014

2.7K 105 24
                                    

WINTER

"Arrgggg" ungol ko ng maalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Isabay pa ang pag pilantik ng sakit ng ulo.

Hayyss.. hang over.

Mabuti na lang mamayang hapon pa ang meeting namin para sa championship bukas.

Bumangon na ako para makababa na rin ako. Gusto ko ng malamig na tubig pang pagising.

Pumasok ako sa banyo para maligo na para matanggal na itong hang over ko.

Natigil ako ng maalala ko kung sinong nag hatid saakin.

Si maam autumn ang nag hatid saakin dito.

So it means may alam na sya sa kalagayan namin ni maam summer?
Sabagay bestfriend naman sila kaya imposibleng hindi nya alam yun.

Tumuloy na ako sa loob para maligo.

Pagbaba ko si maam summer at maam autumn ang sumalubong saakin sa kusina. Nagulat pa ako pagkakita ko kay maam autumn. Ito ang unang beses nyang nakapunta dito.

Ibig sabihin dito na sya natulog. Pero where? Wala namang kwartong bukas dito.
Si maam summer rin hindi ko alam kung saan natulog dahil pag gising ko nasa kwarto nya ako. Pero baka tumabi na lang rin sya saakin.

Bumaba ang mata ko sa suot ni maam autumn. Iba na ang suot nya sa suot nya kagabi.
Baka pumunta na lang sya dito ngayong umaga.

"Good morning." Bati nilang dalawa saakin.
Pilit akong ngumiti sakanilang dalawa.
Lumapit na rin ako sa upuan ko.

"Good morning." Bati ko pabalik.
Tinignan ko ang pagkain. Wala pang bawas. Hinintay siguro nila ako.

"Drink this first." Tinignan ko ang inabot saakin ni maam autumn. Gamot.
"It will help to get rid of your hangover." Sabi nya.
Kinuha ko yun.

"Thanks." Ngumiti ito.

Ininom ko na ang gamot bago ako nag sandok ng pagkain.

"Anyway, I brought your car that was left at the bar last night." Mula sa pagkakatulala sa pagkain, inangat ko ang tingin ko kay maam autumn na nasa tabi ko.

"Hindi nyo naman po kailangang gawin yun maam. Ako na sana ang kumuha." Sabi ko sakanya.

"Just say thank you. And I didn't bring your car here for free."

Tsk. Makulit rin pala ang isang propesora na ito.

"Edi, salamat po. And anong kailangan kong gawin para mabayaran ka?" Sabi ko sakanya.
"Paano po kayo papasok?"
Tanong ko pa ng marealised ko na wala syang sasakyan.

"Thats the question." Sabi nya. Tumingin sya saakin
"Sayo ako sasakay at ihahatid mo ako mamaya pauwi." Napangiti ako sa sinabi nito.

Mautak.

Ayaw nya lang mag drive e.

"Paano kung ayaw ko?" Nakangising sabi ko sakanya.

"There is nothing you can do. You have to give me a ride because if not-"

"Ano?" Tuluyan na akong humarap sakanya at tinignan sya sa mga mata.
Natigil din sya at nakipaglaban ng tingin saakin.

Napangisi ako ng siya na ang tuluyang umiwas.

"M-maglalakad na lang ako." Utal na sabi nya.
Tumayo na sya.
"I think I need to start walking now."
Napatawa ako dahil sa pag iinarte nito.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon