020

2.6K 96 3
                                    

WINTER

"Kung hindi pa ako dumating, hindi ka pa kakain."
Sermon ko sakanya habang nililigpit ko ang mga pinagkainan naming dalawa.

Medyo omokey na ang pakiramdam nya dahil pinain ko na rin sya ng gamot.

"Masama pa naman ang hindi kumakain."
Tumingin ako sakanya dahil hindi sya umiimik.
Nakita ko na nakatingin lang ito saakin pero may ngiting nakapaskil sa mukha nya.

"I miss this." Rinig kong bulong nya.
"I miss you." Ngayon sinadya nya ng lakasan ang boses nya.

Agad akong nag iwas ng tingin.
Ang lakas lakas ng tambol ng dibdib ko.
Pero ayaw kong isipin na may meaning ang sinabi nya. Baka naninibago lang sya na mag isa sya pagkatapos ng halos tatlong buwan na magkasama kami.

Napalapit rin kami sa isat isa. Baka ganun lang talaga ang ibig sabihin nya.

Tahimik na hinugasan ko ang mga pinagkainan namin.

Pinilit ko ring huwag pansinin ang sinabi nya saakin.

"Do you like her?" Natigil ako sa paghuhugas dahil sa naging tanong nya.
Sinong tinutukoy nya?
"Autumn."
Tumawa ako ng mahina.

"Ano ba namang klaseng tanong yan maam?"
Tanong ko sakanya.
"Baka nga kahit kaibigan, hindi pa namin maconsidered na magkaibigan kami."

"What if, she likes you?" Tanong nya saakin.
Tinapos ko muna ang last na pinggan na hinuhugasan ko bago ako humarap sakanya.

"Imposible naman ata na mangyari yan.
May iba syang gusto, yun ang sabi nya saakin."

"Paano kung yung ibang tao na yun, ay ikaw?" Sabi nya.

"Hindi ako yun." Tumalikod ulit ako para pumasan ng toyo ako sink.

"Paano nga kung ikaw?"
Ang kulit. Muli akong humarap sakanya.

"Kung ako yun, at oras na umamin sya saakin syempre erereject ko sya, but in a nice way, Cause she has been so nice to me. Hindi nya deserved ang umasa. I will tell her right away." Sabi ko sakanya.

"What if she still pursue you after you reject her?"

"Wala naman akong magagawa kung gusto nya akong e pursue. As long as alam nya ang consequences sa huli ng ginagawa nya."
Sabi ko.
"Pero mabait si maam autumn. Hindi naman siguro mahirap na mahalin sya pabalik."

Napasimangot ito dahil sa sinabi ko.
Tumayo na ito.

"Dito ka ba matutulog?" Tanong nya saakin.
Tinignan ko ang relos ko.

9:30 na.

"Uuwi rin po ako. Hinatid ko lang talaga yung pagkain." Sagot ko.
"Wag mo ng uulitin yun. Masama yun." Paalala ko.
Tumingin ito saakin at ngumiti.

"Yes maam." Napangiti ako sa naging sagot nito.
Parang tanga.

Umiling na lang ako bago ako naglakad palabas. Sumunod rin ito saakin.
Lumabas na rin ako ng bahay

"Wag mo na ako ihatid kaya ko na." Sabi ko sakanya ng makita ko na sumunod sya saakin.

Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng sasakyan ko ng maramdaman ko na may yumukap sa bewang ko.

"What if, dito ka na lang ulit?" Tanong nya saakin. Nababakasan ko rin ng lungkot ang boses nya.

"Maam, okey na itong ganito. Maayos na ako sa condo ko." Sabi ko sakanya.
"Tyaka kelan mo ba ibibigay saakin yung divorce paper?"

"Hindi ko pa pinipirmahan." Sabi nya.
Humarap ako sakanya.

"What? Yun naman ang gusto mo diba?" Tanong ko sakanya.

"That is before."
Tumawa ako ng pagak.

"Ito na ang chance mo na makawala sa kasal natin. Bakit ayaw mo pa pirmahan? Ayaw mo ba nun? Magagawa mo na ang mga bagay na gusto mo with your boyfriend." Napipilitang convince ko sakanya.

"Hindi ko kayang pirmahan."

"Wag kang ganyan maam." Sabi ko sakanya.
"Paano kung malaman ng boyfriend mo na may divorce paper na tapos ayaw mong pirmahan? Masasaktan yun." Sabi ko sakanya.
Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa bewang ko.

"May divorce paper na?" Sabay kaming napatingin ni maam sa taong nagsalita sa likoran namin.

Si sir alcantara.

Naguguluhang nakatingin ito saamin.

Tumingin ako kay maam summer.

"Mag usap na lang kayo." Sabi ko sakanya. Tuluyan na akong sumakay sa sasakyan ko.

Napahawak ako sa may parteng dibdib ko habang nakatingin sakanila sa labas.
Nakatingin sila sa isat isa.

Tumingin pa saakin si maam summer bago nya inakay sa loob si sir alcantara.

Tumingala ako para bumuga ng hangin.

May sumisikdo na naman sa dibdib ko.

"Kaya mo ito winter." Bulong ko sa sarili ko.
"Pigilan mo yan." Dugtong ko pa.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni maam summer saakin. Lalong lalo na yung ayaw nya pirmahan yung divorce paper. Anong dahilan nya?

Pinilit ko na ngang ibigay sakanya dahil yun ang alam kong gusto nya pero ngayon parang sya naman itong ayaw.

Tapos gusto nya pa akong bumalik dito sa bahay dahil namimiss nya ako.

Hindi ko sya maintindihan.

Umalis na ako. Umuwi na lang ako sa condo ko.

Pag pasok ko sa condo pabagsak akong humiga sa sofa.

Kinapa ko ang cellphone ko na tumutunog sa bulsa ko.

"Coach?"

"Bukas ang simula ng practice natin para sa darating na national. Nainform ko na rin si charlotte about this matter."

"Saan po ang practice?" Tanong ko sakanya.

"Sa DVU. Dapat sa MU tayo pero ewan ko kung anong ginawa ni miss del valle para malipat saatin ang venue para sa pag practice."

"Sige coach."

"Winter, focus. Ayaw ko na maulit yung nangyari nung championship."

"Makakaasa kayo coach." Sabi ko sakanya. Pinatay nya na ang tawag.
Tumitig muna ako sa kisame ng ilang minuto bago ko naisipang tumayo para makaligo na rin at makapag pahinga.

Kinakain na naman kasi ako ng pagiisip kung ano ang ginagawa ni maam at sir alcantara sa mga oras na to.

"Nakakapagod."



•••

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon