WINTER
"FAST PIRATES................ AAAHHHHHHHHHH... "
Dumagundong ang sigawan ng mga tao sa loob ng arena dahil sa pagkapanalo namin.
Yung iba nakasuot pa ng ibat ibang kulay kung saang school sila galing.Andami ding taga DVU at sa ibang school na lumipad pa papuntang cebu to show support sa team namin.
Nakangiting ginala ko ang mga mata ko sa grupo ng mga teachers at coaches sa isang tabi.
Nakita ko si maam summer na nakatayo habang pumapalakpak at nakatingin sa malaking screen monitor na nasa taas namin.Mabilis akong nag iwas ng tingin ng makita ko na nagbaba ito ng tingin para tignan ako.
Tumalikod ako sakanila para makisali sa mga ka grupo ko na parang wala ng bukas kung makatalon sa sobrang tuwa.
May laban pa kami bukas kaya hindi ko pa magawang mag enjoy ng sobra sobra.
"Congratulations to all of you."
Nakangiting bati saamin ng grupo na nakalaban namin. Ngumiti lang din kami pabalik sakanila bago sila nag lakad paalis sa court.
Nagsilapitan na rin saamin ang mga teachers and coaches namin binati nila kami isa isa.
"Congrats" bulong saakin ni maam summer. Nahihiyang ngumiti ako sakanya.
Nagulat rin ako ng akbayan nya ako."Thank you maam."
Nahihiyang sabi ko sakanya."Lets eat outside later." Rinig ko pang bulong nya bago nya ako pinaharap sa camera.
Ang alam ko bawal lumabas mamaya dahil may event celebration kami.
Ngumiti muna ako sa camera. Pagtapos mag picture muli akong humarap kay maam summer.
"Diba bawal po lumabas later?"
Sabi ko sakanya.Humarap ito saakin nagulat ako ng punasan nya ang pawis ko sa may noo gamit ang panyo nya.
"Just a quick dinner."
Nakangiting sabi nya.Naguguluhan pa rin talaga ako sa mga narinig ko kagabe mula sakanila ni maam autumn.
Alam nya ang feelings ko para sakanya pero patuloy nya pa rin tong ginagawa. Hindi ba nya naisip na baka umasa ako sa pinapakita nya saakin?
Tapos sila pa ni sir alcantara. Alam nya na nagseselos saakin yung tao pero ginagawa nya ito.
Shes just making things complicated.
"Bakit?" Mahinang tanong ko sakanya.
Gusto kong tanungin kong bakit nya ito ginagawa.
Ayaw ko kasing umasa. Ayaw kong bigyan ng malisya ang mga ginagawa nya.Tumingin ako sa paligid ko para tignan kung may nakakarinig ba saamin at mukhang wala rin naman.
Nakita ko si sir alcantara na tahimik sa isang tabi.
Dumating ito kaninang umaga. Napansin ko rin na simula nung dumating ito ay hindi sila naguusap pa ni maam summer.Feeling ko tuloy merong hindi magandang nangyari sakanila ni maam summer nung gabing iniwanan ko sila para mag usap.
May mali kasi.
Akala ko after they talk magiging maayos sila, pero hindi. Mukhang nag labo labo pa nga silang dalawa.
Si maam autumn naman, simula kagabe hindi ko na nakita ulit.