017

2.8K 110 4
                                    


"Ano na estrella?" Tanong saakin ni coach pagka break namin.
"Lamang na lamang na sila."
Last set na pero lamang pa rin talaga ang MU.
Magagaling silang maglaro.

Agad akong lumipat ng pwesto ng makita ko na palapit saakin si maam summer.

"Wala na tayong pag asa." Sabi ni coach.
"Sige na tapusin nyo na lang yan." Sabi ni coach bago tumalikod.

"Anyare sayo?" Tanong saakin ni charlotte.
"Walangya naman winter. Dinala mo talaga dito ang problema mo."

"Puro kasi yabang." Sinamaan ko ng tingin si ramulla na nakangisi saakin ngayon.
Umiling ito bago nag lakad papasok sa court.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH" dumagundong ang sigawan mula sa mag aaral ng MU dahil sa pagkapanalo nila laban saamin.

Napaupo sa sahig ang mga ka team mates ko. Halata ang panghihinayang sa mga mukha nila.

Ako talaga ay may pinakasalanan sa lahat. Ako itong andaming out na tira dahil sa sobrang lakas ng palo ko.

Parang dito ko binuhos ang lahat ng lakas ko.

Pumunta na ako sa net para makipag kamay sa MU team.

Pagkatapos ko pumunta na ako sa gilid para kuhain ang mga gamit ko. Iniwanan ko na sila doon. Dumeretso na lang ako sa room kung saan kami naka stay. Nauna na ako maligo.
Pag labas ko nandoon na silang lahat, lahat sila nakatingin saakin. Pero walang emotion ko lang silang tinignan.

Isisi na nila ang lahat saakin at buong puso ko iyong tatanggapin dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit kami natalo.

"Anong nangyari sayo winter?" Tanong ni coach saakin. "Parang wala ka sa sarili."

"Pasensya na coach." Sabi ko.

"Pasensya na naman?" Tanong nya.
"Ang ganda ganda ng usapan kahapon. Okey ka naman nung isang araw at kahapon." Sermon nya saakin.
"Im so disappointed." Sabi nya bago tumalikod.

Tumingin ako sa mga taong nasa paligid ko, lahat sila umiiling saakin.

Naagaw ang attention ko ng cellphone kong tumutunog sa loob ng bag ko.

Nakakunot noo kong sinagot ang tawag nya.

Mabilis akong lumabas ng kwarto.

"Dad." Walang buhay na sagot ko sa tawag.

"Come home after your game. may ibibigay kami sayo." Sabi nya bago nya patayin ang tawag.
Tumingin ako sa pinto na nilabasan ko bago ako naglakad paalis.

Sumakay ako ng taxi papuntang DVU dahil nandoon ang kotse ko. Pagdating kong dvu agad rin akong nag drive pauwi sa mansion.

Sana lang, good news at related sa pinag usapan namin kagabe itong ibibigay saakin ni dad.

Handa akong pakawalan si maam summer kahit kapalit pa noon ay ang masaktan ako.
Hindi ko kayang ikulong pa sya sa kasal na ito.
Gusto ko na magkaroon sya ng freedom ulit kagaya nung dati.

Siguro baka sa ganoon baka mawala rin itong nararamdaman ko sakanya. Baka kasi dahil lang sa palagi ko syang nakakasama kaya ko ito nararamdaman.

Pagpasok ko sa bahay nadatnan ko si mommy at daddy sa sala. Kasama nito sa atty. larson. Ang lawyer ng family namin.

Binaba ko ang bag ko sa sofa bago ako umupo sa harap nila.

"Dad, mom." Banggit ko sa pangalan nila.

"I hope summer selveria is here too, but you can give it to her winter." Panimula ni atty.
dahil sa nabanggit nya malakas ang kutob ko na tungkol na ito sa kasal namin ni maam summer.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon