012

2.6K 102 38
                                    

WINTER:

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH"
Dumagundong ang sigawan sa buong gymnasium dahil sa pagkapanalo namin laban sa OrChard university.
"DVU DVU DVU DVU DVU" sabay sabay na sigaw ng mga tao.

"Tangina ibaba nyo ako." Sigaw ko sa mga team mates ko na halos kargahin na ako sa sobrang saya nila.

Ako kasi ang huling spiker ng bola. Sobrang lakas ng pag spike ko na kahit yung tinamaan na player sa kabila ay natumba pa.

Kaya itong team mates ko ay halos sambahin na ako dahil pag baba nila saakin mula sa pagkakakarga nila ay ito ngayon ay niluluhuran na rin ako.

Mga putangina. Ako na nahihiya sa mga pinag gagawa nila.

"DVU DVU DVU"

"WHAAAAAAAAAAA WINTER ANG GALING GALING MO PA RIN TALAGA." Sigaw ng ilan.

"SAINT WINTER, PRAY FOR US."
Tawang tawa at sabay sabay na sigaw ng mga ka team mates ko.

Putangina. Para silang mga kulto.

Sa sobrang hiya ko iniwanan ko na sila. Lumapit na ako sa net para makipag kamay sa kabilang team. Sumunod na rin naman ang iba ko pang team mates.

"Congratulations guys." bati nila saamin.
Pagkatapos namin makipag kamay binigay na saamin ang trophy at medal. And as usual kami na naman ni charlotte ang merong gold medal. Secure na kami for national game.

Sa mga susunod na araw ulit ang laban namin sa manalo pang isang school ngayon at bukas.

Nag picture muna kami ng buong team kasama ang tatlong professor at si coach.

Napapagitnaan ako ni maam summer at autumn hawak naming tatlo ang trophy. Ako daw sa gitna dahil ako ang MVP.

Bago sila umalis sa tabi ko naramdaman ko ang pag hawak saakin ni maam autumn sa balikat.

"Hindi ako nag kamali sayo." Nakangiting sabi nito.
Ngumiti ako sakanya at yumuko ng kaonte.
Gusto ko lang mag pasalamat sa pag laban nya saakin kanina.

Nawalan talaga ako ng pag asa kanina nung sinabi ni coach na hindi ako mag lalaro ngayon. Pero nilaban nya ako kaya nandito ako ngayon. Ito rin ang unang beses na nag MVP ako. Nung nakaraan kasi ay si charlotte palagi ang MVP. Pero ngayon saakin napunta ang MVP.

She's my luck.

"Thank you sa paglaban saakin maam." Naiiyak na sabi ko. Hinaplos ako nito sa buhok.

"I will fight for you no matter what, miss estrella. You are great and someone like you should not be wasted."

Naramdaman ko ang pag haplos nito sa batok ko na nag bigay saakin ng kiliti.

Napahagikhik ako bago ako umusog palayo sakanya.

Ang lakas kasi ng kiliti ko sa batok. Lalo pag ibang tao ang humahawak.

Nakita ko ang pagkagat labi nya.

"Cutie."

Bulong nya pero hindi ko narinig sa sobrang hina.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon