WINTER"Saan ka?" Tanong saakin ni callione ulit.
Naandito kami sa labas ng hotel dahil 6pm na at pupunta na kami sa party na gaganapin sa bar na pagmamay ari din nila maam autumn.
Pero ako hindi muna ako dederetso doon dahil kailangan kong puntahan si maam summer para sa dinner naming dalawa.
May kailangan lang akong intindihin sakanya.
Lalo yung sinabi nya saakin na pumunta sya dito dahil may kailangan syang aminin saakin.May nag uudyo saakin na alamin kung ano man itong aaminin nya.
"Wala." Sabi ko sakanila saka ko sila pinatalikod saakin.
"Mauna na kayo. May pupuntahan lang ako saglit."
Mahina ko na silang tinulak paalis. Ako naman naglakad na paalis."Sumunod ka, dahil kung hindi, papatayin kita." Sigaw ni callione bago ako mawala sa paningin nila.
Andaming tao dito sa del vallios. Mga tourist na galing sa ibat ibang panig ng mundo.
Hindi naman nakakapag taka dahil napakaganda talaga ng resort nila maam autumn dito sa cebu.As far as i know. Si maam ang nag design ng mga new renovations nilang ari-arian. Magaling kasi itong architect kaya hindi rin naman nakakapag taka na dinadayo ito.
Bukod kasi sa napakaganda, ay dumagdag pa ang ambiance ng lugar na sinabayan pa ng alon ng dagat.
"Ay sorry miss."
Hingi ng tawad ng lalakeng nagmamadaling lagpasan ako. Nasagi nya kasi ako habang naglalakad sya.
Pinulot ko ang cellphone ko na nalaglag sa sahig bago ko sya hinarap.Gwapo ito at matipuno pero dahil bading ako ay hindi ko sya bet.
"Okey lang." Pagkasabi ko nun agad na syang naglakad paalis.
Sinundan ko lang sya ng tingin at pumasok ito sa restaurant na pupuntahan ko rin sana.
Tinignan ko ang cellphone ko dahil sa nag text.
"Where are you?"
Si maam summer.
Tinago ko na ang cellphone ko sa bag ko bago ko binilisan ang paglalakad ko papunta sa restaurant.
Pag pasok ko agad kong hinanap si maam summer at nakita ko ito sa gilid katabi ng glass wall. Kumaway ito saakin kaya napangiti ako.
Malayo pa lang ako kitang kita ko na ang kagandahan nya. Nakasuot lang naman sya backless na dress at napakasimple lang naman ng ayos nya pero litaw na litaw ang ganda nya.
"Maam." Nahihiyang bati ko sakanya bago ako umupo sa harapan nito.
"Sorry kung pinaghintay kita." Hingi ko ng tawad."Its okey. I can wait naman." Ngumiti ito saakin kaya naman mabilis akong nag iwas dahil feeling ko namumula ang kabuohan ng mukha ko. Ramdam ko kasi ang pag init ng pisngi ko.
Narinig ko ang mumunting tawa na na ang sarap pakinggan.
"You're blushing" nakakagat labing sabi niya. Feeling ko tuloy mas lalong uminit ang mukha ko."Ano po pala ang pag uusapan natin?"
"Before we start. Can i ask a favor?" Tanong nya saakin. Inangat ko ang paningin ko sakanya.
"Oo naman po."
"Can you remove that 'po'? And don't call me maam when it's just the two of us?" Tanong nito saakin.
E bakit? E ganon naman talaga kami dati pa.
Gusto ko pa sana mag tanong kung bakit, pero hindi na ako nag abalang mag tanong pa.
"Sige po" sinamaan nya ako ng tingin kaya ngumiti ako. "Sige." Pag ulit ko. Ngumiti na ito saakin.
"Lets eat first." Nakangiting sabi nito.
Binuksan nya ang red wine at nag salin sa baso naming dalawa.
Binigay nya saakin ang isa at nakipag cheers saakin.
Habang iniinom ko ang wine ko nakatingin lang ako saakin at ganun rin sya saakin.Ako na ang unang nag iwas ng tingin sa nakakapasong tinginan naming dalawa.
Binaba ko na ang wine ko.
Nahagip rin ng mata ko ang envelope na nakapatong sa isang chair na nasa gilid nya.Napalunok ako. kung hindi ako nagkakamali yun yung divorce paper naming dalawa. Bakit ito nandito?
Nakaramdam ako ng lungkot sa isipin na baka tuluyan nya na itong pinermahan para matapos na kung ano itong amin.
Pero bakit sabi ni sir alcantara hiwalay na sila?
Tahimik na lang akong kumakain.
Tanging mga kalansing lang ng pinggan ang maririnig namin sa pagitan naming dalawa.
Naririnig rin namin ang ibang mga kasama namin dito sa loob na kumakain rin.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid.
At sa hindi inaasahan ay nahagip ng mga mata ko si maam autumn sa may bandang likoran ni maam summer.
Nakaharap sya saakin pero nakafocus sya sa lalaking kaharap nya at minsan tumitingin sya sa kinakain nya.
Hindi ko rin alam kung nakita nya na ba kami ni maam summer or hindi pa. Medyo hindi kasi okey ang timpla ng mukha nya habang nakatingin sa pagkain nya.
Ngayon ko na lang ulit ito nakita simula kagabe.
Kinuha ko ang water ko para uminom.
"So."
Nalipat ang attention ko kay maam summer. Nagpupunas ito ng table napkin sa bibig.
Pagkatapos nya maayos nya itong tinupi at nilagay sa tabi ng wine.Napalunok ako bago ko binaba ang baso sa mesa.
Kinuha nya envelope sa upuan.
Tinignan nya muna ako ng maigi bago nya inabot saakin ang envelope.Muli akong napalunok bago ko kinuha sa palad nya ang envelope.
Pasimple akong huminga ng malalim bago ko binuksan ang envelope.
Kung ano man ang naging desisyon nya tatanggapin ko.
Tuluyan ko ng tinignan ang pangalan nya kung may pirma ba ito pero wala.
Walang pag lagyan ang saya ko dahil sa nakita ko.
Anong ibig sabihin nito?
Taliwas ito sa inaasahan ko. Ang inaasahan ko may pirma ito. Pero nagkamali ako.
Tinignan ko sya ng may pagtatanong sa mga mata.
Ngumiti ito saakin bago sumagot."I can't sign that winter. I cant." Ramdam ko na pilit nyang nilalabanan ang emotion nya, pero sa huli hindi nya pa rin ito napigilan dahil tuluyan ng tumulo ang luha nya.
"Im s-sorry." Mabilis akong tumayo para lapitan sya.
Pinunasan ko ang luha nya bago ko sya niyakap."Its okey." Pagpapatahan ko sakanya.
"Pero bakit?"
May pagtataka sa tono na tanong ko sakanya."because" hinaplos ko ang malambot nyang buhok
"i-i love you, winter." Mabilis nyang tinakip sa mukha nya ang mga palad nya.
Hindi agad ako nakaimik dahil sa huling sinabi nya.Pati ang paligid mistulang natahimik dahil para na akong nabingi ng dahil sa sinabi ni maam summer.
Ramdam ko rin ang mabilis na tambol ng puso ko.Tama ba yung narinig ko?
Mahal nya ako?Pero paano?
Paanong nangyari yun?Bago pa ako makapagsalita nakita ko itong mabilis na tumayo at naglakad palabas ng resto.
Nakatunganga lang ako habang sinusundan ko ito ng tingin. nang mawala ito sa paningin ko doon na kumurba ang mga ngiti na kanina ko pa pinipigilan. Bahagya rin akong humawak sa may dibdib ko para pakiramdaman ang tambol nito.