033

3.5K 80 32
                                    

WINTER POV

"Wala na naman si maam summer?" Rinig kong reklamo ng mga classmate ko pag pasok ni mrs trinidad sa classroom. Isang linggo na syang nag tuturo sa subject ni summer.

Nagtataka rin ako kung bakit hindi na sya sya pumapasok sa subject nya saamin. Hindi ko rin ito makita sa campus simula nung araw na nagkausap na kami.

Nung isang araw pa may nag uudyok saakin na puntahan sya sa bahay dahil baka kung ano na ang nangyari sakanya. Hindi naman kasi nya ugali ang umabsent ng ganito katagal sa school kaya kahit sino magtataka talaga.

Pagkatapos ng klase lumabas na ako dahil kanina pa text nang text si sunny na nasa canteen na sila at doon na nila ako hihintayin.

Pag dating ko sa canteen nadatnan ko sila sa usual spot naming tatlo.

Umupo ako sa harapan nila.

"Binilhan ka na namin ng pagkain." Sabi ni sunny at tinuro saakin ang food na nasa harapan.
"Okey ka lang ba?" Tanong nya saakin. Inalis ko ang tingin ko kay callione na busy sa cellphone at nilipat sakanya. Ngumiti ako bago tumango.

"Yeah. Medyo masakit lang ulo ko."
Sabi ko sakanya. Uminom ako sa tubig.

"Shit."
Nagulat kami ni sunny ng biglang tumayo si callione at tumakbo palabas ng canteen.

Nagtatakang sinundan namin sya ng tingin.

"Anong problema nun?" Tanong ko.

"Ewan ko dun." Napabusangot ni sunny.

"Magkaaway kayo?" Tanong ko. Hindi sya umimik kaya hindi na lang rin ulit ako nag tanong.


Maya maya pa ay nakarinig kami ng bulong bulongan galing sa mga tao dito sa canteen.

Pag tingin namin sa pinto nakita ko doon si maam autumn papasok sa canteen.
Saka ko lang napansin ang expression nya ng makalapit ito ng tuluyan saakin.

Mababakas ang inis, pagkairita at galit sa mukha nya. Napansin ko rin na parang may kalmot sya sa leeg.
Agad kong kinuha ang bag ko sa tabi ko at inilipat sa ibabaw ng mesa.

Hinila ko sya paupo sa tabi ko.

"Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ko sakanya. Hinawi ko ang buhok sa leeg nya. Nakita ko na mahaba ang sugat nga sa leeg.
Shet.
"Sinong gumawa nito?" Tanong ko sakanya hindi sya sumasagot kaya inangat ko ang tingin ko para matignan sya, seryoso lang syang nakatingin saakin.

"Its nothing." Sabi nya bago lumayo saakin at binalik ang buhok para takpan ang kalmot nya.
Pinagmasdan ko lang sya na tulala na sa sahig ng canteen.

Tinignan ko si sunny. Nagkibit balikat lang siya Umiling ako bago ko kinuha ang bag ko at tumayo.

Hinawakan ko si maam sa kamay at hinila sya palabas ng canteen.

"I said im okey." Sabi nya.

"Nah, you are not." Inis na sabi ko sakanya.

Dumudugo ang kalmot nya tapos sasabihin nya, okey lang sya?

Medyo malalim kasi ang kalmot nya parang pahabang kuko ang kumalmot. Tapos ang buhok nya gulo gulo, para silang nag sabunutan ng kung sino mang naka away nya.

Pagdating namin sa clinic ay agad kaming sinalubong ng nurse.

"Ano pong maipaglilingkod namin maam?" Tanong saamin ng nurse.

"Pakigamot po ng sugat nya sa leeg."
Sabi ko sa nurse.

Agad naman syang tumalima at binuksan ang curtain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon