016

2.8K 107 0
                                    

WINTER

"Bawal tayo uminom, winter." Sabi ni charlotte ng abutan ko sya ng wine in can.

"Isang in can lang." Sabi ko sakanya. Umiling ito bago nya binuksan ang in can.

"Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at nagyaya ka dito?" Umupo ako sa likoran ng nakabukas na trunk ng kotse ko bago ako uminom sa hawak kong alak.
Sumunod ito saakin.
"Puso ba yan?" Tanong nya.

Mapait akong napangiti.

"Ang hirap pala no?" Pinunas ko ang luha na dumaloy mula sa mata ko.

"Puso nga." Rinig kong bulong nya bago uminom sa hawak nyang alak.
"Akala ko pa naman okey pa kayo ni kice. Kaya pala hindi ko na sya nakikitang kasama mo."

"Sana nga sya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon, charlotte." Dahil sa sinabi ko agad itong napatingin saakin.

"Ha? E sino? Family problem?" Umiling ulit ako kaya natawa na sya.
"Pinagloloko mo ba ako, winter?" Tanong nya.
"Wag mo sabihing nag checheat ka?"
Umiling ulit ako.
Uminom ulit ako.

"Im married." Pag amin ko sakanya. Nakanganga na tumingin ito saakin.

May tiwala ako kay charlotte. Bukod kay sunny at callione sya rin ang isa sa pinag kakatiwalaan ko.
Matagal na kaming magkaibigan kaya alam ko na mapagkakatiwalaan sya sa sekreto ko.

Sya ang tinawagan ko dahil sya lang ang pwede kong kwentuhan. Ayaw ko naman kasing kausapin si callione at sunny dahil malapit sila kay maam.
Baka kung ano ang isipin nila saakin.

"What? Alam ba ito ni kice?" Tumango ako sakanya.
"Unbelievable" umiiling na sabi nya.
"So ano ang gusto mong sabihin?"

"I love her."
Napatayo ito dahil sa sinabi ko.

"Babae?" Tumango ako sakanya.
Kita ko na gulat na gulat ito sa sinabi ko sakanya maya maya tumawa ito.
"I see" sabi nya bago umupo ulit sa tabi ko.
"Nahulog ka sakanya?"

"Oo. Ang hirap kasi alam ko na walang pupuntahan itong nararamdaman ko sakanya."
Natawa ako ng pagak.
"May boyfriend sya. at minsan ako pa ang tulay sa pagkikita nila." Muli akong uminom. Narinig ko rin ang pag singhap nya.
"Can you imagine that?"

"Actually yes, i can imagine your pain." Sabi nya. Humarap ito saakin.
"Pero girl, tanong ko lang, paano si kice? May nararamdaman ka pa ba sakanya?" Tanong nya saakin.

"Hindi ko alam. Pero plano ko na habang nararamdaman ko ito sa ibang tao, balak kong hiwalayan sya." Tumango ito.

"Good decision. Masasaktan mo lang sya kung patuloy mo syang lolokohin sa nararamdaman mo. Hindi ka man nag loko physically, but, emotionally, yes."
Sabi nya.

Muli akong uminom.

"Simula nung dumating sya sa buhay ko, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko." Natawa ako.
"Nung una naiinis ako sakanya, pero habang tumatagal napapalapit ako hanggang sa nahulog ako."

"Pwede ko bang malaman kung sino?" Tanong nya.
Umiling ako kaya tumango sya.
" i understand."

Lumipas pa ang dalawang oras bago namin napag desisyonan na umuwi na.

"Sure ka kaya mo mag drive?" Tanong nya saakin bago ako sumakay sa driver seat. Tumango ako sakanya.

"Yeap. Dalawa lang naman nainom ko."

"Okey." Kumaway sya saakin bago nag lakad papunta sa sasakyan nya.

Magkasunod kaming umulis sa lugar. Nag hiwalay lang kami pag dating namin sa highway dahil kailangan nyang mag u-turn.

Pag dating ko sa mansion nagulat sila mommy at daddy pag pasok.

9pm na ng gabi at hindi nila inaasahan na pupunta ako dito. Ngayon lang kasi ako napunta ng ganito kagabe dito Simula nung nag sama kami ni maam summer.

"Oh honey." Si daddy.
Imbis na imikin ko sila tumuloy tuloy lang ako papaakyat sa hagdan.
Hindi ko sila pinansin. Sumama na naman ang loob ko sakanila. Sila ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo si mommy. Pag pasok ko sa kwarto ko padabog kong sinara ang pinto ko.
Agad na nag unahan ang luha ko. Tinapon ko ang bag ko sa kama ko kasabay nun ang pagpasok ni mommy.

"Hon-"

"K-kasalanan nyo ang lahat ng ito." Umiiyak na sigaw ko sakanya. Nakita ko na nagulat ito dahil sa pag sigaw ko. Lalo na ng makita nya akong umiiyak.

"Why? What happen?" Lumapit ito saakin at balak sana akong hawakan sa mukha pero agad kong tinabig ang kamay nya.

"Sana masaya na kayo na nag tagumpay kayo."
Pinahid ko ang luha ko.

"Nakainom ka ba?" Tanong nya.

"N-nakiusap ako sainyo na wag nyo ng ituloy ang kasal, pero nag matigas kayo ni daddy." Umiiyak na sumbat ko sakanya. "Ngayon ano? Ako" tinuro ko ang sarili ko. "Ako ang unang naging biktima nyo."

"Ano bang sinasabi mo anak?" Naguguluhang tanong nya. Pumasok na rin si daddy.

"Anong nangyayari?" Tanong nya saamin.

"Nag tagumpay na kayo, dahil mahal ko na si maam summer." Umiiyak na tanong ko.
"Masaya ba?" Tanong ko. Natahimik sila sa sinabi ko. "Masaya ba sa pakiramdam na nasasaktan ako dahil sa kagagawan nyo? Masaya ba?" Tanong ko sakanila.
"Ako, ako lang ang nabiktima nyo."
Umupo ako sa kama ko at napasabunot sa buhok ko.
Kinulong ko ang mukha ko sa mga palad ko at doon umiyak.
Naramdaman ko ang pag lundo ng kama at pag haplos saakin ni mommy. Maya maya niyakap nyo ako.

"I hate you, both." Sabi ko sakanila.
"I hate you so much."

"Im sorry." Rinig kong bulong ni mommy.

"Its too late." Tumayo ako at tinignan sila parehas.
"I want a divorce paper." Tumayo si mommy.
"If you want to save me, ayusin nyo ito. Bago ko pa kayo tuluyang kamuhian." After ko yung sabihin sakanila kinuha ko ang bag ko at muling lumabas ng bahay.

Sana ayusin nila ito sa lalong madaling panahon dahil habang mas tumatagal mas lalo akong nalulunod sa sitwasyon ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Dumeretso ako sa condo ko para dito na lang magpalipas ng gabi.
Pero yung balak kong matulog ay nauwi sa pag inom.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at agad na tumama saakin ang sinag ng araw na nagmumula sa labas.

Agad akong napahawak sa noo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

Kinuha ko ang phone ko sa bedside.

Kahit masakit ang ulo ay pinilit kong bumangon dahil dalawang oras na lang ang meron ako
9am ang usapan namin tapos babyahe pa.

Pagdating ko sa school tumuloy ako sa gym. Late na rin kasi ako ng ilang minuto. Nakasabay ko si ramulla at ortega sa may pinto ng gym.

"Kamusta naman ang bida bida kong team mates?" Tanong nya saakin.

"Wag ngayon ramulla. Wala ako sa mood, baka hindi kita matantya." Seryoso kong sabi sakanya bago ko sila iniwanan.

Puro yabang wala namang binatbat.

Pagpasok ko tinapon ko lang sa bleachers ang bag ko bago ako naglakad palapit kila coach.

"Late ka na naman estrella." Saway ni coach saakin.
Kompleto na sila rito.

"Pasensya na coach." Hingi ko ng paumanhin sakanya bago ako naupo sa tabi ni charlotte.

Hindi ko pinansin ang tatlong professor na nasa harapan namin kasama si coach. Kahit nga tapunan ng tingin hindi ko ginawa.

Masyado na akong maraming isipin.

••

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon