiiyak na sabi ko.
"Kung natatakot ka na masaktan ako, please wag kang matakot. H-handa ako summer."
Tumalikod na ako para lumabas pero muli nya akong tinawag."Winter-"
"If you still love him, just sign na divorce paper, summer." Narinig ko ang malakas na pag iyak nito.
"N-no." Tuluyan na akong lumabas ng office nya.
•••