008

2.7K 106 1
                                    

WINTER POV:

"Winter, tawag ka ni miss selveria sa labas." agad na napakunot ang noo ko sa sinabi ni jasmine. Binitawan ko ang bola bago nag lakad papunta sa bleachers para mag punas at uminom ng tubig. ano naman ang kailangan nya? Akala ko galet ito saakin dahil sa mga sinabi ko sakanya kaninang umaga. Alam ko na masakit yung mga salitang binitawan ko pero kasi naiinis kasi ako. Sino ba naman kasi matutuwa sa ganoon na ginawa na nilang motel ang bahay namin? Nakakainis pero hindi ko naman maiwasang ma guilty.

Bago ako mag lakad huminga muna ako ng malalim. pag labas ko si callione ang sumalubong saakin. Bakit hindi ko to naisip kanina? Selveria nga rin pala si callione.

Masyado na talaga akong naguguilty dahil naisip ko pa na sya itong nag hahanap saakin.

Kanina hindi man lang ako nito magawang lingunin pag akyat nya sa kwarto at hanggang sa umalis sya. Hindi kagaya dati na kahit papano nag papaalam na ito saakin at minsan pa nga kinakausap nya pa ako.

"lalim ng isip ha? Si insan ba yan?"
Mapang asar na bungad sakin ni callione. Irap lang ang binalik ko dito na ikinatawa nya. Hindi na talaga natapos ang pang aasar nito saakin

"bakit ba?" tanong ko dito

"pag katapos mo dito punta ka sa tent namin. May ipapagawa ako sayo, kailangan ko kasing bumalik sa building dahil may meeting ang ssc officers. Kaso ang problema walang maiiwan sa tent para mag bantay."

" hoy, archi kinukuha ko hindi pulis para gawin mong taga bantay. Bungol ka" sabi ko sakanya na ikinatawa nya

"tangina mo. Basta mamaya ha? Alam ko patapos na kayo dito. Ligo ka na" sabi nya at tinapik tapik pa ako sa balikat bago umalis. Napailing nalang ako

Mali ata na nag volleyball player ako tapos may kaibigan akong callione. lakas maka take advantages ang gago.

After ko maligo nag paalam na ako sa mga kaibigan ko sa gym, Dahil yung isa kanina pa text nang text hindi makapag antay sya na nga itong humihingi ng favor.

Pag dating ko sa tent nadatnan ko nalang dun si callione. nauna na daw ang iba kanina pa at hinihintay nalang nya ako para makaalis na rin sya.

Binilinan nya rin ako na tapusin ko yung ibang ginagawa nya Bago sya umalis.

"hay buhay." Usal ko "Hindi nga ako sumali sa SSC para walang malaking obligasyon, tapos itong si summer ipagagawa sakin ang gawain nya" mahinang ko habang tinatype sa laptop nya ang sunod sunod na schedule nya ngayong school fair.

tinaas ko ang kamay ko para mag unat unat. Dahil nangangalay na ako sa haba ng schedule nya. Bwesit na babaeng to.

Tumayo muna ako para mag lakad lakad, dahil pati mga paa ko nangalay na rin kakaupo. Pag ikot ko nagulat ako dahil nabangga ako sa taong hindi ko inaasahan. Akala ko nasa meeting rin sya? Ang alam ko kasi sya ang adviser sa SSC.

halata rin ang gulat sa mukha nya pag kakita nya saakin, pero kalaunan napalitan iyon nag pag seryoso at tinignan ako ng masama.

"watch your step next time estrella." usal neto sa harapan ko.

Pinalubo ko ang pisngi ko, Dahil sa tension na nararamdaman ko
Akma na sana itong aalis pero agad itong natigilan dahil sa sinabi ko, na Kahit ako hindi ko alam kung bakit ko sinabi ang mga salita na yun.

"maam can i take you out for dinner po?" nahihiyang sabi ko. Napakamot rin ako sa batok ko habang sinasabi ko ang salita na yun.

Napayuko ako dahil nakataas ang isang kilay nya saakin.

Ang ganda ganda ni maam. Lalo na ngayon sa ayos nya na naka beige turtle neck na tenernuhan ng beige na trauser at high heels. Naka ipit rin ang buhok nito with maching may konteng buhok sa harap.
Ang linis linis nyang tignan napaka swerte nang boyfriend nya.

"im sorry, but no." Firm na sabi nya saka na nag lakad papuntang kabilang table.
Mahinang napabuga ako ng hangin Bago muling naupo. Panaka nakang sulyap lang ako sakanya Naka side view ito mula sa pwesto ko.

Pag balik ni callione sa tent agad na akong nag paalam dito. Sa una ayaw pa sana nito pumayag na umalis ako pero wala rin naman itong nagawa.

Tumuloy ako sa grocery store. Buo ang desisyon ko na ipag luto si maam. kung ayaw nyang lumabas kasama ako much better kung sa bahay nalang kami kumain.

Habang nasa tent kanina nanuod ako ng tutorial sa yt kung pano mag luto, at ang napag desisyonan kong lutoin ay chicken pastel at beef steak.

Pag dating ko sa store agad akong pumunta. Sa mga can section pera sa mushroom at kumuha na rin ako ng Nestle cream for chicken pastel at sunod kong pinuntahan vegetable at sunod sa meat pinili ko fillet at maninipis na beef for beef steak. Pero meron paring makakapal. debale, sabi naman nung sa youtube pwede namang panipisin yun.

Nang makompleto ko na ang lahat ng ingredients ay umuwi na ako, dahil matagal tagal ko pang lulutoin yun.

Binabad ko muna ang beef steak para matapos ko mang lutoin ang pastel ay lumasa na ang timpla nya sa beef.

At ngayon ay nag hihiwa na ako ng mga kakailanganin ko para sa pastel. Naka open lang ang video sa harapan ko para wala ako maka ligtaan.
At habang nag hihiwa ng sibuyas hindi ko maiwasang maluha dahilan kung bakit ko nahiwa ang isang daliri ko.

"awww.. fuckshit." usal ko habang hinuhugasan ko ang sugat ko ng maubos na ang dugo kumuha ako ng band aid.
"puta ang sakit"
Reklamo ko pero nag patuloy parin ako.

Makalipas ang ilang oras natapos ko na ang pag luluto at success naman masarap yung luto ko.

Sinalin ko na ito sa lalagyan at inayos ang mesa dahil baka dumating na si maam. Nag lagay na rin ako ng plato At habang nag hihintay nilinisan ko na rin ang pinag lutoan ko. After ko mag linis umakyat na ako para maligo dahil maya maya lang nandyan na yun.

Ilang minuto lang ako sa banyo kinuha ko ang twalya at pinaikot sa katawan ko. saka lumabas pumunta ako sa closet at pumili ng susuotin.
After ko mag bihis lumabas na ako ng kwarto at mukhang nasa baba na sya dahil nakakarinig na ako ng yapak sa baba. Maya maya pa ay narinig ko rin ang boses ni callione.

"ay wow, sweet naman ng bestfriend ko." rinig kong sabi nito kaya agad akong napatakbo pababa. Nadatnan ko ito na inamoy amoy ang niluto ko
"para sa pinsan ko ba to?" mapang asar na tanong nito Saakin. May mapang laro rin itong ngiti sa mga labi nya.

"Yes, Pambawi lang. Piece offering"
Sabi ko sakanya. mas lumawak ang mapanglaro nitong ngiti

"naks may pa piece offering na. Bakit ano bang nagawa mo? At kailangan may piece offering ka?"

"i feel guilty lang kasi dahil kaninang uma- ah basta saakin nalang yun" napakamot ako sa ulo ko.

"okey asan ba ang pwesto dito ni insan?" tanong nya kaya tinuro ko ang plato sa side nya.
Hindi ko alam pero umiba ang aura ng mukha nya.
"andyan na ata sya. Pag buksan mo na"

"ikaw na kaya" sabi ko sakanya.

"bakit ako? Ikaw ang bumabawi diba?" sabi nya sabay tulak saakin palabas ng kusena

Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng bahay. pero agad rin akong natigilan ng makita ko na kasama nya ang boyfriend nya.

Wth?

"bat ang tagal n-" natigil ang sinasabi ni callione ng makita nya ang pinsan nya.

Tinignan ko ng hindi makapaniwala si maam. Akala ko nag ka intindihan na kaming dalawa kanina, Pero hindi pa pala.

Umiling ako bago inis na tumalikod. Fuckshit. Bakit ang hirap nyang kausap? Nakakainis.

Padabog akong umupo sa sofa. nakabusangot kaya halata ang pagka irita or pagka inis sa mukha ko.

Maya maya pumasok si callione sa sala at lumapit saakin.

"hinatid lang naman pala, Kaya wag ka ng mainis dyan. Sayo ngayong gabi ang pinsan ko"

"ano bang sinasabi mo dyan?"

"heh. Basta enjoy the night" sabi nya saka ako hinalikan sa pisngi.

"mas mabuti nang sayo sya mapunta kesa sa lalakeng yun"

May sinabi pa sya bago sya nawala sa paningin ko pero hindi ko na yun naintindihan.

•••

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon