005

3K 125 9
                                    

WINTER POV:

"Aray" usal ko dahil sa bolang tumama sa mukha ko. Buti nalang hindi pwersa yung bola dahil sa taas ito galing. Nakahiga kasi ako dito sa bench na nasa likod ng halaman sa may soccer field.

Hinawakan ko ang bola at umupo natatanaw ko ang isang lalake papalapit sa pwesto ko.

"Miss estrella pasensya na po. Hindi po namin sinasadya." hinging paumanhin ng lalake tumango lang ako sakanya saka ko tinapon ang bola pabalik sakanya.
"Pasensya na po talaga ulit" pahabol pa nito bago nag madaling tumakbo.

Andaming tao ngayon sa school halos lahat kasi ng studyante nasa labas, dahil ngayon ang simula ng school fair. At ako hindi kasali dahil may training kami sa volleyball.

Tumayo na ako dahil nawala narin naman ang antok ko dahil sa tumamang bola sa mukha ko. Nag lakad lakad na lang ako

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng jacket ko. its callione. Ano naman kaya ang kailangan ng isang to.

Nasa gym sya ngayon dahil inaayos nila ang stage na gagamitin for pageant, Sana wala dun si maam summer, dahil for sure na hindi na naman ako titigilan ni callione kakaasar dito.

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung gabi na nag halikan kami. At sa tatlong linggo na yun ay hindi ako tinigilan ni sunny at callione kakaasar kay maam.

Nakakainis na dalawang yun.
Dahil sa kanila may mga time tuloy na hindi ko na makilala sarili ko. Lalo na pag nandyan si maam selveria sa malapit saakin. Palagi akong kinakabahan na parang ewan.

"Bakit?" Agad na bungad ko pag kasagot ko sa tawag nya.

"What took you so long winter?"
Tanong nya.

"Hindi ko napansin. Bakit ka napatawag?" Tanong ko ulit sakanya

"Wala ka bang gawa? Pwede tulungan mo nalang ako dito sa gym? Tatlo lang kasi kami dito at medyo marami rami pang gagawin."
Pakiusap nya. Tinignan ko ang orasan ko may apat na oras pa ako bago ang training

"Sure." sabi ko sakanya.

"Yehey, thank you bessy."
Binaba nya na ang tawag. lumiko ako ng direction para puntahan si callione sa gym.

Pag dating ko sa gym nakita ko na tatlo nga lang sila si antonette at callione na naka apak sa hagdan para mag dikit ng kung ano ano sa stage at si jacob na auditor nila.

Bumaba si callione sa hagdan pag kakita nya saakin.

"Hi miss estrella good morning"
Sabay na bati sakin ng dalawa ngumiti lang ako sakanila.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko kay callione pag kalapit nya. May binigay ito saking mga balloon at pang bomba

"Here. Need nyan lagyan ng hangin" sabi nito

"Lahat?" Tanong ko.

"Yeap. Thank you talaga ah? Kulang kasi kami sa tao dahil yung iba busy na sa mga activity na iba. Si pres naman nag iikot. Si sunny naman nasa booth nya at hindi makaalis alis" reklamo nito
"Buti nalang may free time ka" nakangiti na ito ngayon.

"Buti nalang talaga. Kung wala pala akong free time ano oras kayo matatapos?"

"Madaling araw na siguro dahil bukas na ito gaganapin" sagot nya "sige dyan ka na tatapusin ko lang to baka masermonan ako nung masungit kong pinsan." sabi nito at tumakbo na pabalik sa ginagawa nya. Umiling nalang ako bago ko ginawa ang iniutos nito.

Nakakaapat palang ako saka naman dumating si maam selveria na naka formal attire ngayon. naka pink pencil skirt ito at white plain shirt na naka tock-in na pinatungan ng pink blazer at pink din na mataas na heels. Kasama nya si maam autumn del valle, na naka trauser at skyblue na longsleeve.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon