028

2.6K 89 21
                                    

WINTER POV:

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung national games namin sa cebu.

Panalo kami kaya grabe ang pag salubong saamin ng mga schoolmates namin sa bawat school na pinanggalingan naming mga player.

I was so happy dahil kasama ko si maam summer nung araw na yun. Hindi man nakasunod ang parents ko at least shes there to support me.

I love her so much.
Sya ang naging insperation ko nung araw na yun kaya kami nanalo. And guess what? Im the mvp.

Walang pag lagyan ang saya ko nung araw na yun.

Pero hindi ko maipagkakaila na may kulang saakin nung araw na yun.

Yun ay ang taong naging dahilan kung bakit ako nakapasok sa tournament na naging dahilan kung bakit ako nakapasok sa national.

Hindi man lang ako nakapag pasalamat sakanya ng buong puso. Kahit ngayong nakabalik na ako hindi ko pa sya nagagawang kausapin dahil sa naging pag uusap namin about sa pag layo ko sakanya.

Minsan ko na nga lang rin syang makita dito sa school e. May iba ng nagtuturo sa architecture subject namin, pero ang sabi hindi pa naman na permanent na magtuturo saamin ang bago naming teacher sa architecture, ibig sabihin lang nun babalik pa rin si maam autumn. Baka marami lang itong ginagawa.

may time na narinig ko na nag uusap sila mommy and daddy about sa mga del valle at ang sabi ni mommy medyo nagkakaproblema ang DVU. Hindi dahil sa pabagsak ito, yun ay dahil gusto na daw ipalipat ng matatandang del valle ang school sa pangalan ni maam autumn dahilan kung bakit nagagalit si tito richard.

Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw o buwan ay si maam autumn na ang presidente nitong DVU.

Natigil ako sa pag iisip nang makita ko ang isang taong lumabas sa 7/11 na kaharap ng kinaroroonan ko. may dala dala itong supot ng store. naka sweatshirt at short sya na pinartner ng white shoes.

Sa tingin ko nag jojogging Ito may suot Rin syang headphone. tumawid sya sa kalsada papunta sa kinaroroonan namin. kahit na naka sweatshirt Lang sya anlakas Ng dating nya para syang nag fa-fashion show habang tumatawid sa kalsada Kaya pinag titinginan sya Ng mga lalakeng naka motor na naipit sa stop light.

Mga manyak.

napaismid ako. tapos sya parang wala man lang sakanya na pinag papantasyahan sya ng mga lalakeng hinayupak na mga to sarap nilang hambalusin isa isa sa mukha.

Kinuha ko ang drink na kakalapag Lang ng waiter sa mesa saka ko ito ininom.

Nakakauhaw.

Muli Kong binalik Ang tingin ko Kay maam autumn, only to see her na kinukulit Ng Bata. sa tingin ko nang hihingi Ang Bata Ng pera dahil naka lahad Ang kamay nito Kay ma'am na nakatigil na sa harapan nila. May karga karga na Bata Ang babae na sa tingin ko nasa 15 years old palang at may kasama Rin itong dalawang lalakeng mas Bata pa sakanya. Sa tingin ko magkakapatid silang apat.

"Is that maam autumn?" Tanong saakin ni sunny na nakaturo kay maam autumn.
"Infairness ang bait nya." Sabi nito na ikinangiti ko. Ganito rin reaction ko nung unang nalaman ko ang ganyang side ni maam autumn.

Tumingin ulit ako sa lugar kung nasaan si maam autumn at ang mga bata. Nakita ko na papasok sila sa jollibee habang nakasunod sakanya ang mga bata.

"It's like she was just born to be a good person." Sabay kaming napatingin ni sunny kay callione. Nakatingin sya kay maam autumn habang nag si-zip sya sa straw ng drinks nya.
"I remembered back then. She had a fight with uncle richard because he was making her stop working on her own foundation for the poor.
She really fought that because she dreamed of having her own foundation for a long time. her grandmother was the first to sponsor her foundation. Pero may kapalit yun, kapalit nun ay matataas na grade at maging cum laude." Halos parehas kami ng reaction ni sunny dahil sa nalaman namin mula kay callione.
Really? She did that?
"But if you don't know her, you wouldn't think she would do that thing, because of the personality she shows to people. She looks rude if you look at her. she is also quiet not unless she is comfortable with you." Dugtong pa nya. Actually tama sya. Ganyan ang tingin ko sakanya nung una.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon