WINTER
"Close na close kayo ni maam del valle." Tanong saakin ni charlotte. Nilingon ko sya na busy sa pag aayos ng gamit nya.
Kami kasing dalawa ang room mates.
"Kailan lang naman kami naging close masyado ni maam autumn." Sagot ko sakanya.
Tinanggal ko ang towel sa ulo dahil balak ko na mag blower. Katatapos ko lang mag shower dahil kailangan na naming bumaba for dinner at balak ko ring lumabas ngayon para mag lakad lakad sa dalampasigan.Hindi naman ako ganoon kapagod dahil konteng activity lang naman ang ginagawa namin ngayon araw. Pag dating namin dito sa hotel kanina, dalawang oras lang kaming nagpahinga and the rest gumawa na kami ng activity as a warm up na rin para sa laro namin bukas.
Saturday, sunday ang laro namin.
"Iniisip ko nga kung sya yung sinasabi mo saakin."
Natigil ako sa pag suklay sa buhok ko at muli syang nilingon mula sa reflection sa salamin.
Tumayo ito para itabi ang maleta nya sa maleta ko."Hindi sya yun." Natawa ako. Ganon na ba kami ka close ni maam autumn para mapagkamalan kami? "Business partner namin sila kaya magkakilala na talaga kami noon pa man." Natatawa pa ring sagot ko sakanya.
Humarap ito saakin.
"Naiintriga talaga ako dyan sa babaeng tinutukoy mo." Sabi nya.
"O baka naman isa sa dalawang kaibigan mo?" Tanong nya."Callione and sunny?" Natatawang tanong ko sakanya. Tumango sya. Umiling ulit ako kaya napasimangot na sya.
Sinuklay ko na ulit ang buhok ko."Doon ka nga sa bathroom mag bihis." Sabi ko sakanya ng akmang huhubarin nya na ang bathrobe nya.
"Babae naman tayo parehas."
Natatawang sabi nya."I like girls."
Tumingin ito saakin bago natawa."Ay oo nga pala." Dinampot nya ang mga gamit nya sa kama saka natatawang pumunta sa bathroom.
Napailing na lang ako."LUANNE...." Malakas na tawag ni charlotte sa isa naming ka team na taga MU.
Para itong nataranta ng makita kami ni charlotte. Bakit ba siya naandon, e fire exit na iyon.
Nagulat ako ng may makita akong isang kamay na parang tinulak sya palayo.Ngumiti sya ng bahagya bago nag aalangan na naglakad palapit saamin.
Nakakunot noong nakatingin ako sa dating pwesto nya. Feeling ko kasi may kasama sya doon.Ngumiti ako ng makalapit sya saamin.
Sya yung babaeng feeling ko may namamagitan sakanila ng isang teachers sa MU na asawa ng may ari ng MU.
May kakaiba kasi sakanilang dalawa nung tournament. Feeling ko may misunderstanding sila.
Tapos nakita ko pa na hinawakan sya ni luanne sa bewang."What are you doing there?" Tanong ni charlotte sakanya.
Kinakabang ngumiti sya saamin bago lumingon sa pinang galingan nya.
"W-wala. Tara na." Inakay nya na si charlotte paalis. Bago ako sumunod sakanila, muli akong lumingon sa pinang galingan nya.
Baka namamalikmata lang ako.
Umiling ako bago sumunod sakanilang dalawa.
Bago ako sumakay sa elevator muli akong napalingon sa hallway dahil may lumabas na babae sa kung saan namin nakita si luanne.