WINTER POV:Naandito ako sa sala. Hinihintay kong bumaba sa maam summer. Ngayon kasi ang punta namin sa bahay ng mga magulang ko for a dinner.
Ang sabi ni dad may sasabihin syang importante samin ni maam. At may pakiramdam ako na hindi ko na naman magugustuhan ang sasabihin nito saamin ni maam summer.
Nalipat ang tingin ko sa hagdanan kung saan naririnig ko na ang mga yapak ni maam summer pababa. Naka suot ito ng sexy na damit At black 1 inches heel. Naka black pencil skirt sya at white longsleeve na naka bukas ang tatlong botones sa taas, kaya kitang kita ang kumikinang na necklace nito.
Napatayo ako ng lumingon ito saakin. dinampot ko na ang susi at bag ko sa center table. Wala kasi si kuya arnold ngayon dahil day off nito at umuwi ng probinsya kaya ako muna ang mag dadrive ng ilang araw para sa sarili ko.
Nauna na akong lumabas sa bahay para mag start ng sasakyan. Nilingon ko si maam summer na nilolock ang pinto ng bahay. agad rin akong umiwas ng tingin dahil tumingin ito sa direction ko.
Maya maya pa bumukas ang pinto ng backseat at pumasok ito saka naupo sa likuran.Seryoso ba?
"Maam, paalala ko lang po ah? Hindi nyo po ako driver." sabi ko dito habang naka tingin sa front mirror. Lumingon ito pabalik saakin
"Just drive, estrella." Seryoso na sabi nito, bago tumingin sa cellphone nya. Napahinga ako ng malalim bago ko pinatay ang makina ng sasakyan na ikinalingon nito saakin.
"Maam, kung hindi tayo sa bahay pupunta okey lang na dyan ka umupo. Ano nalang sasabihin ng parents nati-"
"Correction, PARENTS mo." Madiin na putol nito sa sasabihin ko. Tumahimik nalang ako at nag umpisa ng buhayin ang makina ng sasakyan ko para makaalis na kami. Anong oras na, ang usapan namin nila dad 7:30 dapat nasa mansion na kami, Pero 7:10 na at baka mga 8 na kami dumating. Ito kasing guro ko ambagal kumilos. alam ko naman na nanadya sya kasi nakita ko itong cool na cool na nakahiga sa kama kanina habang naka laptop.
Kumuha kasi ako ng damit sa kwarto kanina.
Nasa kwarto nya ang mga gamit ko dahil sarado ang mga pinto ng ibang kwarto. Pero sa sala ako natutulog. Hindi ko na pinag pilitan ang gusto ko dahil gusto kong respetohin ang privacy na hinihingi nya saakin.Tumigil ako ng mag red ang stop light. Binuksan ko rin spotify sa monitor ng sasakyan ko at plinay ang isa sa pinaka fave kong kanta
'When the morning came we were cleaning incense off your vinyl shelf
'Cause we lost track of time again
Laughing with my feet in your lap, like you were my closest friend
How'd we end up on the floor anyway?
You say, "Your roommate's cheap-ass screw top Rosé", that's how
I see you every day nowAnd I chose you
The one I was dancin' with in New York
No shoes, looked up
At the sky and it was'Muli ko ng pina abante ang sasakyan ng mag go signal na ang traffic light. Napatingin ako sa orasan sa monitor its already 7:57pm
We're late.
Ilang minuto pa ang byinahe namin bago kami nakarating sa mansion. Napalunok ako ng makita ko na naka abang sila mom and dad sa may papasok sa parking kasama ang parents ni maam summer.
"Sinabi mo ba sakanila na parating na tayo?"
Agad na tanong ni maam pagka park ko."Ofcourse not. Ni hindi nga ako humawak ng cellphone e" sagot ko sakanya. "Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Nothing." Sagot nito. Hindi ko na sya pinansin bagkos dinampot ko nalang ang mga gamit ko napansin ko na papalapit na sila dad saamin.
Ganon nalang ang gulat ko ng humawak sa braso ko si maam summer at maya maya pa nasa harapan na ito nakaupo.