018

2.9K 112 12
                                    

WINTER

Lumipas pa ang mga araw at linggo. At tuluyan ko ng tinapos ang saamin ni kice. Pagdating na pag dating nya galing team building nila, agad ko syang kinausap. Inamin ko sakanya na na fall out of love ako. Ayaw pa nyang tanggapin pero wala naman na syang nagawa kesa naman masaktan ko pa sya lalo kung ipipilit pa namin.

Napag alaman ko rin kay callione na hindi pa rin pala umaalis si maam summer sa dati naming tinutuluyan.

Ang pinagtataka ko lang kung bakit hindi pa rin nababalik saakin yung divorce paper namin na dapat pipirmahan nya.

Napapaisip tuloy ako kung pinirmahan na ba nya o hindi.

Palagi naman kaming nagkikita sa subject nya pero hindi ko sya pinapansin dahil yun ang promised ko sa sarili ko. Kahit minsan ramdam ko na gustong gusto ako nitong lapitan kapag ka tapos na ang subject nya. Nagmamadali kasi ako lagi sa paglabas at minsan naman nagpapanggap akong walang naririnig.

Tumingin ako sa paligid dahil biglang tumahimik ang mga tao.

Nandito ako sa canteen at kasalukuyan akong nasa pila para bumili ng pagkain.

Nakita ko sila maam summer at autumn papasok ng canteen. Kasama nila si sir alcantara at sir cervantes.

Lahat ng student na nakapila sa likod ko nagbigay daan para sakanila.
Balak ko rin sanang umalis pero agad akong natigil dahil sa paghawak saakin ni maam autumn.

"Stay."

Seryosong sabi nya habang nakatingin saakin.
Ngumiti ito saakin kaya agad akong nag iwas.

Amoy na amoy ko ang mabangong pabango niya.

"Ikaw maam ah?" Tinignan ko ito ulit.

"What?" Masungit na tanong nya.

"Yung kamay ko pakibitawan." Sabi ko sakanya.

Hawak hawak nya pa kasi ang kamay ko.
Umusog ito ng kaonte at tinignan ang kamay naming dalawa. Imbis na tanggalin nya mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak saakin.

Muli pa itong tumingin sa kamay ko na hawak nya. Nakita ko ang pasimple nitong pag ngiti bago binaba ang kamay ko.

"Where's your ring?" Pabulong na tanong nya.

Napakunot noo ako. Hindi nya alam?
Akala ko pa naman alam nya na dahil magkaibigan silang dalawa ni maam summer.

Nang hindi kaagad ako nakasagot tumingin ito sa likoran namin at pasimpleng sinilip ang kamay ni maam summer na naka crossed arms habang nakatingin saaming dalawa.

Pasimple ko ring tinignan ang mga daliri nya. Agad akong namula ng makita ko na suot nya pa ang singsing.

"What?" Maarteng tanong nya saamin ni maam autumn. Napatingin tuloy saamin ang dalawang professor na lalake.

Agad akong nag iwas ng tingin.

Bakit kaya suot nya pa yung singsing? Diba dapat tanggalin nya na yun? Alam na rin kaya ng boyfriend nya na may divorce paper na kami?

Tsk. Bahala na nga sya.

"Okey ka lang ba?" Rinig kong tanong ni sir alcantara sakanya. "You look pale."

"Mukha ba akong okey?" Napalunok ako dahil sa naging sagot ni maam kay sir alcantara. Ito ata ang unang beses na narinig ko syang wala sa mood habang kausap ang boyfriend nya.

"What do you want to eat?" Tanong saakin ni maam autumn ng sa wakas ay kami na ang nasa counter.

"Libre nyo po ba maam?"
Tanong ko sakanya.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon