WINTER POV:
"Kice" tawag ko kay kice nandito kami ngayon sa kaharap na cafe ng school namin. Balak ko kasing sabihin na sakanya ang totoo halos tatlong linggo narin simula nung kinasal kami ni maam selveria. At hanggang ngayon wala parin syang idea
"Yes babe?" Sagot nito tiniklop nya ang laptop nya bago nag focus saakin
"Im already married." Kinakabahang sabi ko dito. Napansin ko ang pananahimik nito pero kalaunan tumawa rin.
"Hindi pa naman ako nag popropose sayo. How?"
Sagot nito"Totoo nga. Pinag kasundo ako ni dad at tatlong linggo na ang lumipas simula nung kinasal ako. "
"Yun ba ang reason kung bakit ka palaging tumatanggi sa mga lakad natin this past few days? Why you didn't tell me about this winter? I can talk to your father "
"No, you can't kice." Pigil ko sakanya. "Alam mo na galet si dad sayo, ayaw ko lang na masaktan ka ni dad kaya napilitan akong itago yun sayo." naiiyak na sabi ko dito tumayo ito at lumipat sa tabi ko. Agad nya akong niyakap
"Pero winter?-"
"Dont worry yung kinasal saakin in a relationsip din at okey lang naman kung itutuloy natin ang relasyon natin kice. dont worry aayusin ko to."
Pag papagaan ko ng loob nya."Sino?" Tanong nya.
"Ayaw nyang ipag sabi kice."
Tumango ito.After naming kumain bumalik na kami sa campus dahil malapit na ang klase nya.
"Bye babe" hinalikan ako nito sa pisngi bago sya nag madaling umalis tumitingin tingin ito sa relo nya.
Napangiti ako bago ako nag lakad papuntang canteen.Nandun sila sunny at callione ang dalawang magandang bestfriends ko.
Mag Pinsan si callione at maam summer, kaya alam nya ang about sa kasal namin ni maam.Hindi nga lang ito umattend dahil marami siyang ginagawa sa student council. Vice president sya ng SSC at busy sya dahil malapit na ang school fair isang buwan simula ngayon.
I heard na andaming isisingit na event sa school fair. Noong una foundation booth lang naman yan pero sisingitan ng contest ngayon para hindi naman daw ma bored ang mga tao.Lahat pwede sumali except saaming mga member ng volleyball at basketball player, dahil pinag hahandaan namin ang nalalapit na tournament sa kalaban na school.
Saaming tatlong mag kakaibigan ako lang ang member ng volleyball. dahil si callione wala ng time para sumali pa. Si sunny naman sa sobrang tamad ayaw ng pinapagod ang sarili. Sabi nya matalino naman sya at may pang tuition kaya hindi na raw nya papagurin ang sarili for such thing. Edi wow hindi lang sya into sports kagaya ko.
Pag dating ko sa canteen agad kong hinanap ang dalawa at nakita ko sila na nag aasaran. Naka sandal ang ulo ni callione sa balikat ni sunny.
At as usual hindi na naman maipinta ang mukha ng isa habang si callione naman nakangiti.
Kung hindi ko lang sila kaibigan or kilala at kung hindi ko lang alam na mahilig sila mag asaran, iisipin ko na may gusto sila sa isat-isa. lalo nat this past few days napapansin ko na nagiging sobrang clingy na itong si callione kay sunny.
Kadalasan pa palagi silang mag kasama kahit na hindi naman sila mag ka course at SSC itong si callione na palaging nasa student council building tapos nandun din si sunny."Bakit nakabusangot ka nanaman?" Tanong ko kay sunny pag upo ko.
"E kasi itong isa ang lakas mang asar." sumbong nito sakin tinabig pa nito si summer kaya natawa ang isa.
"Hindi ka parin ba sanay? E halos mag kadugtong na kayo nyan e. Araw araw nalang kayong mag kasama" sagot ko sakanya. Kumuha ako ng fries sa pinggan ni callione at sumubo.
"Masanay ka na sakin, Dahil matagal mo akong makakasama." pang aasar nanaman ng isa. Sinubuan nya ng fries si sunny
"Kainis ka. Mag shut the fvck up ka na nga lang, ang daldal mo." napangiti ako sa kakulitan ng dalawa.
Pasimple akong Napatingin sa kamay ni callione na humawak sa bewang ni sunny."Anyway, kamusta na nga pala kayo ng pinsan ko?" Inangat ko ang tingin ko kay callione. Naupo ako ng tuwid. "Nabawasan na ba pag aaway nyo?" Tanong nya ulit. Na kwento ko kasi sakanila ang madalas na pag aaway namin ni maam summer. Actually, naging mabait ako sakanya simula nung kinaumagahan ng kasal namin dahil sa sinabi nito sakin. Na guilty ako ng sobra sobra lalo na sa ginawa ng parents ko. Kinaumagahan nun kinonfront ko sila dad kung totoo yun. Inamin naman nila saakin na talagang sila lang ang may gusto ng kasal na yun at hindi ang mga magulang ni maam.
Nakakagalet ang magulang ko umabot pa talaga sila sa ganon. Dahil lang sa ayaw nila kay kice para saakin, pinakasal nila ako sa iba. at pinaka worst pa, nandamay pa sila ng ibang tao para mailayo ako kay kice. And as much i can pinag tatakpan ko rin si maam sa mga magulang ko, Lalo na pag may lakad si maam at ang boyfriend nya. Ayaw ko na madagdagan pa ang galet nya saakin dahil lang dito ulit.
"Ganon pa rin walang nag bago. Nakakainis ang parents ko." Umiiling na sagot ko sakanya. Muli akong kumuha ng fries
"And later may dinner kami with our family" dugtong ko pa."Kaya pala badtrip si insan sa meeting kanina ng student council" sabi nito sabay tawa. Si maam kasi ang adviser ng student council
"May dinner naman pala" dugtong pa nya. "And nakausap ko si kuya drew kanina kasi pumunta sya sa village namin para sana sunduin si ate summer. yayayain nya sana ng date si ate summer pero baka tumanggi si ate."sabi nya
"hindi pa pala nya alam ang about sainyo?" Tanong nya saakin."Ayaw nyang ipaalam sa tao ang about saamin, yun ang kasunduan nila ng magulang nya at naming dalawa." Sagot ko sakanya. Nag kibit balikat ito
"Nandyan sya tumahimik kayo" nalipat ang tingin namin kay sunny. nakatingin ito sa isang direction sinundan namin ang tingin nito. Nakita ko si maam summer na papalapit sa katabing upuan namin
May kasama itong dalawang guro. At ang isa dun si maam sandy, isa sa close kong teacher dito sa school. Sya kasi yung naka toka sa try out dati sa volleyball, kaya naging close ko rin sya.
At ang isa, si maam autumn del valle. Anak ng may ari nitong DVU, teacher ko rin sya sa architecture. Sya rin ang president ng sports club.
Sila lang ang mga guro na close ni maam summer dito sa school halos mag kakasing edad rin kasi sila. Buti nga may nakasundo pa sya sa sobrang sunget nya.
Somehow naiintindihan ko pa kung bakit close sila ni maam del valle. Isa rin kasing masungit at tahimik ang isang ito. Bukod pa dun ay boyfriend nya ang vice pres ni maam del valle sa sport club.Pagkalapit nila nag tama ang mga mata namin.
agad akong nag iwas ng tingin sakanya."Hi winter." bati sakin ni maam sandy kaya muli akong humarap sa table nila.
"Hi maam sandy, kamusta po kayo?" Formal na pakikipag usap ko sakanya
"Mabuti naman. antagal na hindi nag cross landas natin ah?" Sagot nya sa tanong ko ngumiti ako dito
"Oo nga po. busy rin po kasi ako sa practice maam kaya po hindi ako nadadalas dito"
" well goodluck sa upcoming tournament nyo"
"Thank you maam"
••