004

3K 120 3
                                    

WINTER POV:

Nagising ako dahil sa malakas na kalampag ng isang bagay. Pag angat ko ng mata ko nakita ko si maam summer na nakasalampak sa sahig.

Mabilis akong tumayo para alalayan sya dahil halata na lasing na lasing ito. Pano ba sya nakauwi? At bakit nag iinom sya?

Tumingin ako sa orasan, its already 1:30 am. Inumaga sya dahil sa pag inom?

hahawakan ko sana ito sa braso para sana alalayan na makatayo kaso tinapik nya lang ang kamay ko. humarap sya saakin at nagulat ako dahil punong puno ng luha ang mga mata nya.

What happen?

"D-dont you ever t-touch me, you f-fvcking asshole" hirap na hirap na sabi nito bago pilit na tumayo.

"Bakit ako? Anong kasalanan ko sayo?" Nagtatakang tanong ko sakanya. tumingin ito saakin. Hahawakan ko sana ang buhok nya para hawiin ang nakaharang na sa mukha nya kaso tinapik nya lang ulit ang kamay ko kagaya kanina.

"I-ikaw ang d-dahilan kung bakit n-nangyayari saakin ang l-lahat ng ito" utal utal na sabi nito bago sya naglakad palayo. Hindi pa man sya nakaka apak sa unang baitang natumba na ito, buti nalang mabilis akong nakatakbo palapit sakanya kaya nasalo ko sya.

Hinawakan ko sya sa dalawang kamay saka ko sya pinasampa sa likod ko. Bakit ba kasi nag iinom to. Hindi man lang nag tira ng pang lakad.

May balak pa sana itong umangal pero wala na itong nagawa ng tuluyan ko na syang maisakay sa likod ko at nabuhat. Naramdaman ko ang pag kurot nito sa leeg ko Napapikit ako dahil ramdam na ramdam ko ang kuko nya doon.

"Aray ko. Pwede ba wag kang mangurot? ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong nananakit" sabi ko sakanya habang dahan dahang nag lalakad paakyat

"I want him back" sabi nito at sunod kong naramdaman ang pag bagsak ng ulo nya sa balikat ko. Tulog na ito

Kaya pala sya nag kakaganito dahil break na sila ni sir alcantara? Kaya ba sya galet saakin dahil doon?
Well hindi ko naman sya masisisi.

Tama sya.

dahil saakin kaya sya nahihirapan ngayon. Dahil saakin kaya nag hiwalay sila ng long time boyfriend nya na isa ring teacher sa school namin.

Im sorry maam summer selveria, Im sorry kung wala akong magawa. Im sorry kung wala akong magawa para pigilan ang mga magulang ko.

Ang tanging magagawa ko nalang para sayo ay suportahan ka at protektahan ka mula sa mga magulang ko. Hanggat maaari pipigilan ko sila sa gusto pa nilang mangyari saating dalawa.

Binuksan ko na ang kwarto nya. pag pasok ko nag lakad na ako papuntang kama. tumalikod ako at dahan dahan syang inalalayan paupo saka ko sya dahan dahang pinahiga sa kama. tinanggal ko na rin ang suot nyang heels

"Ahmm" ungol nito
Tinanggal ko ang hibla ng buhok na humarang sa mukha nya. Ang ganda ganda talaga ni maam summer. Itong mukha na to? Iniwan ng boyfriend nya? Ang tanga naman ng boyfriend nya. Kung dahil saakin ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay, Masasabi ko na ang tanga ni sir alcantara hindi man lang nya inintindi si maam. for sure naman na naipaliwanag ni maam ang lahat lahat.

Mga lalake nga naman, gusto lang nila puro sweet moments pero pag nasa complicated na ayaw man lang umintindi kahit konte tsk. Buti pa si kice naintindihan ako nung inamin ko sakanya ang totoo. sana ganon rin ang boyfriend ni maam.

Kinuha ko na ang comforter sa may paanan niya at tinakip sa katawan nya. Pagkatapos ko, tatayo na sana ako pero ganon nalang ang gulat ko ng hilain ako ni maam summer at huli na ng marealised ko na mag kadikit na ang mga labi namin. Oh my god.
pinulupot ang mga braso nya sa batok ko at mas lalo akong nilapit sakanya, kaya mas lalong nag dikit ang mga labi namin.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon