WINTER
"Bakit ka kasi nag lasing?" Tanong ko kay maam summer habang inaalalayan ko sya dito sa hallway ng penthouse ni maam autumn.
Pag dating ko sa resto bar kanina, nadatnan ko sya na umiinom at medyo may tama na. Pinigilan ko sya pero ayaw nyang magpapigil.
Gusto raw nya mag celebrate dahil sa wakas naging matapang na sya sa nararamdaman nya.
"May laro pa ako bukas, paano ka makakanood?" Sabi ko sakanya. Gusto ko kasi na nandon sya sa laro ko bukas dahil finale na yun.
Tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil rin ako.
Humarap sya saakin. Muntikan syang matumba, mabuti na lang naalalayan ka sya.Mapungay ang mga mata nyang nakatingin saakin.
Maya maya pa naramdaman ko ang palad nya sa balikat ko at inayos ang damit ko."I promise hindi ako mawawala sa laro mo bukas, winter." Nakangiting sabi nya saakin. Hinaplos nya ang pisngi ko. Kakaiba ang binibigay na kaligayahan ng haplos na yun sa puso ko kaya napapikit ako para damhin yun ng mas maigi.
Mabilis akong napamulat ng mata ng may maramdaman akong lumapat sa labi ko.
Nabungaran ko si maam summer na nakapikit.Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya. Ito ang pangalawang beses na naglapat ang mga labi naming dalawa.
Kusang umangat ang mga kamay ko sa bewang nya paakyat sa pisngi nya. Nag umpisa na ring igalaw ni maam summer ang mga labi nya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at tinugon na rin ang mga halik na binibigay saakin ni maam summer.
Pagkalipas ng ilang minuto, ako na ang kusang kumalas sa halikan namin, dahil narinig ko ang pag tunog ng elevator sa hindi kalayuan.
Agad kong hinawakan si maam summer ng akma itong matutumba.
"Okey ka lang?" Nag aalalang tanong ko sakanya. Tumango sya. Inayos ko na rin ang pagkakaalalay sakanya.
Nilingon ko ang taong bagong labas sa elevator.
Hindi na ako nagulat sa taong nakita ko na lumabas doon, dahil nag iisa lang naman ang penthouse na to dito. Pero mababakas ang pagkagulat ni maam autumn habang nakatingin saamin. Nakabawi rin naman sya agad at dumeretso na sa paglalakad. Nilagpasan nya kami at pumasok na sa penthouse nya, hindi nya na rin sinarado ang pinto.Huminga ako ng malalim bago ako tumingin kay maam summer. Inalalayan ko na sya papasok sa penthouse.
Pag pasok ko ginala ko ang tingin ko sa loob. Ito ang unang beses na nakapasok ako dito kaya hindi ko maiwasang mapahanga sa design dito sa loob.
Hindi na nalalayo sa totoong bahay ang laki ng penthouse na to. At ang mga gamit na halatang mamahalin.
"Saan ang kwarto mo dito maam?" Tanong ko kay maam summer ng makabawi ako sa pagkamangha.
Dalawa kasi ang pinto dito."Left side." Tipid na sagot nito saakin.
Inalalayan ko na si maam summer papunta sa kwarto na sinabi nya."Ang ganda ng penthouse na to." Bulong ko pagkapasok namin sa kwarto.
"Shes good at everything." Rinig kong bulong ni maam summer. Inalalayan ko sya pahiga sa kama.
Inayos ko ang buhok nya na humaharang sa maganda nyang mukha. "No wonder kung bakit lagi akong kinokompara sakanya simula pagkabata." Narinig kong tumawa ito. Nakaramdam rin ako ng pagkaawa dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam na may ganoon palang nangyayari sa pagitan nilang dalawa."Ikaw rin naman." Nakangiting sabi ko sakanya.
Narinig ko na tumawa ito dahil sa sinabi ko."But not good as her. She has everything, winter." Pinunas ko ang butil ng luha na dumaloy sa gilid ng mata nya. "Simula pagkabata lahat ng attention ng mga tao nasa kanya. Akala ng lahat sya lang ang magaling, dahil lahat ng gusto nila nagagawa nya, Pero hindi nila alam, na ako, na ako ang katulong nya sa lahat ng yun. Kapag sinasabi nya na tinulungan ko sya, hindi sila naniniwala dahil iniisip nila na ginagawa lang yun ni autumn para iangat ako at para magustuhan nila ako." Muli kong pinunas ang luha nya na wala ng tigil sa pag daloy.
" i only have her. Sya lang, sya lang ang taong nasa tabi ko, sya lang ang nakakaintindi saakin. Ako lang ang meron sya at sya lang rin ang meron ako." Humiga ako sa tabi nya at niyakap sya mula sa likod.
Ayaw ko ang kung ano man ang nararamdaman nya ngayon.