WINTER POV:"Winter" Nagising ako dahil sa taong tumatawag sa pangalan ko. Kahit tinatamad bumangon, pinilit ko ng imulat ang mga mata ko.
"Winter" tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa mukha ko para tignan ang taong nang istorbo ng napakaganda kong tulog. Pero agad rin akong napatalukbong ng sumalubong ang mukha ni maam summer sakin.Walangya.
Ang ganda.
"Winter wake up." Sabi nito "Your parent is here, hurry up." automatic na napa upo ako pagkarinig ko sa sinabi nya.
Ano ba to. Anong ginagawa nila dito? Wala man lang silang pasabi.
Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong saakin at walang lingon na tumakbo papuntang cr.
"Sunod ka nalang sa baba" rinig kong sabi nito bago ko isara ang pinto.
Mabilis kong hinubad ang mga damit ko para makapag shower na. Buti nalang nag kataon na nasa kwarto ako natulog dahil kung nasa baba
Malilintikan kami pareho.Wala akong idea kung anong oras na nakauwi ang boyfriend nya kagabe. Hindi ko rin alam kung anong oras sila nakauwi.
Pero ano bang ginagawa ng parents ko dito? Bakit biglaan naman ata ang pag punta nila dito.
Alam ko na may kailangan na naman sila. I already told you hindi yan pupunta dito nang walang kailangan. I know my parent at lahat ng lakad nila may rason. They won't settle for less. sabi nga nila noon saakin 'time is gold' kaya kailangan daw sinusulit.
After ko maligo lumabas na ako ng banyo. pumasok ako sa closet para kumuha ng damit. Pang araw araw lang sinuot ko dahil mamayang 10 ko pa balak pumasok sa school. Wala rin naman akong gagawin dun dahil may event at tinatamad rin naman ako uutusan lang ako ni callione.
Pagkatapos ko lumabas na ako sa kwarto para puntahan sila sa baba. Malayo palang ako rinig na rinig ko na ang boses ni dad. nasa kusina sila kaya sa kusina na ako tumuloy.
Pag pasok ko Nakita ko na naka upo sila mom and dad at mukhang hinihintay nalang ako para makapag simula na mag almusal. Lumapit ako sakanila at hinalikan sila parehas sa pisngi.
"Morning" bati ko sakanila.
Naagaw ang attention ko ni maam summer na kakapasok palang sa dining table. Dala dala nya ang niluto nyang carbonara. Mabilis akong tumayo mula sa pag kakaupo para sana tulungan sya pero hindi pa ako nakakalapit pinigilan nya na ako, kaya bumalik nalang ako ulit sa pag kakaupo sa harapan ng magulang ko.6 palang meaning sobrang aga nyang nagising dahil nakapag luto pa sya ng ganito para sa magulang ko.
Naka apron sya at simpleng damit."Lets start ti- dad, mom" sabi nito napansin ko pa ang pag kagat labi nya dahil sa sinabi nya. muntikan kasi syang mag kamali.
Napansin ko na kanina pa nakangiti si daddy at mommy. Ano kayang nakain ng dalawang ito at parang napaka good mood naman ata nila.
"Thank you summer" nakangiting pasasalamat sakanya ni dad kaya natigil si maam sa pag tanggal ng apron pero kalaunan tinuloy nya rin iyon.
"pagod kayo pareho at nagawa pa talaga naming mang abala." patuloy ni dad. umupo na si maam sa tabi ko."Okey lang po" mahinang sagot ni maam " kuha na po kayo" magalang pa na dugtong nito.
"Thank you" nag simula na silang kumuha, nilagyan ni dad ang plato ni mom "anyway anong oras pasok nyo?" Tanong ni dad saamin.
Tumingin ako kay maam na hanggang ngayon tahimik pa rin sa tabi ko
"10 ako dad"
Sagot ko nalang sakanila. Tumango sila saka tumingin kay maam summer.