006

2.9K 103 4
                                    



WINTER POV:

After practice naligo na ako dahil nanlalagkit na ako sa pawis plus ang sikip ng damit na suot ko ngayon.

pag katapos ko lumabas na ako ng gym at nag lakad. bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
hindi ako maiwasang batiin ng mga taong nakakasalubong ko. binabati ko rin sila pabalik. dahilan ng pag tilian nila.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa SSC tent. nandito rin ang ibang guro. malaki at mahaba itong tent nila kaya dito na rin nilalagay ang mga pagkain at kung ano ano pang kakailanganin sa event.

Hinanap ng mata ko si callione at nakita ko itong busy sa pag ayos ng mga water bottle sa mesa. habang ang iba naman na kasama nito inaayos rin ang mga burger at iba pang food.

Napaka sipag naman talaga ng bestfriend kong ito oh.
Lumapit ako sakanya at tinutulungan syang buhatin ang iba pa. Nagulat ito dahil sa biglaan kong pag litaw sa tabi nya pero kalaunan ngumiti sya ng mapangluko.

For sure mang aasar nanaman ito.

"Akala ko umuwi ka na after practice?" Tanong nito habang binubutas ang plastic na naka balot sa tubig pagkatapos nilagay na nya ito sa mesa. Ginaya ko rin ang ginawa nya.

"Tinatamad pa ako umuwi tyaka naisipan ko mag ikot ikot kanina saka ako pumunta dito." palusot ko dahil ang totoo naman talaga dito na ako dumeretso

"Okey. Kunin mo nga yun" turo nya sa isang gunting na nasa kabilang gilid ko. Kinuha ko yun at inabot sakanya.

Nilibot ko ang paningin ko sa tent. nakita ko si maam summer sa dulo habang naka harap sa laptop nya. Katabi nya si maam autumn na busy rin sa laptop.
Palagi silang magkasama ng isa ko ring masungit na professor na ito.

"Baka matunaw naman yang maganda kong pinsan." agad akong napaiwas ng tingin kay maam at muling binalik ang tingin ko sa ginagawa ko.

"Hindi a. Nag kataon lang na sakanya tumama ang mata ko."
Sagot ko sakanya. Lately talaga napapansin ko na palagi syang hinahanap hanap ng mga mata ko, Pero hindi ko naman matukoy kung ano itong nararamdaman ko.

Minsan naiilang na rin ako sakanya. Nag simula lang itong nararamdaman kong kakaiba, simula nung hinalikan nya ako sa kwarto na napag kamalan pa akong boyfriend nya that night.
Simula din nung araw na yun, hindi ko na hinahayaan na mag pang abot pa kami sa kung saang parte ng bahay kaya hanggat maaari sobrang aga kong umaalis sa bahay. hindi ko kasi sya matignan sa mata
Kagaya nung dati.

"Good morning sir alcantara."

Sabay kaming napatingin ni callione sa pinto ng tent at nakita namin sa sir alcantara na nakangiti habang bumabati pabalik sa mga studyante.

"Good morning sir" sabay naming bati ni callione sakanya pag katapat nya saamin. Ngumiti ito saamin pero kalaunan tinignan nya ako ng seryoso na ikinayuko ko.

Oo nga pala, alam na pala nya ang about saamin ni maam summer. Nung araw na umuwi ng lasing si maam dun din pala nya sinabi kay sir alcantara ang about sa arrange marriage naming dalawa. Si callione ang nag kwento saakin dahil kamag anak nya si maam kaya alam nya. Nakipag hiwalay pala si sir alcantara sakanya that night kaya pala lasing na umuwi yung isa.

At last week lang ata sila nag kaayos sabi ni callione. Mukhang last week nga lang kasi last week dinala nya si sir alcantara sa bahay. Nung una kinabahan pa ako dahil baka malaman ni dad, pero kalaunan naisip ko na pag tatakpan ko nalang sya kesa sa sawayin ko sya at mauwi na naman kami sa away. hindi nga ako makatingin sa kanya tapos kakausapin ko pa sya?

"Hoy? Anyare sayo?"
Siniko ako ni callione sa braso.
Napansin ko na wala na si sir alcantara sa harapan namin. nilingon ko sila ni maam sa dulo ng tent.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon