WINTER POV
"Alam nyo na ba ang balita?"rinig kong bulong ng grupo na nasa kabilang table.
Hanggang ngayon talaga pinag uusapan pa rin nila yung nangyari. Yung nangyari kay sir alcantara at kay maam autumn.Hindi yung nangyari sa parking, may iba pa kasing nangyari bukod doon.
Kahapon kasi naging bali-balita na tanggal na si sir alcantara sa sa pagtuturo dito sa DVU.
Tapos may nakakitang studyante na sinampal ni maam autumn si sir alcantara.
Hindi ko alam kung totoo yung chismis na yun dahil wala namang pruweba na totoo yun, pero parang gusto ko na rin maniwala sa kadahilanang walang sir alcantarang nagpakita ngayon dito sa DVU. Knowing him, hindi yun umaabsent.Kung totoo man ang chismis, malakas ang kutob ko na dahil ito sa ginawa ni sir alcantara saamin ni maam summer sa parking lot nung nakaraan. At isang tao lang naman ang kayang gawin ang lahat. Yun ay si maam autumn.
Siguro sinubukan syang kausapin ni sir alcantara kahapon kaya umabot sa pag sampal. Ganoon ba talaga sya kagalet para gawin nya pa ang bagay na yun?
Gusto kong makausap si maam autumn sa ginawa nya kay sir alcantara. Hindi ko kasi sya matyempohan kaya hindi ko sya nakakausap.
Mamaya aabangan ko sya sa parking. Tinignan ko ang orasan ko. Malapit na mag 5:30, meaning malapit na umuwi si maam autumn."Yeap, kalat na kalat na." Sagot sakanya ng kausap nya.
"Ano kayang nagawa ni kuya andrew para magalit sakanya si ate autumn ng ganito." Nakatulalang sabi ni callione habang ngumunguya ng pagkain. "As far as i know, naging mag kaibigan naman sila because of ate summer." Wala silang alam tungkol sa ginawa saamin ni sir alcaranta kaya sila nagtataka.
"Baka may nagawang kasalanan si sir alcantara sakanya." Sagot ni sunny.
"I mean knowing miss del valle, hindi yan basta basta nagagalit ng walang dahilan."Inubos ko lang ang kape ko saka ako tumayo.
"Im going." Paalam ko sakanilang dalawa. Tumayo na rin sila "uuwi na rin ba kayo?" Tanong ko sakanila.
"Hindi. Pupunta pa kami sa office ko, marami pa akong gagawin." Sabi ni callione. Tinignan ko si sunny. Ngumiti ito.
"Sasamahan ko siya." Turo nito kay callione. Hindi man nila sabihin pero alam ko na may namamagitan sakanilang dalawa. Matagal ko na silang napapansin pero ayaw ko lang silang pangunahan dahil buhay naman nila iyan.
"Okey, bye." Kumaway na ako sakanila saka ako naglakad palabas ng canteen.
Dumeretso na ako sa parking dahil balak kong doon ko na lang sya abangan.
Wala rin kasing pasok si maam summer dahil may pinuntahan itong kasal ng kaibigan nya. Mamaya susunduin ko sya.Naglakad na ako palapit sa sasakyan ni maam autumn, pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng makita ko na may kausap ito. Buti na lang nadatnan ko pa sya.
Hindi ko pa nakikilala ang kausap nito dahil nakatalikod ito saakin, pero base sa tindig ng lalake mukhang may idea na ako."You know what, autumn? Instead of fighting, why don't we just help each other? I know you've been interested in estrella for a long time, and I love summer too."
What? So kami ni maam summer ang pinag uusapan nila?
"Thats Interesting." Rinig kong sagot dito ni maam autumn. So nakikipag sabwatan ba sya sa lalakeng to para mapaghiwalay kami?
"What a nice idea. But I'm not like you, Andrew. Yes, you're right, I do love winter, but that doesn't mean I would do that to her. I'm not desperate. Winter and summer happiness is still my priority. I love them so much."
Nakita kong tumalikod na si maam autumn.
"If you love summer, let her be happy, andrew. Don't be selfish.""Mahal ko si summer kaya gagawin ko lahat makuha ko lang sya pabalik." Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi nya.
"Mahal mo sya?" Narinig kong tumawa si maam autumn. "Bakit mo sya sinasaktan? I have to go this is nonsense."
"I love her that why gagawin ko lahat para makuha sya pabalik." Galit na sabi ni sir alcantara kay maam autumn. Bakit ba hindi nya maintindihan na hindi na sya mahal ni maam summer? Ang alam ko nag usap na sila sa hiwalayan nila, pero ito habol pa rin sya ng habol kay maam summer.
Tyaka hindi ko ibibigay sakanya si maam summer.
"Never let me know you're going to hurt them again, Andrew. Dont push me on my limits, you know me."
Binuksan na ni maam ang pinto.
"Just to let you know, when someone pissed me off, they tend to go missing quickly. Dont try me.""Nah, you cant do that to me."
"Yes i can. So be a good boy."
Tuluyan na syang sumakay sa sasakyan nya.Mabilis akong nagtago sa sasakyan na malapit sa pwesto ko.
Nakita kong umalis na si maam autumn. Sinilip ko si sir alcantara at nakita ko ito na nag pupuyos sa galit.
"Fuck." Mura nya bago nya sinipa ng sunod sunod ang sasakyan na nasa harapan nya.
"Sa tingin nya ba matatakot nya ako? Nagkakamali sya. I can do whatever i want." Muli nyang sinipa ang sasakyan bago sya nag lakad papunta sa sasakyan na nakaparada sa kabila.Pagkaalis nya saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko.
Gusto ko pa sanang kausapin si maam autumn na wag syang tanggalin sa pagtuturo, pero dahil sa nangyari at mga narinig ko ngayon naisip ko na deserve nya rin ang mawalan ng trabaho.
Parang hindi sya guro kung mag isip.
Alam ko na masakit naman talaga yung nangyari sakanila ni maam summer, pero ano bang gagawin? E na fall out of love na nga sakanya yung tao. Alangan naman na pilitin ni maam summer ang sarili nya na mahalin sya.
Unang una hindi ko naman inagaw si maam summer sakanya, ginawa ko naman ang lahat para sakanila e kahit masakit para saakin yung mga ginagawa ko para lang sakanila.
I think hindi na pagmamahal ang meron sya kay maam summer, naaapakan na lang siguro ang ego nya.
Umiling ako bago ako pumunta sa sasakyan ko.
Pupuntahan ko na lang si maam summer.
Pagdating ko sa location na senend nya saakin, tenext ko sya na nandito na ako. Ilang minuto pa nakita ko na syang naglalakad palapit saakin. May kasama itong isang babae.
Nag beso sila bago sila nag hiwalay.
"Good evening, how's school?" Tanong nya saakin bago sya humalik sa pisngi ko. Nangangamoy alak sya.
"Good evening. Okey lang naman. Ikaw?"
"Good. Nakakapagod lang." Sabi nya at sumandal sa upuan bago pumikit. Napangiti ako bago ako lumapit sakanya at hinalikan sya sa pisngi.
Nakita ko ang pag ngiti nito habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Nakakawala naman yan ng pagod." Nakangiting sabi nito bago nag mulat ng mga mata.
"Isa pa nga." Tinuro nya ang pisngi nya kaya muli ko syang hinalikan pero humarap sya kaya sa labi ko sya nahalikan. Narinig kong tumawa sya dahil sa ginawa nya. Ang sarap sa tenga ng tawa nya.Hinawakan ko sya sa pisngi bago ko sya hinalikan ulit.
"I love you." Bulong ko sakanya habang magkadikit ang mga noo namin.
"I love you more." Hinalikan ko sya sa noo bago ako bumalik sa pagkakaupo ng tuwid.
"Lets go?" Tumango sya saakin kaya pinaandar ko na pauwi ang sasakyan.
Im so happy.
•••