Prologue

8.5K 183 11
                                    


"Dad, bakit mo ako sinasama sa ganito?"
Nakatingalang tanong ko kay daddy pag pasok namin sa mamahaling hotel.

Madaming tao at sa tingin ko mga mayayaman din sila.

Lumuhod sya sa harapan ko at ngumiti.

"Daddy wants to introduce you to the people here. Especially with daddy's business partners." Sabi nito saakin.

Pero bata pa ako. Im just 13 years old.

"Im still young daddy." Tumawa ito.

"Lalaki ka rin honey, and when you grow up, you will handle all our business. So I want to expose you to these things as early as possible." Sabi nya.

Tumango ako sakanya. Pinisil nya ang pisngi ko bago sya tumayo. Hinawakan nya ako sa kamay at hinila ako sa mga taong nasa iisang table na may kanya kanyang dalang mga bata kagaya ko.

Pinakilala ako ni dad isa isa sa mga matatandang kasama namin.

"Ito na pala si winter, napakagandang bata nito stephen." Ngumiti ako kay tita menerva.
Yun ang pakilala nya saakin kanina.

Sya daw si tita menerva ko na maganda.

"Yes menerva."

"Manang mana sa mommy nya." Mas lalo akong napangiti.

Habang nag uusap usap sila tungkol sa business naagaw ang attention ko ng isang babaeng tumayo mula sa kabilang table.

Mas matanda ito saakin kung titignan.
Lumabas ito sa pinto.

Parang malungkot si ateng maganda.

Tumingin ako kay daddy at nang makita ko na busy pa ito. Tumayo ako para sundan ang babaeng lumabas kanina sa pinto.

Pag labas ko inikot ko ang mga mata ko para hanapin sya. Likod na lang nya ang nakita ko bago sya nawala sa paningin ko dahil pumunta ito sa may parte ng garden na punong puno ng bulaklak.

Napangiti ako bago ko ito sinundan.

"Hi ateng beautiful."

Malaki ang ngiti na binati ko sya.
Tinignan nya lang ako bago ulit tumingin sa kawalan.

Parang walang buhay ang mga mata nya.
Malamig ang mga tingin na ibinigay nya saakin kanina.

Umupo ako sa tabi nya.

"Ang ganda ganda mo, sayang naman kung hindi ka po ngingit-"

"Shup up kid." Masungit na sabi nito. "Doon ka nga sa mga magulang mo." Dugtong pa nya.

Napabusangot ako dahil sa pagsusungit nya.

Ang sungit sungit.

Pero hindi ako papaapekto sa pag susungit nya. Ngumiti ulit ako saka ko sya niyakap.

Agad itong nag lumikot dahilan ng pagkahulog ko sa sahig.

Napaupo ako sa sahig.

"Aray." Naiiyak na sabi ko habang nakatingin sakanya.
Tinignan ko ang siko ko na nagasgasan dahil sumabit ito sa upuan.
"Bad ka." Sabi ko sakanya.

"Ang arte mo."
Sabi nito bago tumayo at nilahad ang mga kamay saakin.

"Ang arte mo rin." Naka pout na sabi ko sakanya

"Tsk."

Lumuhod ito sa harapan ko at pilit akong pinatayo.

"Ang ganda mo."

"Kanina ka pa." Sabi nya.

"Totoo naman. Maganda ka naman po talaga." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Can i marry you?"
Dahil sa sinabi ko tumingin ito saakin.
"My name is winter estrella." Sabi ko sakanya.

"Bata ka pa pero niyayaya mo na ako ng kasal? Unbelievable." Muli itong umupo sa upuan kaya tumabi ulit ako sakanya.

"Bakit? Bawal ba yun? Lalaki rin naman ako sabi ni daddy." Naka pout na sabi ko sakanya.

"Basta, bata ka pa. Bawal pa yun sayo. At tyaka hindi ako pumapatol sa bata at babae."
Sabi nya. Tumayo na sya at iniwanan ako sa garden.

"Anong pangalan mo ate ganda?" Sigaw ko sakanya. Pero dumeretso na sya papasok.

Napapout na lang ako at muling naupo sa upuan.

"Bata pa ako, pero sabi ni daddy lalaki rin naman ako." Bulong ko.

••••

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon